Chapter 16: Back to normal?

4.9K 51 8
                                    

My Right kind of Wrong

Chapter 16: Back to normal?

Nang makalabas si Sarah sa airport ay nakita niya ang mga fans niya na masugid na naghihintay sa pagbalik niya. Nagpaunlak pa siya sa mga nagpapapicture at nagpapaautograph pero hindi nagtagal ay inalalayan na siya ng body guard nila para sumakay sa van.

“Hay nakakapagod ang naging byahe natin ha!” sabi ni mommy Divine.

“makapagpahinga muna bago tayo pumunta sa viva” sabi nito kay Sarah.

Wala namang imik si Sarah dahil nakatulog na siya habang nakasandal ang ulo niya sa bintana.

Tumingin si Daddy Delfin sa likod at nakita nga nitong tulog na agad si Sarah. “Hay yang anak ko pagod na pagod. Ma, hindi ba pwedeng ipareschedule yung meeting?” tanong nito na nakaupo sa tabi ni mommy Divine.

“Naku daddy hindi eh, aalis daw kasi yung mga producers, kaya ngayon lang pwede.” Sabi ni mommy Divine sa asawa.

Nang makarating na sila sa Bahay ay pinaakyat na muna ni Daddy D. si Sarah para makapgpahinga.

“Anak gigisingin nalang kita kapag malapit na kayong umalis ha, magpahinga ka na” sabi ni Daddy D. sa anak.

“osige po daddy, thank you” sagot ni Sarah na antok na antok.

Paghiga ni Sarah sa kama ay nakatulog na agad ito. Hindi na rin siya nakapagpalit ng damit sa sobrang antok. Malalim ang naging tulog ni Sarah kaya nung magising siya ay nagulat siya nang makita niya na 3pm na.

Agad siyang tumayo sa kama at pumunta sa mommy niya. Nakita niya itong tulog na tulog sa kwarto nila. Ginising niya ito at sinabi na 3pm na at may meeting pa sila ng 4pm sa Viva. Agad rin naman tumayo at naghanda si mommy Divine. 15 mins ang lumipas at nakatapos na sila maghanda at pumunta na agad sa Viva office.

Nang dumating sila doon ay malugod naman silang binati ni Boss Vic.

“Boss, sorry po kung medyo late kami” sabi ni Sarah nang bumeso ito.

“It’s okay Sars, we understand, pagod ka sa flight niyo kaya we understand.” Sabi naman ni boss Vic.

“naku salamat po.” Humarap si Sarah sa mga kameeting nila at humingi ng tawad dahil nga sa nalate siya.

“It’s okay hija.” Sabi nang isa sa mga producers.

Nagsimula na ang meeting at napag-usapan nila ang mga incoming projects ni Sarah. Meron siyang gagawing movie at magbabalik teleserye rin siya.

“Wow! Talaga po? Teleserye?” sabi ni Sarah.

“Yes Sarah, we trust you on this, we think na you’re ready for this role.”

“Nako salamat po sa tiwala” magalang na sabi ni Sarah.

“Siguro next month isched namin yung meeting with the other cast if that’s fine with you?” tanong ng isa sa producers.

“ay ok naman po osige po” masayang sabi ni Sarah.

“pero for the mean time yung movie muna ang pagtuunan natin ng pansin.” Singit ni boss Vic.

“eh ano ho ba yung movie?” tanong ni mommy D.

Hindi sumagot si boss Vic at sumenyas ito sa secretary niya na nasa may pinto. Binuksan nito ang pinto at pumasok si Ate Carmi at direk Cathy. Nang makita palang ni Sarah ang dalawa ay alam na niya kaagad kung ano ito.

“Ate Carmi, direk!” tumayo si Sarah at bumeso sa mga kaibigan.

“I think alam niyo na ho kung anong movie ito.” Ngiti lang ang naging sagot ni mommy Divine kay boss Vic.

My Right Kind Of wrongDonde viven las historias. Descúbrelo ahora