Chapter 21: from your Friend!

4.9K 60 10
                                    

My Right Kind of Wrong

Chapter 21: from your Friend!

“Sarah?!” sabi ng isang boses na nagmula sa loob ng elevator.

Napatingin ang dalawa dito at laking gulat nila nang makita si Johna na nakatingin sa kanila.

“A-ano to?!” pasigaw na sabi ni Johna na lumabas ng elevator.

“A-ate I can explain..” sabi ni Sarah. Nakatingin lang si Johna sa dalawa na nanlalaki ang mata.

“Ate Johna,” nagsalita si Gerald pero pinigil siya ni Johna.

“Ge, you should go NOW!” sabi nito. Nagulat si Sarah sa sinabi ng ate niya dahil alam naman nito ang tungkol kay Gerald pero hindi niya maiwasan itanong kung bakit ganito ang reaksyon nito.

“Ate aalis naman si Gerald eh.” Sabi ni Sarah.

“Bilis alis na.” sabi nito na hindi mapakali.

“teka lang naman ate..” sabi ni Sarah at humarap kay Gerald

“A-ah si-sige po aalis na ko Baby Girl,” habang nag-uusap si Sarah at Gerald ay tumingin si Johna sa elevator at nakita niyang may paakyat na galing sa lobby.

“Oh gosh! Tara bilis!” hinili ni Johna si Gerald palayo ng elevator.

“Ate! San ka pupunta? Eto yung elevator o! kala ko ba pinapaalis mo na si Ge” pasigaw na tanong ni Sarah kaya tumigil si Johna at Gerald.

“Sige jan mo pababain itong boyfriend mo kung gusto mong ipakilala na siya ulit kila mommy.” Sagot ni Johna.

“papunta sila mommy dito?!” sigaw ni Sarah na sumunod na kila Gerald.

Tumakbo ang tatlo papunta sa hagdanan. Pagdating nila dito ay nagpaalam na ng normal si Gerald kay Sarah at sa kapatid nito.

“Baby Girl, Una na ako ha, and don’t worry I’ll text you when I got home” sabi ni Gerald.

“Ok ingat ka ha” hinalikan ni Sarah si Gerald sa pisngi at bumaba na nga ito. Tiningnan naman ni Sarah si Gerald habang nababa.

Nang tumigil si Gerald ay tumingin ito kay Sarah at nagflying kiss. Sinambot naman ni Sarah ang flying kiss na ito.

Tumakbo na ulit pababa si Gerald hanggat sa makarating sa pinto ng 26th floor para dun na makasakay ng elevator.

Narinig na ni Sarah na bumukas ang pinto ng hagdanan kaya lumabas na siya at nakita niya ang ate Johna niya na nakatayo sa may bintana.

“Ganda pala ng view dito pag gabi eh” sabi nito, tumingin siya kay Sarah.

Napatigil naman si Sarah sa paglalakad kaya nilapitan siya ng kapatid niya.

“Oh tapos nab a yang chessy moment niyo?” tanong ni Johna.

Humarap si Sarah sa kapatid at pinalo ito sa braso. “lagi nalang!” sabi dito ni Sarah.

“Aray! Bakit anong ginawa ko?! You should be thankful na ako nakakita at hindi sila mommy” sabi ni Johna na nakahawak sa braso niya.

“Lagi ka nalang wrong timing eh!” sabi ni Sarah.

“Pesenya malay ko bang hahalikan mo siya sa… Teka LAGI? So this means na hindi lang ito yung pagkakataong dapat magkikiss kayo?! Kailan yung iba ha! Asher!”

“HA?! wala no! tara na nga! For sure hinahanap na tayo ng mga yun!” naglakad na pabalik ng kwarto niya si Sarah at sumunod naman si Johna.

Natatanaw na nila ang pinto ng unit ni Sarah nang makita nila sila Mommy Divine. “Mommy!” sigaw ni Sarah.

My Right Kind Of wrongWhere stories live. Discover now