Chapter 52: hot-headed misis

3.6K 62 8
                                    

“Babe! Ang bagal mo! bilis!!” inis na inis na sabi ni Sarah sa asawa. “I’m coming!” palapit na si Gerald nang sumigaw si Sarah kaya napatakbo siya sa kinaroroonan ng asawa.

“Babe?!!” alalang alalang sabi nito.  “are you ok?!”

“Babe! Ipis!” tili ni Sarah na nakatayo sa sofa.

“Hoy babe umupo ka nga! Baka ka mahulog!” saway ni Gerald na hawak hawak pa ang spatula.

“Ayoko! Baka gumapang pa sakin yang ipis na yan! “ parang bata si Sarah na takot na takot sa ipis. Umalis si Gerald kaya naman mas lalong nagpanic si Sarah.

“Babe!! Saan ka pupunta!! Ahh! Nalapit sakin yung ipis!” tili ng tili si Sarah habang si Gerald naman ay sumigaw “Mag papapicture yan sayo! Kaya yan nalapit!” hindi na nagawa pang mainis ni Sarah sa asawa dahil nakita na naman niyang naglakad yung ipis papunta sa kanya. “Ahhh! Babe!”  panic na naman siya.

Sa wakas dumating na si Gerald na may dalang tambo. Naglakad siya papunta sa may ipis at malakas itong pinalo. “is it dead?” kaagad na tanong ni Sarah.

Winalis palabas ni Gerald ang ipis at isinandal ang walis sa isang tabi. Pumunta siya kay Sarah at hinawakan niya ang kamay nito at inalalayan pababa. “Nako babe! Yan ba ituturo mo kay baby? Ang matakot sa ipis?” natatawang sabi ni Gerald.

“ewan ko sayo” naiinis na sbai nito sa asawa sabay walk-out. “Wow! Ikaw pa may planong magwalk out sa savior mo?! I save your life from that ipis may I add. Tapos pinagluluto pa kita ng favorite mo.. wala bang thank you? or kiss man lang?”

Humarap si Sarah sa kanya na naka-pout. “Hmm thank you mister.” Malambing na sabi ni Sarah sabay halik sa pisngi ng asawa. Mahigpit naman siyang niyapos ni Gerald. “Hmm ang sarap naman nun! Isa pa nga!” hahalik palang sana si Gerald nang maramdaman nila pareho ang pagsipa ng baby nila.

“Ang baby ko! Nasipa na! parang ang haba haba na ng legs ng baby ko ah!” lumuhod si Gerald at kinausap ang tiyan ni Sarah. “Syempre matangkad yan baby ko! 6 months na siya eh!” masayang sabi ni Sarah na hinihimas himas ang tiyan.

“We love you baby” sabay na sabi ng mag-asawa.

****

“Table for how many ma’am?” tanong ng lalaki kay Johna nang pumasok siya sa isang restaurant. “Ay andun na yung mga kasama ko” sabi niya sabay turo sa mga kababaihang nakaupo sa may dulo.

“ang tagal mo!” sigaw ni Shine na kakwentuhan sila Juday, Sharon, Yeng, Shin,KC, Georcelle, Anna, Nhila, Divine at Vangie. “Sorry naman. Baka nga kasi hindi traffic sa dadaanan ko” sagot nito sa kapatid.

Natipon silang lahat ngayon dito para planuhin ang surprise baby shower ni Sarah. Pang six month na nito ng pagbubuntis at gusto nila na bigyan ito ng party dahil ito nga naman ang unang anak ni sarah at dahil doon, marami ang nag-iintay sa paglabas ng bata.

“Teka anong anak ni Bunso? Babae o lalaki?” tanong Juday.

“Ah eh hindi namin alam. Walang nakakaalam kundi yung doctor nila.” Sagot naman ni Vangie.

“Hindi nila inalam?” singit naman ni Sharon. Doon palang napansin na nila na mahihirapan silang magplano ng theme dahil hindi nila alam kung babae ba or lalaki ang bata.

“alam ko na bakit hindi nalang iyon yung theme natin?” singit ni Shin.

“ha ang alin?” tanong naman ni Juday. Yun din ang tanong nung iba, ano nga ba ang ibig sabihin ni Rachelle?

“Bakit hindi guess what? Or who ang baby nila… yun yung theme. Kasi ni isa naman satin walang clue kung ano magiging anak nila so why not yun yung gawin nating theme?!” sagot ni Shin na nagpaliwanag na ng lahat.

My Right Kind Of wrongWhere stories live. Discover now