CHAPTER 38 ❤ INDENIAL

Magsimula sa umpisa
                                        

Akala mo ba Camille matatakasan mo ako? Pwes, nagkakamali ka. Bawat sulok ata ng Williams Academy ay kabisado ko na.

Nakakatuwa ang reaksyon niya kanina nang ilapit ko ang mukha ko sa kaniya. Halatang kabado siya. Ang cute niya kapag naiinis siya. Teka, sinong cute? Walang cute.

Kung nagseselos siya, ibig sabihin may gusto siya sa akin diba? Nahulog na ba ang isang Camille Ocampo kay Charles Andrada na sobrang gwapo?

LAWRENCE'S POV

Sa tuwing nakikita ko si Camille, parang nagniningning ang mundo ko. Gusto ko laging pumasok sa school para makita siya. Ito na ba ang tamang oras para ligawan siya?

Oo, gusto ko siyang ligawan.

Siya 'yong babaeng kilala ko na, at mas kikilalanin pa. Matagal ko rin siyang nakasama, kaya ang karamihan tungkol sa kaniya ay alam ko na. Siya 'yong tipo ng babae na kahit masungit minsan, hindi naman masama ang ugali na pang animal na.

Pwede ko bang hingin ang tulong niyo? Kung tanungin ko kaya siya, siya kaya ay papayag?

CAMILLE'S POV

Nahimasmasan narin ako, nakapagpahinga na mula sa delubyong nangyari sa akin kanina.
Alas-dose na ng hapon, katatapos lang ng training namin. Magla-lunch muna kami, then maghahanda para sa pag-chicheer sa mga BLUE DRAGONS.

Blue Dragons ang pangalan ng basketball team dito sa Williams. Hindi ko pala nasabi sa inyo na may laban sila Charles ngayon. Ang kalaban nila ay ang mga taga-Jinri Academy. Ang Wild Eagles.

Nagshower na ako at kasunod non ay nagbihis at nag-ayos na.

"Camille!"tawag sa akin ni Sky na nasa may pintuan.

"Sky."sambit ko sa kaniyang pangalan.

"Sabay na tayo maglunch, para naman may sapat na lakas ako para talunin ang kalaban namin mamaya."pagyayabang pa nito.

"Wow ha? Anong connect non?"sagot ko rito at natawa lang kaming dalawa.

"Sige naaa."pilit nito.

"Sige na nga, pero treat mo?"sagot ko.

"Syempre, ako nag-aya eh."sambit nito.

"Tara na!"sabi ko saka sabay na kaming lumabas.

Isang nilalang ang hindi ko gugustuhing makita ngayon, kahit anino lang niya. Wala ng iba kundi si Charles.

Nagtago ako sa may likod ni Sky.

"Saan kayo pupunta?"tanong ni Charles kay Sky pero nasa akin ang paningin niya.

"Magla-lunch. Sama ka?"sagot ni Sky. Sky naman eh, bakit inaya mo pa? Hindi ako mabubusog niyan eh.

"Sige, pero okay lang ba kay Camille?"sagot ni Charles. Talagang nananadya ka ah?

Umalis na ako sa may likuran ni Sky at hinarap na si Charles.

"Okay lang ba sayo Camille?"tanong ni Sky.

"Aba sige, walang problema."paglalakas loob ko.

Tapos naglakad na kaming tatlo, pero nasa may kanan ako ni Sky at nasa kaliwa naman ni Sky si Charles.

"Saan ang lakad niyo?"tanong ni Lawrence na kagagaling lang sa parking lot.

"Magla-lunch."sagot ni Charles.

"Pwede ba akong sumama?"tanong ni Lawrence.

CHARLES' POV

"Pwede ba akong sumama?"tanong ni Lawrence.

Dumagdag pa 'tong pandak na 'to. Sorry for the word PANDAK, pero 'yon talaga siya. Bigyan niyo ng cherifer, baka sakaling tumangkad. Tangkad sagad.

"Tsk."mahinang sabi ko.

"Sige."sagot naman ni Sky.

Napahinto kami sa paglalakad lahat nang huminto si Camille.

CAMILLE'S POV

So, ano 'to? Only girl ako? Hindi pwede, baka mamaya kung ano pa sabihin ng iba. Nag-iingat lang sa mga tsismosa.

"Guys, pupuntahan ko lang si Sophie."paalam ko at agad nang tumakbo papunta sa classroom ni Sophie. Inaya ko si Sophie, buti nalang at hindi siya tumanggi.

"So, ano? Tara na."tanong ko sa kanila pagkabalik namin sa parking lot. Confident na ako dahil kasama na si Sophie.

Pumunta kami sa isang Fast Food Restaurant. At pagkatapos namin kumain ay bumalik narin kami. Buti nalang kamo at isinama ko si Sophie, nabusog ako. Walang hiya-hiya. Iwas-iwas nalang kay Charles.

Andito na kaming lahat sa court, lahat ng estudyante. Dahil malapit nang magsimula ang laro.

"Let's all welcome, from Jinri Academy. The Wild Eagles!"masiglang salita ng emcee.

Nagsigawan na ang mga taga-Jinri Academy.

"And now, your team. The Blue Dragons!"sambit pa muli nito.

Ang lahat ng taga-Williams ay parang may mga megaphone sa lakas magsigawan. Lalo na't mga gwapo ang mga manlalaro. Sino ba naman ang hindi gaganahan?

At ang pinakahihintay ng lahat, ang opisyal na pagsisimula ng laro.

CHARLES' POV

Sa tuwing ipapasok ko na ang bola sa ring, lagi akong napapatingin sa gawi ni Camille. Hindi ko alam kung bakit. Kusa talaga eh. Hindi ko mapigilan. Sa kabutihang palad, lagi itong pumapasok.

"Go Papa Charles!"

"Go Captain!"

"Go Team Leader!"

'Yan ang naririnig kong sigawan ng mga estudyante dito sa loob ng court.

Ewan ko ba kung bakit hindi ako chini-cheer ni Camille, puro Sky at Lawrence ang isinisigaw niya. At sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin, iniiiwas niya ito.

CAMILLE'S POV

Naging maganda ang laro ng Williams kanina, at ang resulta ay panalo sila. Ang galing palang magbasketball ni Charles? Lagi siyang nakaka three points. At sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin naiilang ako sobra, buti nga siya ay hindi eh. Nakakapaglaro pa siya.

Nagpa-party ang principal ng Williams kaya nandito kami ngayon sa kabilang court at nagkakainan. Inimbita din namin ang mga taga-Jinri.

"Hi miss."nakangiting bati sa akin ng isang lalaking. Gwapo siya, hindi ko 'yan maitatanggi.

"Hello."nakangiting sagot ko rin sa kaniya.

Biglang dumating si Charles...

"Jack, ba't mo kinakausap 'yan?"tanong ni Charles duon sa lalaki.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon