Hindi ko alam kung makikipagkamay ako o hindi. Siniko ako ni Charles. "Camille."sagot ko at nakipagkamay nalang ako.
"Sige bro, duon muna ako."paalam nung Jaron kay Charles.
"Sige."sagot naman ni Charles. At nang makaalis na 'yong Jaron.
"Akala ko ba ayaw mo? Eh bakit nakipagkamay ka pa?"tanong ni Charles na parang nang-aasar ang tono ng pananalita niya.
"Bakit hindi ako makikipagkamay eh siniko mo ako? Saka baka sabihin nung tao ang bastos ko naman."sagot ko sa kaniya na halata ang pagpipigil ng inis.
"Hays, aminin mo nalang kasi na gusto mo rin."sambit pa nito saka ngumisi.
"Wala akong kailangang aminin."pagdidiin ko.
"Pakipot ka pa. Ayaw mo bang magkaroon ng nobyo na katulad ko? Mayaman, gwapo, may abs, mabait. Ano pa bang hihilingin mo?"sambit pa nito.
"Alam mo, ang hangin mo rin eh noh? Ang lakas ng tama mo."sagot ko sa kaniya.
"Eh bakit? Totoo naman eh diba?"pagbubuhat nito ng bangko.
"Ewan ko sa'yo."sabi ko nalang saka umalis sa harapan niya.
"Hi Camille! Totoo ba na ikaw na ang bagong girlfriend ni Captain?"tanong ng mga estudyanteng nakakasalubong ko dito ngayon sa may court kung saan kami nagsasalo-salo, dahil nga nanalo ang Williams Academy laban sa Jinri Academy.
Napapahawak nalang ako sa ulo, anong isasagot ko? Nakakaano naman eh.
"Ahhh...."hindi ako makasagot ng ayos.
"Kasi, kanina po narinig namin na sinabi ni Captain na girlfriend ka niya."dagdag pa nila.
Camille, paganahin mo ang utak mo. Umiling ako bilang sagot ko.
"Hindi ka niya girlfriend?"takang tanong nila.
"Hi-"naputol ang aking sasabihin nang biglang dumating si Charles at sumingit sa usapan.
"Babe, nandiyan ka pala."nakangiting sambit ni Charles sa akin. Tinaliman ko siya ng tingin.
"Bagay talaga kayo!"
"Waaaah!"
"Buti nag-girlfriend ka na ulit Captain."sambit nila kay Charles. Nginitian lang sila ni Charles.
"Mauuna na ako sa inyo ha."singit ko para makatakas na ako sa kanila.Dali-dali na akong naglakad papuntang COMFORT ROOM.
Nang mahimasmasan na ako, bumalik na ako sa classroom upang kunin ang aking bag.
"Nasaan 'yong bag ko?"takang tanong ko saka inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid-aralan. Napakalinis na ng classroom, hinanap ko kung saan ang bag ko pero wala akong nakita.
"Ito ba ang hinahanap mo?"rinig kong sambit ng pamilyar na boses ng kulukong na si Charles. Dahan-dahan akong tumingin sa may pintuan. Taban-taban niya ang bag ko, at nakangisi pa sa akin.
"Bakit nasa iyo 'yan?"nakapamewang na tanong ko sa kaniya.
"GIRLFRIEND kita, kaya ako na ang magdadala ng bag mo para hindi ka na mabigatan."sagot nito na may halong pang-aasar sa tono ng pananalita niya.
Lumapit ako sa kaniya upang kunin na ang bag ko, ngunit itinaas niya ito na hindi ko maaabot. Bakit ba naman kasi ang tangkad mo?
Sumuko din ako sa dulo, napagod na ako. Hinayaan ko nalang siya. Dumiretso nalang ako sa may parking. Akma na akong sasakay sa sasakyan kung nasaan si Sophie, nang biglang umentrada na naman si Charles. Bwisit.
"Manong, sa akin na sasabay si Camille."sambit nito kay manong driver, saka ako hinila at isinara ang pintuan ng sasakyan. Tinapik nito ang likuran ng sasakyan at tuluyan na itong lumarga.
"Bwisit ka talaga!"inis na sabi ko at nagdiretso nalang sa sasakyan niya. Hindi na ako mag-iinarte pa, gusto ko nang umuwi at magkulong sa kwarto nang hindi ko na makita ang pagmumukha niya.
Nang makarating kami sa bahay ay agad kong kinuha ang bag ko at pumasok sa loob. "Hindi na po ako magdi-dinner."sambit ko kina papa at nagtuloy na sa itaas.
"Wah."singhal ko nang makahiga na sa kama.
KINABUKASAN...
Nagising ako sa nakasisilaw na sikat ng araw na tumatagos mula sa bintana ng aking kwarto na tumatama sa aking magandang mukha. Tinatamad akong bumangon lalo na kapag naaalala ko 'yong kalokohan ni Charles.
"AAAAHHHH!"medyo malakas kong sigaw. Bumangon na ako at nag-ayos ng aking higaan at sarili. Saka napagdesisyunang lumabas na.
Minamalas nga naman ako ngayon, nagkasabay pa kami ng labas ng kwarto. Dali-dali na akong naglakad.
"Goodmorning babe."nakangising sambit ni Charles sa akin. Tinarayan ko lang siya.
"Babe mo mukha mo."sagot ko sa kaniya at dali-dali nang bumaba.
"Babe, bakit ba ang sungit mo?"pambubuyo parin nito habang nasa likuran ko.
Hindi ko na siya sinagot, nababadtrip lang ako.
"Anak, maupo ka na. Para makakain ka na."sambit ni papa kaya sumunod nalang ako.
"Bakit parang, masama ata ang gising mo?"tanong ni papa.
"Wala po pa."sagot ko nalang at nagsimula nang kumain.
"Babe!"malakas na sambit ni Charles na ikinalaki ng mata ko. Pinagplanuhan ba niya talaga 'to? Kaharap si papa at papa niya tapos tatawagin akong ganyan? Kami ba? Walang kami. At hindi magkakaroon ng kami.
"Babe?"nagtatakang tanong ni papa.
"Yes tito, si Camille po. Babe ko po 'yan."sagot ni Charles kay papa at naupo na. Nagsimula nang magsalok ng kanin.
"Anak ko, may boyfriend ka na?"tanong pa ni pala.
"Aish! Papa wala po!"inis kong sabi saka tumayo nalang at bumalik sa taas. Kainis!
CHARLES' POV
Hindi ko alam kung anong nakain ko kahapon at naisipan kong pagtripan si Camille. Nakakatuwa 'yong mga reaksyon niya eh. Bigla-bigla nalang pumapasok sa isipan ko.
Ang hindi ko lang talaga maintindihan, eh 'yong time na kinakausap ni Jack si Camille. Parang may nagtulak sa akin na lapitan silang dalawa, upang putulin ang pag-uusap nila. Ewan ko ba. Kahit ako naguguluhan ako. Wala naman akong gusto kay Camille, pero bakit ganon? Kahit kailan ay hindi ako magkakagusto sa kaniya.
LAWRENCE'S POV
I'm on my way na papunta sa bahay nila Camille, may dala-dala akong flowers na kulay violet kasi nga favorite niya. Guess what, anong gagawin ko?
Andito na ako sa may tapat ng pintuan ng bahay nila Charles kung saan nakatira sina Camille. Nagdoorbell na ako, at unti-unti nang bumukas ang pinto.
"Anong ginagawa mo dito?"
ESTÁS LEYENDO
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Novela JuvenilDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 39 ❤ GIRLFRIEND
Comenzar desde el principio
