Chapter 20: Date Night

5.1K 52 11
                                    

My Right Kind of Wrong

 

Chapter 20: Date Night

 

“Good Morning Ate!” bati ni Sarah na nagluluto ng umagahan.

“Morning” sabi ni Johna na kagigising lang. “Ang bango naman niyan! Para sakin ba yan?” biro nito.

“Hindi ate. Para sa ATIN” sabi ni Sarah na parang nangbabara. “tara kain na tayo. After nito ate ha maligo ka na ihahatid na kita sa bahay may photoshoot pa ko eh.”

“osige, Go lang ng Go!” biro nito.

Habang nakain sila ay nagkwentuhan ang magkapatid.

“San ka nga pala galing kahapon?” tanong nito sa kanya.

“Uhmm sa kaibigan ko. Dinalaw ko may Sakit kasi eh” sagot ni Sarah.

“Kaibigan o Kai-bigan?” tanong nito sa kapatid.

“H-ha?!” tanong ng dalaga.

“Anong pangalan niyang kaibigan mo? ay wait lalaki ba to?!”

“Ate!” tanging nasabi nalang ni Sarah sa kapatid.

“So si Gerald nga!” sigaw ni Johna.

“Ano?! Bakit si Ge?! Wala naman akong sinasabing pangalan ah. Assuming ka ha!”

“Idenial ka ha! Kung hindi si Gerald eh sino? Hindi naman pwede si Yeng dahil nakita ko yung post niya kagabi, ganun din si Shin nakita ko sa intagram niya na kasama niya sila Mark. Lahat yun nakita ko nung naghihintay ako sa’yo noong busy ka kay Gerald”

“Hindi nga si Gerald” tanggi parin ng dalaga.

“Sinong niloloko mo! kung maka “Ateee!” ka jan! ang Arteee!” biro nito. “Alam ko naman yung tungkol sa inyo ni Ge mula pa nung nasa paris tayo. Kaya ano na nga? Anong nadagdag sa story niyo?”

“Wala ate. May Sakit lang talaga siya kahapon. Tinulungan ko lang si Ken na alagaan siya.” Sabi nito.

“So anong nangyari?” sasagutin na sana ni Sarah ang kapatid nang makatanggap siya ng text message.

From:Mommy
Anak remind ko lang, photoshoot mo today magready ka na para hindi ka malate. Ingat.

“Sino yun?” tanong ni Johna.

“Si Mommy. Hinahanap ka na kaya ligo na!” sabi nito sa kapatid at tumayo na para pumunta sa kanyang kwarto’t maligo.

“Hoy ah! Ikwento mo sakin” sigaw nito at pumasok narin sa kwarto niya para maligo.

Nasa sasakyan na sila at malayo layo narin ang nalakbay nila pero ni isa ay di nagsasalita. Hinihintay ni Johna na mismong si Sarah ang magopen-up sa nangyari sa kanila ni Gerald pero hindi ito nakibo.

Hindi na kinaya ni Johna ang katahimikan ni Sarah kaya tinanong na niya ito. “Anong nangyari kahapon?”

Tumingin lang saglit sa kanya si Sarah at huminga ng malalim. “Inalagaan ko siya, yun lang” matipid na sagot nito.

“Wow ha ang showbiz ng sagot mo Sars! Syempre anong pag-aalaga ang ginawa mo sa kanya?” tanong muli nito.

“Bumili ako ng soup at yun yung pinakain ko sa kanya. Tapos pinainom ko na siya ng gamot”

“tapos?”

“Tapos nakatulog na siya. Umupo ako sa tabi niya at tinapik-tapik siya then nakatulog na rin ako”

My Right Kind Of wrongWhere stories live. Discover now