Chapter 54: Things you don't see

2.8K 63 8
                                    

“ge! Gising na dali!”

“bakit? “ pilit iminumulat ni Gerald ang kanyang mga mata.

“magbihis ka na! mamaya na yung concert ni Beyonce eh!”

“Babe, mamaya pa yung gabi! 8 palang oh!” nagkumot muli si Gerald at bumalik sa tulog.

“Gerald!! Dali! Manganganak na ko!!”  tumayo kaagad si Gerald. His hair is still messy and he is not wearing a t-shirt. “Teka I’ll get your bag, relax ka lang!” nagpapanic si Gerald at paikot ikot sa kwarto. He just realize na niloloko siya ni Sarah nang nakaupo ito sa kama at tawa ng tawa.

“What?” tanong ni Gerald na napatigil sa pag-iimpake ng gamit ng asawa. “you’re just bluffing?!” napaexhale naman ang mister ng malakas dahil sa ginawa ng asawa “ I panicked babe!” nakasimangot na sabi nito.

“Sorry” hindi mapigil ni Sarah ang sarili sa kakatawa.

Kaya nakakuha ng pang-asar si Gerald sa misis. He do a sexy dance infront of her. Dahan-dahan siyang lumapit. Napatingin naman si Sarah sa mister, at halatang nakaramdam ito ng init.

Biglang tumigil si Gerald sa pagsasayaw at nag face to face sila ng asawa “Ano misis?! Nanginginit ka na? naku! Wag mo ko lokohin baka maging kambal pa si Baby at the last minute!”

“hindi ah! Dali nga babe! Magbihis ka nab ago pa kita halikan! Este balikan! Kasi bababa na ako. Maghahanda ako ng almusal” derederechong bumababa si Sarah papunta sa kusina.

Naiwan naman doon si Gerald  na napailing nalang sa asawa. “Hayy misis ko talaga!.”

Nagbihis na si Gerald  at bumaba para sa kanilang umagahan.

“Do you want something? Kaya mo ko ginising?!” tanong nito

“Nope. Gusto ko lang talaga manood na nung concert” parang batang binigyan ng lollipop na sabi ni Sarah. “Ang spoiled talaga ng babe ko!” pinisil ni Gerald ang pisngi ng asawa.

“Eh! Babe naman!” hinampas ni Sarah ang kamay ni Gerald. “Hoy ikaw Ge ha! wag ka malalate mamaya! Naku kung hindi! Hindi na talaga ako uuwi dito sa bahay! Tsaka di ko ipapakita tong si baby sayo kapag nanganak na ko”

“Yes ma’am! Tsaka sa banta mo palang na hindi ka uuwi eh, baka nga hindi na ko umalis eh” sabi ni Gerald reffering to his shooting para sa isang movie niya.

“Pwede?” sumaya naman ang mukha ni Sarah sa tanong na iyon. Yumapos si Gerald sa asawa at hinalikan ito sa noo. “Babe, kahit na gusto ko. I need to work para sa inyo ni Baby. Lalo na ngayon kailangan natin paghandaan yang pagdating niya.pero don’t worry uuwi ako ng maaga.” 

“Hmm kainis!” kunot noong tumingin si Sarah sa kanyang mister. “Pero sige na nga! Basta wag kang late!”

“I won’t, promise!”

Ilang minuto matapos umalis ni Gerald ay narinig ni Sarah ang busina ng ate Shine niya sa labas. Kasunod nito ay isang text mula sa kapatid.

From:Ate Shine

Sars, bihis ka dali! May kakausapin tayo

Nagtaka naman si Sarah pero sinunod parin niya ang kapatid.  Nagbihis siya ng pang-alis at bumaba. Nagpaalam nalang siya sa kanyang kasamabahay na kapag hinanap siya ng asawa ay sabihin na kasama siya ng kapatid.

“Ate bakit saan tayo pupunta?” tanong ni Sarah nang makasakay ng sasakyan. “sa mall in alabang” nagulat si Sarah dahil sa kinarami dami ng mall sa manila ay gusto pa nitong sa alabang mag mall. “Bakit doon pa? ano bang meron?”

“may imimeet tayo. Wag ka nang mareklamo, magseat belt ka pwede po ba yun?” sarah fasten her seatbelt and they started to travel.

Pagdating nila doon ay doon na sila sa may resto nagpark. Para hind na masyado pa mapagod si Sarah at para hindi na siya ganoon pagkaguluhan. “Sino ba imimeet nati-“ nang makita ni Sarah na kawayan sila ni Fred ay hindi na niya natapos pa ang tanong dahil alam na niya kung sino.

My Right Kind Of wrongDonde viven las historias. Descúbrelo ahora