Chapter 3: A Date to Remember (part 2)

5.9K 56 4
                                    

My right kind of wrong

 Chapter 3: A Date to Remember (part 2)

 While having dinner, tinanong ni Sasa si Ge kung para saan ang lahat nang ito.

“I just want to spend time with you that’s all” sagot nito

“talaga yun lang yon” sabay taas ng kilay ni Sarah

Napangiti nalang si Gerald habang nakatitig kay sa kanya. Nagtinginan lang ang dalwa hanggang sa magsalita na si Gerald

“Sarah, I’ve courting you for six months now, and I just want to know…” napatigil si Ge sa pagsasalita nang makita niya ang reaksyon ni Sarah na muntik-muntikan nang maibuga ang tubig na iniinom niya. “I want to know… h-how… y-you feel a-about me?” ibinaba ni Sarah ang baso na hawak niya at tiningnan niya ito sa mata. Hindi malaman ni Gerald ang nadarama nito. Masaya siya at nagawa na niyang itanong kay Sarah ito dahil mataga-tagal na rin niya gusto malaman ang totoo, pero kasabay nito ay natatakot siya sa isasagot ng dalaga sa kanya. Hindi niya alam kung anong gagawin. Nakatitig parin si Sarah sa kanya na para bang nag-iisip ng isasagot niya sa binata. Sa wakas ay nag-salita na ito.

“Ge, at first hesitant talaga ako na payagan kang manligaw. Alam mo naman kung bakit diba?! Natatakot tong puso kong masaktan. Pero I’m glad na hinyaan ko manligaw ka sakin dahil you make me happy.” Napangiti si Gerald nang marinig niya ito. Kinilig siya sa sinabi ng kanyang baby girl; kinilig siya dahil ngayon sigurado na siyang napapasaya niya ang babaeng mahal niya, ang babae sa tinggin niya ay tama para sa kanya. “Baby boy, salamat ha! Dahil sa’yo nakabangon itong puso sa pagkakalubog. Salamat rin at minahal mo ko.” Dagdag pa ni Sarah na lalong nagpakilig kay Gerald.

Hindi na pinalagpas pa ni Gerald ang pagkakataon. Tumayo si Gerald at lumuhod sa harap ni Sarah na ikinagulat nito.

“Sa, Baby Girl, Babe, I know this is a bit sudden but w-will you be my” namumutla si Sarah habang nakatingin kay Gerald na nakaluhod sa kanyang harapan. Sa mga oras na ito ay ang tanging naririnig niya ay ang tibok ng kanyang puso, ang mabilis na tibok ng kanyang puso. “Sa will you be my Girl?” nang marinig nito ang mga salitang iyon ay mas lalong bumilis ang pag-tibok ng kanyang puso. Habang nakatulala si Sarah kay Gerald ay kinakabahan parin ang binata sapagkat hindi parin nasagot ito sa kanyang tanong. Si Sarah naman na kahit alam na niyang Oo ang kanyang sagot ay hindi parin niya ito masambit buhat ng pagkabigla; pero mayamaya lang ay “Gerald” sabi niya habang itinatayo niya ito. Tumingin si Sarah sa mga mata nito at “Yes Ge, I want to be your girl, your baby girl!” unti-unting napangiti si Gerald at nagtatalon ito sa tuwa. Binuhat niya si Sarah (i-dawn zuleta mo ko.. ganun klase ng buhat) at tuwang-tuwa sila dalawa. Niyakap ni Gerald ng mahigpit si Sarah at sinuklian naman ito ng dalaga.

My Right Kind Of wrongWhere stories live. Discover now