5

13.2K 400 17
                                    

**Gianni Bien's POV


Lutang lang akong nakatingin sa paligid ng mahagilap ng aking mga mata ang kakaibang tarpaulin na nakasabit sa isang maliit na puwesto.


Wiccan Enchantments


Sa walang kadahilanan, naengganyo akong puntahan ito.


"Dodi, stop the car." tawag ko. Tumigil naman ito sa gilid at agad akong lumabas ng sasakyan.


"Saan mo nanaman balak pumunta?" Hila sa akin ni Farrah para pigilan ako.


"That place." Turo ko sa napaka-weird na shop. Nagkunot naman ang noo nito, nagtataka.


"Ngayon ko lang nakita iyan.." nagsimula na akong maglakad at sinundad naman ako nito. "Gianni, saglit lang."


Pinihit ko ang pintuan at biglang tumunog ang mga windchimes. Nakakapangilabot naman dito! Lahat ng kagamitan dito ay itim kumbaga parang pang-haloween.


''Ay palaka!'' Napasigaw ako nang may natabig akong plastic display na katawan, idagdag mo pa ang itsura ni Manang na nakatingin sa akin. Gulo gulo ang namumuting buhok niya, itim lahat ng suot niya. Kulang na lang maglagay siya ng eyeliner para mukha na siyang rakista.


"Alam ko kung bakit kayo naparito." Ngiting bati niya sa amin.


"Ako nga hindi ko alam, ikaw pa kaya." Sarkastikong sagot ko sa kanya. Tumawa siya ng malakas yung typical na halakhak ng mangkukulam, nakakapangilabot tuloy lalo. Si Farrah napahawak sa laylayan ng damit ko bigla.


"Sundan niyo ako." Ito nanaman yung pakiramdam na parang humihila sa akin. Pumasok kami sa isang kwarto na halos ay pula naman ang dingding. Ang tanging gamit lang na andito ay dalawang upuan, isang mesa na may kandila sa gitna at isang deck ng cards.


"Maupo ka.." Utos nito pero hindi siya sa akin nakatingin kung hindi ay kay Farrah. Sinunod naman ni Farrah si manang. "Simulan mo ang mag-kwento." Parang puppet lang dahil naging sunod-sunuran si Farrah.


"Bakit ganoon ang mga lalaki? Napakadaling iwanan ang mga babae. Porket mas malakas na sila kaysa sa atin ay kaya na nila tayong itapon at saktan na lang ng basta basta?--" tuloy tuloy na saad ni Farrah.


"Kapag ako naging lalaki, hinding hindi ko sasaktan ang magiging girlfriend ko at hinding hindi ko iiwan. I will respect and love her. Hindi naman iyon mahirap gawin hindi ba?" I covered my mouth fast. Why did I say those things?! OMG. I've never even think of myself as a guy! It's like my mouth has it's own mind!


Tapos parang estatwa lang na nakatingin sa akin si Manang. Tumataas ang mga balahibo ko at hindi ko magawang alisin ang pagtitig ko sa kanya. Inabot ko ang palad ko sa kanya, "Ouch!" Iyong dugo ko ay pumatak sa isang lumang papel. What the fuck is that?


"Maari na kayong umalis." Mahinahong sabi ni Manang. Nakangiti ito ng malaki.


"Teka yun na iyon?" Takang tanong ko. Ang nonsense naman pala nito eh! Ngumiti lang si Manang sa akin, yung ngiting nakakapangilabot nanaman!


"Gianni, tumahimik ka na at umalis na tayo dito parang awa mo na." bulong ni Farrah at kinurot pa ang braso ko. Tinignan ko ito ng masama dahil sa sakit ng kurot niya.


"Wow! Thank you for nothing!" Bwisit na sigaw ko at lumabas na sa creepy na store niya. Kaya siguro walang pumupunta dito dahil sa kakaibang aura at binebenta niya na walang kwenta. Bwisit! Nagsayang lang ako ng oras ko doon!


A Bizarre Kind Of Love (LGBT) COMPLETEDWhere stories live. Discover now