CHAPTER 6

9.1K 148 2
                                    

Zea's POV

"Hi Zea! Good Mood ka?" Pansin ni Sai sa akin bago kami magmeeting para sa training

"Okay lang. Bakit?" Sabi ko

"Wala naman. Blooming ka ata?! Ganda mo ngayon eh."

"Palagi namang maganda si Zea eh." sabat ni Arkin

"Ehehehe." Sai

"Sai, tigilan mo ako. Tama naman si Arkin, palagi akong maganda."

"Alam ko naman yun, pero syempre iba ang glow kasi andito si boyfriend mo! Hihihi." Sai

"Boyfriend? May boyfriend ka Zea?!"

Bigla nagiba ang mood ko. Parang naoffend ako sa sinabi nitong si Arkin. Porke't ba at binasted ko sya kung makatanong sya'y akala mo sya lang ang nagkagusto sa akin.

"Oo. Bakit?" Sagot ko.

Paninindigan ko na nga lang to.

"Baka naman hindi nya pa ako mapantayan ha Zea, sayang naman at inayawan mo pa ako." Arkin

Siguro naman, walang matinong babae ang magkakagusto sa taong may built in aircon. Oo at gusto ko malamig pero never ko ginusto na may katabing ganitong nilalang. Para bang sinakop na ng kayabangan nya ang lahat ng katangian na dapat meron ka.

"Kung sa yabang Arkin, hindi ka talaga nun mapapantayan. Humble na tao yun eh."

"Hmmn. I'm sure pangit yang napili mo. Magsisisi ka din na hindi mo ako sinagot." Arkin

"Okay, magdasal ka para mangyari yan. Pero umalis ka dito, sa kabilang group ka."

Nagdadabog namang umalis si Arkin.

"Ang yabang talaga nun no?" Sai

"Sobra."

"Buti na lang anjan si Love. Hahaha."

Inirapan ko na lang si Sai. Dumating naman na ang iba so diniscuss ko na ang mangyayaring training. Bale next next week ang training kasi madami pang items na kailangan matapos until next week.

After ng meeting, derecho na ako sa trabaho. Napakahirap talagang maging auditor, andami mong makakaaway. Kaya lagi mainit ulo ko eh. Pero wala namang choice, pinili ko ang ganitong trabaho, kailangang mahalin ko.

Afternoon came. Nagmadali na akong magout. Paano'y alam kong hinihintay ako ni Love este ni Ethan. Ano ba yan, nagagaya na ako sa kanila eh.

"Hui Zea! San ka pupunta? Diba may dinner tayo?" Ceska

"Ces, pass muna ako. Hinihintay na ako ni Ethan." sabi ko

"Ay! Si Love naman pala. Sige! Humayo kayo at magpakarami! Hahahaha."

Okay, halos lahat sila ang tawag na kay Ethan ay Love. Paano ba naman kasi'y pinanindigan na nga ni gago ang call name nyang yun para sa akin.

"Kanina ka pa?" tanong ko nang makita ko sya

Syempre. May dala na naman syang bulaklak. Bahala na sya. Trip nya eh.

"San tayo?"

"Saan mo gusto?"

"Basta hindi curry at walang sibuyas."

TRAVEL GOALS : My American DreamWhere stories live. Discover now