"Ba't ang dilim?"takang tanong ko nang makapasok ako sa loob. Tulog na ba silang lahat at pinatayan na kami ng ilaw? Imposible naman na brown-out dahil may ilaw sa labas.
Bakit kaya?
"Papa, mama, Tito Benjie, Tita Agnes."tawag ko sa kanila, pero walang sumasagot.
Kinuha ko ang phone ko mula sa pouch na dala-dala ko at binuksan ang flashlight nito. Sinubukan kong buksan ang switch ng ilaw, ngunit nabigo ako dahil walang ilaw na bumubukas.
Naglakad na ako paakyat sa taas. Nuong nasa may hagdan na ako, may narinig akong kung anong kaluskos.
Kung ano mang pananakot 'yan, hindi ako takot. Kaya 'wag kayong ano.
Nagpatuloy ako sa pag-akyat, tapos may narinig naman akong tunog ng sapatos ng taong naglalakad.
Sa pagkakataong 'to, tumayo na ang mga balahibo ko. Natatakot na ako.
"May tao ba diyan!"medyo malakas kong sabi. Wala paring sumasagot. Nagpatuloy ako sa pag-akyat. Bago pa man ako makarating sa itaas, biglang may humawak sa balikat ko.
Jusko, sino po 'tong nakahawak sa balikat ko? Kinikilabutan na talaga ako. Dahan-dahan akong humarap at inilawan ang mukha nito.
Pagtapat ko sa mukha niya, nagulat ako.
"Bwisit ka, kanina ka pa! Naiirita ako sayo!"walang pakundangang sambit ko rito. Biglang nagbukas ang lahat ng ilaw at naglabasan sina Cholo, Kitty, at Sophie.
"Grabe kayo sa 'kin ha!"inis ko sabi at iika-ikang nagtatakbo papunta sa kwarto ko.
KINABUKASAN...
"Mauuna na po ako."paalam ko sa kanila nang makababa na ako.
"Ala-sinko pa lang ah."sagot naman ni papa. "Kumain ka muna."dagdag pa nito.
"May training po kasi kami, duon nalang po ako kakain."sagot ko. Nanduon si Charles at kumakain kasama ni papa, silang dalawa lang wala pa sila Tito Benjie.
"O sige, mag-iingat ka ha."sabi pa ni papa.
"Ihahatid na kita."anyaya ni manong driver na kagigising pa lamang.
"'Wag na ho."tanggi ko rito.
"Sigurado ka?"tanong pang muli nito. Tumango nalang ako bilang sagot ko. Hindi na ako pinilit pa, kaya nagtuloy na ako. Iika-ika parin akong naglalakad dahil masakit parin ang sugat sa paa ko.
Bago pa man ako makalabas sa main gate...
*BEEP *BEEP
Binusinahan ako ng sasakyan, at alam ko kung sino ito. Hindi ko na ito nilingon at nagpatuloy sa paglalakad.
Gulat akong napatingin ng bigla itong iharang sa harapan ko.
"Sakay na!"malakas na sabi ni Charles nang maibaba niya ang bintana ng sasakyan niya. "'Wag ka ng maarte, isipin mo 'yang paa mo."dagdag pa nito.
"Okay lang ako!"malakas ko ring sagot sa kaniya. "Hindi ko kailangan ng sasakyan mo!"dagdag ko pa at binilisan na ang paglakad.
"Madapa ka sana mamaya! Kahit ngayon na!"rinig ko pang sabi ni Charles. Napakaano talaga!
SA SCHOOL...
Nandito na kami sa court at nagte-training na, dahil lalaban kami next month.
Biglang pumasok sa isip ko si Nadine, kumusta na kaya siya? Sayang at hindi siya naka-attend ng ball night. Paniguradong uusbong na naman ang kagandahan non kapag nanduon siya. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?
"Ang aga pumasok ng inspiration ko!"kinikilig na sambit ng isang estudyante na nagte-training din ngayon.
"Oo nga eh, dahil sa kaniya mas lalo akong ginaganahan magtraining."sang-ayon pa ng isa.
"Ang gwapo talaga ni Charles!"hindi na napigilan ng isa ang sarili niya.
"'Wag na kayong maingay, ituloy niyo nalang 'yong ginagawa niyo."suway ko sa kanila.
"Sorry po."paumanhin nila at nagpatuloy nalang sa kanilang ginagawa. Bakit ba ang sungit ko ngayon? Ano ba naman 'yan. Tapos naman na ang red days ko.
Dalawang oras kaming nagtraining, ngayon ay nasa canteen na ako at bumibili ng makakain.
TO: LAWRENCE
Pumasok ka na, para may kasama ako dito.
Ibinaba ko na ang telepono ko at nagsimulang kumain. Ilang minuto pa akong naghintay ng reply niya, ngunit wala akong natatanggap hanggang ngayon.
Hanggang sa natapos nalang akong kumain. Lumabas na ako at naabutan kong parang may pinagkakaguluhan sa labas. Mga nagtitilian 'yong mga babae at mga binabae.
Nang mgakaroon ng pagkakataon ay nakisingit ako sa kanila at tinignan kung ano ang meron roon.
"Buti pumayag syang makipagpicture ano?"
"Ano kayang nangyari at pumayag siya?"
Iyan ang ilang komento ng mga katabi ko. Nang makasilip na ako, si Charles lang pala ang pinagkakaguluhan nila.
"Tabi nga kayo."inis kong sabi roon sa mga babae upang makaalis na ako. Nabwisit na naman ako bigla.
Alas-otso ang klase ngayon, alasyete palang. Kaya naisipan kong pumunta muna sa rooftop. Nang makaakyat ako ay naupo ako sa swing at nagmuni-muni.
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng yapak na paakyat dito sa rooftop. Sino kaya iyon?
Hanggang sa...
Si Charles pala 'yon. "Anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kaniya.
"Hindi ba ako pwedeng pumunta rito?"sagot niya sa akin. Napakapilosopo. Hindi nalang ako sumagot, dahil hindi ako nananalo sa kaniya.
Gulat akong napatingin sa kaniya nang unti-unti siyang lumalapit sa akin. Inihawak niya ang kaniyang kamay sa may kadena ng swing, saka tumingin ng diretso sa mga mata ko.
"Bakit ba inis na inis ka sa akin?"diretsang tanong niya. Hindi ako sumagot, bagkus ay tumakbo ako pababa ng rooftop. Tumakbo ako ng sobrang bilis, pumunta ako sa third floor.
Napasandal ako sa dingding dito, biglang kumabog ng sobrang bilis ang puso ko.
"Akala mo ba matatakasan mo ako? Batang Williams ata 'to."rinig kong sambit ng pamilyar na boses ni Charles. Tatakbo sana ako, kaso dead end na. Wala na akong matakbuhan.
"Sagutin mo ang tanong ko sayo."ulit nito.
Nilakasan ko ang loob ko para magsalita. "Kailangan ko pa bang sagutin 'yan?"mataray kong sagot sa kaniya.
"Oo."matipid nitong sagot.
Umaangat na naman ang dugo sa ulo ko, nabubwisit na naman ako. "Eh kasi naman kagabi ka pa, andaming babaeng nakapalibot sayo. Tuwang-tuwa ka naman. Katulad kanina, pinalilibutan ka na naman."inis kong sabi. Hindi ko na inisip ang mga sinabi ko, basta nalang lumabas sa bibig ko.
"Nagseselos ka ba?"tanong nito.
"OO!"inis kong sigaw. Napatakip agad ako sa bibig ko, dahil sa sagot kong bigla nalang lumabas na bibig ko na hindi ko ginusto. Muli kong tinakbuhan si Charles dahil sa nagawa ko.
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 37 ❤ JEALOUS
Magsimula sa umpisa
