Chapter 2: A Date to Remember (part 1)

6.3K 59 1
                                    

My right kind of wrong

Chapter 2: A Date to Remember (part 1)

From: Yeng

Sure thing! Babe ;)

Naalala ni Sarah ang kaisa-isang tao na tinatawag niyang Babe- si Gerald. Naalala niya yung panahon na sobrang saya pa nila kapag magkasama sila.

ABS-CBN compound, Two years ago

“Ok break muna tayo guys!” sigaw ni teacher Georcelle

“Sars, andito pala yung bodyguard mo eh” pabirong sabi sa kanya ni Iya. Napatingin si Sarah sa pinto at nakita niya si Gerald na nakasandal sa Pader at nakangiti sa kanya.

“Ge! Anong ginagawa mo dito?” tanong niya habang palapit sa kanya si Gerald

“wala lang! gusto ko lang makita ang babe ko” pabulong na sabi ni Gerald kay Sarah.

Namula ang pisngi ni Sarah kinurot si Gerald sa tagiliran “Ikaw talaga kung ano-ano pinagsasabi mo! Gutom lang yan!” pabirong sabi niya.

“siguro nga gutom lang, speaking of gutom! free ka mamaya?” tanong nito sa dalaga.

“later? Uhmm Oo bakit?”  pagtataka nito.

“So mamaya susunduin kita ha! Saan last mong pupuntahan today? Doon nalang kita susunduin”

“may recording ako, pero may rehearsals din para sa prod ko sa SGL mamaya kaya dun mo nalang ako sa studio sunduin mga 4”

“Ok Baby girl see you later J” nagpaalam na si Gerald sabay halik sa pisngi ni Sarah.

“Ocge ingat ka!”

“Always”

“Excuse po si Sarah po?” tanong ni Gerald sa isang staff ng SGL. Itinuro nito na nakaupo si Sarah sa hagdanan sa stage. Nakita ni Gerald si Sarah na tuwang-tuwa habang nakikipag kwentuhan kila Gerrome na writer ng SGL. Napatitig si Gerald kay Sarah na para bang nag-iisa lang ito sa studio na para bang huminto ang mundo niya. Napansin niya ang mga kinang ng mata ni Sarah, Hindi pa niya ito nakikita noon nung hindi pa niya nililigawan ang dalaga. Napa-isip tuloy siya “Ako kaya ang dahilan noon?” sabi niya sa kanyang sarili. Ano bay an iniisip mo Gerald?!! Wag ka ngang feeling Sabi niya sa kanyang isip.

Napansin na ni Sarah si Gerald na nakatitig sa kanya. “GE!” sigaw niya habang nakaway sa kanya pero nakita niya na wala ito kareareaksyon – nakatulala parin.  “Gerald!” napalakas ang sigaw ni Sarah na naging dahilan ng pagtingin nang lahat sa kanya at noon lang natauhan si Gerald.  Nagsimula nang maglakad si Gerald papunta sa Stage at nang makarating roon ay humalik siya sa pisngi ni Sarah at bumati rin siya kay Mommy Divine.

“Ge, tulala ka masyado kanina ha! Ano humaling much kay sarah?” biro ni Gerrome

“Oo, naman sa ganda nitong ni Baby Girl!” sagot nito habang natawa

“Hmm basketball player ka talaga! MamBobola!” singit naman ni Sarah

 “So let’s go?” tanong ni Gerald.

“Osige, teka paalam muna tayo kilala mommy.” Pumunta sila sa kinauupuan ni Mommy Divine at nagpaalam. Matapos nito ay pumunta na sila sa parking. Pinagbuksan ni Gerald si Sarah ng pinto ng kotse.

Halos dalwang oras din ang biyahe nila pero dahil hindi traffic ay mabilis-bilis ang naging byahe nila. Habang nasa sasakyan sila ay puno ng tawa at kulitan ang pag-uusap nila. Pero nang nakita ni Sarah ang taal volcano ay nanlaki ang mata nito, dahil sa kwentuhan nila ay din niya napansin na papunta pala sila ng tagaytay. Tinanong niya si Gerald kung anong ginagawa nila doon.

“Basta babe, may surprise ako sayo. For sure matutuwa at masasarapan ka sa pupuntahan nating restaurant.” Sabi ni Gerald habang nakangiti sa kanya.

Nang dumating na sila sa destination nila ay gandang-ganda si Sarah sa nakita niya, ito ang lugar na madalas pinag-shushootingan ng mga teleserye, lalo na ang walang hanggan- Hacienda Isabela. Habang inaalalayan siya ni Gerald paakyat ng hagdaan na may mga kandila na nakalagay sa bawat baiting nito, nakita niya sa tuktok ang isang candlelit dinner.

“Wow Ge! Ang ganda!” sobrang nagulat si Sarah sa surprise sa kanya ni Gerald.

“you really like it Baby girl?!” nakangiting sabi ni Gerald. “I know you’ll like it pero hindi ko alam na ganito pala kasaya na makita kang gandang ganda sa ginawa ko.” Napatingin nalang si Sarah sa sinabi ni Gerald sa Kanya.

My Right Kind Of wrongWhere stories live. Discover now