CHAPTER 22.5

7.7K 132 1
                                    

Zea's POV

Nagising ako sa paghila ni Kaela ng kumot at paghila sa paa ko.

"Dai! Tanghali na! Tapos na ang breakfast, bumangon ka na at maligo."

"Ihhh. Napagod ako kagabi eh."

"Sino bang hindi?! Hala bangon na. Andun si James sa labas. Kanina pa."

"Wow! ang husay lang ha? close kayo??"

"Zea, please."

"Okay fine!"

Paglabas ko, nakita ko namang may pagkain na sa mesa. Nagparoom service na lang siguro si Kaela. Si Elle aba, masaya nang kumakain ng baked tahong.

At dahil daw tanghali na, sorry dahil kasalanan ko, sa Lotte World na lang kami pumunta. Duon na rin kami naglunch sa loob.

Kinausap naman kami ni James.

"Zea, Elle"

"Yes?" Elle

"Gusto ko lang magpasalamat kasi pinayagan nyo ako sumama sa inyo dito."

"Sila lang James."

"Zea!"

"Bakit Elle? Nakalimutan mo na ba? Hindi lang si Kaela ang niloko nya. Ikaw James, nagtiwala ako, kami sa'yo kasi maayos kang tao. Kasi naniwala kaming hindi mo lolokohin ang kaibigan namin pero ano??"

"Zea, tama na."

"Hindi Elle eh! Kung hindi ba natin sya nahuli aamin ba sya sa atin?? Hindi ba't gagawin din nya tayong tanga na naniniwala sa kanya? Alam na alam mo ang naramdaman ko nung lokohin ako. Ikaw na nga ang best guy friend namin eh. May pasuntok suntok ka pang nalalaman kay Arthur. Tapos anong ginawa mo? Nambuntis ka rin ng iba!"

"Zea, Elle, alam kong kulang ang salitang sorry. Pero yun na lang ang pwede kong gawin. Ang magsorry sa inyo, dahil sinira ko ang pagkakaibigan natin. Sinira ko ang tiwala nyo sa akin. Sorry." Sabi nya habang nakayuko

"Hindi ako masaya. Yun ang totoo. Dalawa nga ang anak ko pero kulang. Mahalaga kayo sa akin. Mga kaibigan ko kayo. Kayo ang kakampi ko nuon at hindi ko yun makakalimutan. Sana hayaan nyo akong bumawi. Hayaan nyo rin akong humingi ng tawad kay Kaela."

Kumaway sa amin si Kaela na nasa isang side nang park at masayang kausap ang asawa nya. Simula nang magpakasal si Kaela, lalo syang naging masayahin. Her husband really made her very lucky.

Nakita ko namang nakatingin lang si James. Kita mo ang pagsisisi sa mga mata nya. I wonder if my ex would look at me like this.

James sighed. "I'm sorry, Elle, Zea."

Nanghihina talaga ako sa mga sincere na tao. Totoong galit ako sa kanya kasi niloko nya rin kami ni Elle. Lagi ko syang dinedefend sa mga naninira sa kanya. Hindi miminsang pinagtanggol namin sya sa galit ni Kaela. Mas kinakampihan ko sya. Masakit lang kami pala ang mali. Kaya siguro malaki ang galit ko sa kanya.

"Magsorry ka sa kanya kung gusto mo, pero ako? Hindi okay sa akin ang ginawa mo. Tinuring kitang kaibigan."

Tinalikuran ko na sya at hinayaan sa balak nya.

Inenjoy na lang namin ni Elle ang Lotte.

"Elle, kapag nanganak ka, balik tayo dito. Mageenjoy ang kids dito oh!"

Napahawak naman si Elle sa tyan nya.

"Sana Zea kayanin ko ano?"

"Kaya mo yan Elle. Hindi ka naman namin iiwan eh."

TRAVEL GOALS : My American DreamМесто, где живут истории. Откройте их для себя