Chapter 31: Change of plans

4.9K 61 16
                                    

My Right Kind of Wrong

Chapter 31: Change of plans

“Ang lamig” sabi ni Sarah na nakapikit parin sa sobrang antok at sa sakit ng ulo. Kinakapa niya ang kumot at nang mahawakan niya ito ay hinila niya ito para makumutan siya.

Laking gulat niya nang may humila muli nito. Iminulat ni Sarah ang mata niya at lumingon sa kanyang likod.

Nakita niya si Gerald na natutulog sa tabi niya.

Oh my gosh Sarah ano bang nangyari? Di kaya na… HINDI ANO KA BA! Sabi ni Sarah sa sarili.

Tiningnan ni Sarah ang sarili. Tinignan niya kung may suot ba siyang damit o wala.

Nakahinga naman siya ng maluwag nang makita na may suot siyang damit.

Whew! Kinabahan ako dun ha! Teka ano bang ginagawa nito dito? Napatitig si Sarah sa mukha ni Gerald na himbing na himbing sa pagkakatulog.

Teka ano nga ba talaga nangyari? Bakit kami magkatabing natulog?! Tanong ni Sarah sa sarili.

Pumikit si Sarah at pilit iniaalala ang nangyari kagabi.

*****

“Ipapasok ko na babe, don’t worry I’ll be careful” tumingin si Sarah kay Gerald at tumango sa sinabi nito.

“Okay. Be extra careful babe ha.. special lahat yan” sabi ni Sarah na hawak rin ang ibang trophies niya.

Inaayos ng magkasintahan ang unit ni Sarah. Inililipat rin nila lahat ng awards ni Sarah na mahigit 100 na.

Nilinis narin nila ang condo ng dalaga dahil naisip nila na pwede rin nila itong maging bonding time.

“Babe this is the last one” sabi ni Sarah at iniabot ang huling trophy sa binata.

“Hmm ang dami mo na palang awards!” nakangiting sabi ni Gerald.

“Oo nga eh. Salamat kay Lord sa mga blessings niya”

“Alam mo isa yan sa mga gusto ko sa’yo eh” lumapit si Gerald at hinawakan sa beywang si Sarah.

“Alin yung mga awards ko?” inilagay ni Sarah ang kamay sa balikat ni Gerald.

“Hindi. Yung pagiging down to earth mo. the way you stay humble after all your achievements. Why?”

“That’s the least I can do to honor his Blessings. Sa lahat lahat ng ibinagay niya sa akin, sa pamilya ko ay dapat naman sigurong suklian ko yun ng pag gawa ng mabuti.”

“I love you” hinalikan ni Gerald ang kasintahan sa noo.

“Forever” sa pisngi

“And Ever” at sa labi.

****

Naputol ang pagbabalik tanaw ni Sarah nang kumulo ang tiyan niya.

“Teka makapagluto na nga, nagugutom na ako” Dahan-dahang tumayo si Sarah sa kama at tahimik na lumabas ng kwarto.

“I’m bullet proof nothing to lose..Fire away, Fire away…” kanta ni Sarah habang nagluluto ng almusal.

Nagdesisyon si Sarah na magluto ng Bacon, Egg, Hotdog, Tapa, at naghanda rin siya ng ilang tinapay. “Uhmm Yummy!”

“For sure masasarapan dito si Ge. Sa galing ko ba naman magluto?! Hayy Sarah galing mo! Tingnan mo nga ang sarap tignan ng niluto mo. Teka asan nga pala yung..”

My Right Kind Of wrongWhere stories live. Discover now