22

10.2K 345 33
                                    

**Gianni Bien's POV


Tinapik tapik ko ang binti ko gamit ang scented invitation card. This leaves me with only one choice, well, wala naman talaga akong ibang choice kung hindi ay siya lang.


Taking my chances again, nagsimula na akong maglakad sa silid ni Nanay Netti dala dala ang isang bulaklak. Nailipat na siya from ICU to a Private Suite.


Kumatok muna ako sa pintuan bago pumasok, "Good morning po." May bisita pala sila Farrah. Napatingin silang lahat sa akin.


Wrong timing nanaman ba ako?


Magsasalita sana si Farrah kaso inunahan siya nung bisita nila.


"Magpagaling ka, Neticia. Wag kayong magdadalawang isip na tawagan ako kung may kailangan kayo." Saad ng bisita nilang isang matandang lalaki, mukha itong mayaman gawa ng suot niya na parang isang pulitiko.


Tumayo ako ng maayos ng tumama ang tingin niya sa akin, "Maraming salamat sa tulong mo sa mag-ina ko. Ibabalik ko kaagad ang mga nagastos mo dito sa ospital."


Sana hindi nila nahalata ang paglaki ng mga mata ko ng marinig ko ang salitang, mag-ina. Now I feel stupid dahil noong tinanong ko si Farrah kung nasaan ang tatay niya, nag-assume agad ako sa sagot niya.


What else could you think of when someone answers you, 'He's in a happy place.' Hindi ko naman inakala na ang ibig sabihn pala nito ay namumuhay siya ng matiwasay at walang hirap.


"You don't have to, Sir. I only wanted to help and I'm not asking for any exchange at all."


"I'm Pierro Gustavo, by the way." Lumapit ito sa akin at inilahad ang kanang kamay niya.


Gustavo?


"Pleased to meet you, Sir. I'm Gian Carreon." Tinanggap ko ito.


"I can't express in words how thankful I am right now. Sana marami pa ang mga katulad mo sa mundong ito." He's a man of words, isn't he?


Dumami ang katulad ko? I don't think you'd still want that if you know me.


Ngumiti na lang ako, now I know who's looks Farrah has taken to. Sobrang kamukha niya ang tatay niya.


"Mr. Carreon, what made you help them?" Palipat-lipat ito nang tingin sa aming dalawa ni Farrah. I'm sensing that he's thinking that my ulterior motive is to get close with his daughter.


At first, it wasn't. But everything have changed.


"I don't have to find a reason to help other people, Sir." I've always enjoyed when my Dad scare my dates off. Oh, boy. The joke is on me now. Ngumiti naman ito sa akin, nagustuhan ata nito ang sagot ko.


The way he scrutinizes me is intimidating. I saw him peered back sa hawak kong card then made contact with my eyes. I know what he meant, "My family was invited to attend a simple gathering tomorrow, Sir. May I ask your daughter to be my date, perhaps? If that's okay with you..."


Si Farrah parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.


Lumaki ang ngiti ni Nanay Netty sa akin, "Gian, walang problema sa akin. Basta alagaan mo ang anak ko." Alagaan? I hide my guilt striken face.


"Thank you, Nay! Ah siya nga pala, para sa inyo po." Abot ko sa bulaklak na dala ko.


Yung tatay ni Farrah, hindi nagsasalita basta nakatingin lang siya sa akin.


A Bizarre Kind Of Love (LGBT) COMPLETEDWhere stories live. Discover now