CHAPTER 30

8.1K 127 0
                                    

Zea's POV

After Christmas, pinili naming lumibot libot na lang ni Ethan. Nakipag meet din kami kina Kaela at Jake sa New York.

"Zea!!!"

"Jusko naman Kaela hanggang dito ba naman ganyan ka sumigaw?! Nakakahiya ka talaga."

"Grabe ka talaga sa akin."

Pagkasabi nun ni Kaela lumapit sa akin at bumulong. "Ayan na ba asawa mo?"

Pinitik ko muna sa noo, tsaka ko ipinakilala si Ethan.

"Love, this crazy one is Kaela, one of my bestfriend and her husband, Jake, guys, my husband, Ethan."

Agad namang nagkamay sila Jake at Ethan. Ganun din si Kaela.

"Guys, thank you so much for helping us find each other."

"Oh, nothing to worry." sagot ni Kaela

At dahil magkasama kami ni Kaela, hindi nawala ang paggala at pagshopping namin.

"Ang sarap ng may human credit card ano?" sabi ni Kaela

"Human credit card eh hindi ka naman nagbabayad!"

"Oi! Binabayaran ko yan sa gabi! Hahahaha"

"Ang green mo Kaela!"

"Wow, akala mo naman. Osige na, ako na lang."

"Baka dito ka pa magbuntis ha, nakakahiya on business trip ka."

"Ano naman?! Okay lang yun! Hahahahahaha."

"Aiii, ewan ko talaga sa'yo."

"Kelan ka nga pala uuwi Zea?"

"Mga second week siguro ng January. Ikaw?"

"February pa siguro, Europe kami after nito. Paguwi namin, papakasal na kami sa atin."

"Wow, I'm happy for you Kaels."

"Ikaw Zea? Kelan kayo?"

"HIndi ko pa sure. Madami pang kailangang ifigure out yang si Ethan. Bahala na. Ang goal ko naman muna ay maipakilala sya sa bahay."

"Sabagay din Zea."

We roam around New York City. Habang naglalakad kami sa Times Square, nakita pa namin si Ms. Philippines na Ms. Universe kaya nagpapicture kami ni Kaela with her. Nagpunta din kami kay Madame Tussauds, yung may wax museum. Si Kaela enjoy na enjoy gumaya ng mga pose duon. After namin sa wax museum, nagpunta kami sa One World Observatory. Duon na rin namin napagusapang maglunch.

Kaela ang I had fun looking around. Mahilig kasi kami sa skyscrapper. Si Kaela, may pagpicture pa ng nakahiga. Baliw na talaga ang kaibigan ko. After nun, we settled in the restaurant. Hindi pa kami nakakaorder nagsisikuhan na kami ni Kaela. Paano ang liit ng serving tapos ang mahal mahal.

"Sweetheart! Hindi ako mabubusog dito." Kaela

"We'll just dine again later outside, have an appetizer first" sagot naman ni Jake sa asawa nya na mukhang natatawa

Tumingin ako kay Ethan.

"I know, just order something then we'll leave and find better restaurant." bulong nya

I metally laugh. Look at these guys, they knew us very well.

Umorder na lang kami nang kahit ano, jusko, sabi nga ni Kaela pang baby serving lang daw ang pagkain. Kaya after namin sa One World Observatory ay naghanap na kami ng makakainan. Yung dalawang lalaki, biniro na lang kami nang biniro ni Kaela, anlaki nga kasi ng apetite namin.

"Zea, I am happy you look happy now."

"Salamat ha Kaela?"

"Ano ka ba, wala naman ako masyado ginawa. Destiny na talaga yan."

"Analaki ng utang na loob ko sayo dahil dito."

"Who counts Zea? Sino bang tinakbuhan ko nung parang tanga akong iyak ng iyak twing makikita ko ang mga anak ng ex ko? Sino ba ang matygang sumasama sa akin? Zea, we're friends, sisters, sapat na sa akin na masaya ka na ring gaya ko."

"Masaya na nga ako Kaela."

"At masaya na rin akong masaya ka."

"We just need to help Elle find her happiness."

"We will Zea. And I know, she'll be happy very soon too."

"Makakauwi ka ba bago sya manganak?"

"Yes, I think so."

Napatingin naman kami ni Kaela sa dalawang lalaki na masyang nagkukwentuhan na para bang matagal na magkakilala.

"Tingnan mo ang asawa natin Kaela, mukhang friends na sila."

"Dapat lang naman Zea! Sasapukin ko sa mukha yang si Jake kapag hindi nagbehave."

I just laughed at her.

"Pero walang biro Zea, maswerte tayo kasi we found guys who can keep it up with us, we found very mabait na in-laws. Alam mo yun? It's just so perfect."

"Yeah. Perfect."

Who needs a troop when you have these friends? Elle and Kaela will always always be special to me.

We decided to meet again kinabukasan para makalibot ulit. Nagpunta kami sa Liberty Island at nagpapicture sa statue! And of course, kumain kami duon. Infairness, ang sarap ng pagkain, naalala ko tuloy si Elle dahil sa sea foods. After namin sa Liberty Island, sa Empire State na kami pumunta.

Kapag talaga kami ni Kaela ang magkasama, walang ka diredireksyon ang pag gala. Elle is always the planner twing aalis kami, tapos ako, restaurant checker, itong si Kaela, props lang. Sama lang ng sama. Pwedeng pwede mo nga itong iligaw. She's one great company dahil wala naman yan reklamo kahit saan mo dalahin, ang problema lang hindi mo maaasahan yan sa direksyon. Si Elle talaga ang maorganize na tao. Lahat ng lakad namin naka itinerary at may time frame.

That evening, nagpaalam na sila Kaela at Jake, they will head on Hawaii para ituloy na ang business trip nila. Babalik daw sila para sa new year pero mabilisan lang daw dahil may Europe pa daw sila.

Kami naman ni Ethan, we'll enjoy New York for awhile. Dito muna kami bago kami bumalik sa Louisiana.

TRAVEL GOALS : My American DreamWhere stories live. Discover now