Chapter 27: Heart Attack

4.8K 49 9
                                    

My Right Kind of wrong

Chapter 27: Heart Attack

“A-ano nga ate?” kabadong-kabado na si Sarah sa mga inaasal ng pamilya.

“Delikado yung lagay ni Daddy!” sabi ni Johna na nakapikit ang mga mata.

“W-what?!” halos hindi kayanin ni Sarah ang sinabi ni Johna na mutikan pa siyang matumba.

“Babe!” mabilis na nasalo ni Gerald si Sarah.

Niyapos ni Sarah ang kasintahan habang yapos yapos naman ni Johna ang ina.

“I can’t believe this is happening” humagulgol na ng iyak si Sarah kay Gerald.

Hinigpitan pa ni Gerald ang pagkakayapos kay Sarah “We can get through this together okay”

Tumango nalang si Sarah “We should be strong para kay Tito” malumanay na sabi ni Gerald.

“Thank you for being here”

“Always baby girl”

Umupo na sila Sarah sa labas ng operating room. Matapos ang isang oras ay lumabas ang doktor para kausapin ang pamilya Geronimo.

“Mrs. Geronimo” Tumayo sila mommy Divine nang marinig nito na tinawag siya nang doktor.

“Doc kamusta po ang asawa ko?” tanong nito.

“Stable na po siya at the moment”

“at the moment?” tanong ni Sarah.

“We will need to put him at the Intensive Care Unit. We need to monitor his heart, especially the blood clot in his pulmonary artery”

“Blood clot?!”napalakas na sabi ni Sarah.

“Doc hindi ba kayang alisin yung clot na yon? Pwede naman po yung operahan hindi po ba?” kalmadong tanong ni Gerald.

“Yes, we can, we can operate on him”

“Osige doc, basta ito ang magpapagaling sa asawa ko.”

 “Magakano po ba ang kailangan?” tanong ni Sarah

“300- 500 thousand”

“When can you operate?” tanong naman ni Johna

“As soon as possible. I can schedule an operation for tonight or tomorrow morning”

“Thank you po doc”

“sige I’ll go ahead na po, you can visit the patient later on when he was transferred to the ICU”

“Ok po salamat” Naglakad na palayo ang doctor.

Pumunta si Gerald at Sarah sa chapel ng ospital.

Lord please save tito Delfin. I know this is only a challenge and that we can get through this together. I promise that I’m gonna stay with Sarah and her family the whole time. Sarah needs her dad, they need him. Sana po ay marinig niyo ang aming mga dasal sana po ay dingin niyo ito.

Taimtim na nagdadasal si Sarah para sa kanyang ama

Diyos ko, nakikiusap po ako tulungan niyo po ang pamilya namin. Sana po ay malagpasan namin ito. Sana kayanin ni Daddy ang operasyon. Hindi ko pa po kaya mawala ang daddy, kailangan ko pa po siya, kailangan pa po siya ni mommy. Ang daddy ko po ang nagtayo sa akin sa tuwing nadarapa ako, h-hindi ko po kakayanin ang lahat ng pinagdaanan ko kung hindi, kung hindi dahil kay daddy. Nakikiusap po ako tulungan niyo siya. Tulungan niyo kami.

Nakita ni Gerald ang pagtulo ng luha ni Sarah kaya naman lumuhod siya sa tabi nito at inakbayan ang nobya.

Iniupo ni Gerald si sarah at doon na humagulgol sa pag-iyak ang dalaga.

My Right Kind Of wrongDonde viven las historias. Descúbrelo ahora