Trust*

9.2K 220 23
                                    

"Good morning, Jho!"

Hmmm. Ang sarap naman pakinggan ng boses na yun.

I snuggled closer to her.

"Gising na huuuuuuy." She whispered in my ear.

"Aaaaaaahh!" Alam niya naman kung gaano ka sensitive yung tenga ko eh!

"That's what you get for sleeping so much." She snickered.

"Gising na. Pasok na tayo!"

Gusto kong matulog lang at magyakapan eh.

"Anong oras na ba?" I stretched.

"7." She was staring at me.

"What? May muta ba ako?" I said.

"You look hot in my shirt." She raised her eyebrow and smirked.

"Mukha mo." I dived under the covers.

"Tara na. Male-late na tayo." She reached under and pulled my feet.

"Ayoko. Ikaw na mauna." I groaned as Bea dragged me out of the bed.

"Sabay na tayo!" She swept me under my feet and carried me to the bathroom.

...

Mondays are always stressful pero dahil nagsabay kami ni Bea pumasok, parang excited ako sa workload ko.

In no time at all, lunch time na.

"Hi, Jho!"

"Hi, Marci." I smiled. Lagi na lang nangugulit 'tong makipag-lunch kahit sinasabi kong kasama ko si Bea.

"Kumain ka na?" He asked hopefully.

"Hindi pa. Pero kakain na kami ni Bea." I got up. "Sige, bye!"

"Ay." He looked disappointed. "Sige. Enjoy kayo."

"Ready?" Bea grabbed her keys and we started to walk inside.

"Lagi kang kinakausap ni Marci ah." Bea observed while waiting for our food.

"Onga eh." I groaned. "Don't worry, di ko naman siya ine-entertain."

"I'm not worried." Bea said casually.

"CR lang ako." I stood up.

I frowned as I walked to the comfort room. Bakit ganun? Bakit parang wala lang sa kanya yung mga lumalapit sa akin?

I washed my hands and looked at myself in the mirror.

Nung weekend nga, nagalit ako dahil parang kinakampihan niya pa si Abraham. Eh alam naman ni Bea yung panggagago ng ex ko sa akin.

Ibig sabihin ba nun, hindi ganun ka-invested si Bea sa akin?

Just when I'm starting to love her, tapos parang siya wala lang.

My thoughts were interrupted when my phone rang.

"Hello?"

"Jhoooo! Labas tayo later!" It was Ella de Jesus, my neighbor.

We've gotten really close for a while now kasi nanghiram siya ng plantsa tapos biglang umingay na ang buong unit.

"Bakit? Wala ka ka-date 'no?" I replied.

"Cancelled. Mag o-overtime daw. Stressed na ang lola mo, hanap tayo ng papi nila Gizelle." Ella said.

"Meron nga akong---"

"Bebe. I know." She laughed. Gaga talaga 'to. "Tine-test lang kita. Sama mo na yun si singkit mamaya."

"Sige, text kita kung go kami." I said.

Six Degrees Of Separation Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora