Chapter 1:After the party

17.1K 85 7
                                    

A/N: This is my first time as writer (WOW! Big WORD ) I’m not really a fan of writing but I made this para mailabas ko narin ung mga gusto kong sabihin or rather i-express. Nababasa ko kasi ung mga kakakilig nyong mga stories about Ashrald, and let’s say na rin na Ashrald ako sa puso kahit hndi ksama sa mismong fans club ;)

Super Mega akong kinilig sa kanila! Pero  alam nyo na ahahahahah. I know it’s a little bit too late for this story pero better late than never nga daw diba..

This is only a fiction

A Fan Fiction

 So eto na ung start J

My right kind of wrong

Chapter 1:After the party

ASAP backstage, present day

“Sars!” napatingin si Sarah sa likod. “San ka pumunta kagabi?! Bigla kang nawala! Tapos hindi ka pa nagrereply!” Sabi ni Yeng habang palapit to kay Sarah.

“A-Ah kasi An-Ano” mautal-utal na sagot niya kay Yeng. “Hay nako! Wag ka na mag-explain alam ko naman kung bakit ka umalis?!” Singit ni Yeng kay sarah.

“H-Ha alam mo k-kung bakit?”

“Oo, naman. Nakita mo kasi si Babe mo” asar niya sa best friend nya kaya naman namula ang pisngi ni Sarah.

“Oi! Hindi ah! May inasikaso akong importante bagay kagabi!” pagtatanggol niya sa sarili.

“Sarah, kayo na susunod ha!” sigaw nang isang staff kay sarah habang nasenyas na pumunta na siya sa pwesto nya.

“mamaya na nga lang tayo mag-usap kami na susunod eh” pagpapaalam niya

“kaw bahala basta kung may ikekwento ka naadito lang ako” pabirong sabi nito habang nakatingin sa kanya na para bang may ibang ibig sabihin.

After nun prod ni Sarah sa ASAP ay hindi na niya nakita si Yeng ni hindi nga siya nakapagpaalam ng maayos dahil kailangan na niyang dumirecho sa The Buzz para i-promote ang The Voice of the Philippines.

To: Yeng

Sis, hindi na ko nakapag-paalam sayo ng maayos. I’m sorry L I have an interview ngayon sa The Buzz eh. Don’t worry babawi nalang ako next time.. mwaah! Ingat!

Nag-iwan nalang siya ng message dito. Para hindi naman sumama ang loob niya.

**

“bilang isa ka sa  mga coaches ng The voice anong naramdaman mo ng malaman mong kasama mo ang bigating artista katulad nila Lea Salonga?” tanong sa kanya ni Boy Abunda

“Nung una po muntik na talaga ako mag-back out kasi naman! Nakaka ano! Hahaha” sagot niya kay tito Boy na nakangiti sa sagot niya.

“Kasi po ang naramdaman ko talaga nun ay magkahalong kaba at tsaka excitement! Pero nagpapasalamat din po ako at di ako natuloy sa pag baback out dahil ngayon eto na nga po! Mag-sstart na kami this week abangan nyo po ha!” dagdag nya.

“ngayon naman Sarah straight from the heart, ano na ang lagay ng puso na popstar princess?” Napangit nalang siya sa tanung na iyon. “Well tito boy, Masaya siya ngayon, punong-puno ng pagmamahal galing sa pamilya ko, sa mga kaibigan, at syempre galing sa fans, di ba Popsters?!”

“well salamat Sarah! Ipromote mo na ang iyong show” at prinomote na nga niya ito at nagpasalamat naman si Tito boy.

“Magbabalik po ang”

“the buzz”

Matapos ang interview tiningnan ni Sarah ang phone niya. Nakita niya na may text sa kanya si Yeng

From: Yeng

Ano ba sis! Ok lang yun. Basta sa Tuesday samahan mo ko shopping tayo haha

To:Yeng

Sure! ok ako jan! so daanan mo ko sa house?

From: Yeng

Sure thing! Babe ;)

Nang mabasa niya ang last message nito ay nanlaki ang mata niya na napansin naman ng mommy niya

“Anak bakit? Ang laki ng mata mo! Sino ba yan?”

“Ah w-wala po mommy kasi si Yeng po kasi binibiro ako” paliwanag niya sa mommy niya.

Hindi naiwasan ni Sarah na maalala ang lalaking minsan ay nagpatibok sa puso niya. Ang lalaking tinatawag niyang Babe. Si Gerald.

My Right Kind Of wrongWhere stories live. Discover now