🎶Just a smile and there's no way back
Can hardly believe it (yeah)
But there's an angel and she's calling me
Reaching for my heart🎶 bigla nitong naalala ang mga araw na magkasama sila.
🎶I know, that I'll be ok now
This time it's real🎶
🎶I lay my love on you
It's all I want to do
Every time I breathe I feel brand new
You open up my heart
Show me all your love, and walk right through
As I lay my love on you🎶 para bang may sasabog sa kaniyang dibdib, kaya tumayo na siya at lumabas.
CHARLES' POV
Isang bagay ang hindi ko maintindihan sa sarili ko ngayon, dahil ngayon ko lang 'to naranasan. Kanina, noong bumaba si Camille mula sa itaas. Biglang napako ang paningin ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit. Sabihin na nating maganda siya, pero iba talaga eh.
Marami naman akong magaganda na nakikita, pero hindi naman napapako ang paningin ko sa kanila.
Kanina lang noong nagsimulang pumailanlang ang musika, at may kumanta na. Biglang napadpad ang paningin ko sa kaniya, nang dahil sa liriko ng kanta. Ano ba ang ibig sabihin nito?
Uminom muna ako ng tubig upang mahimasmasan ako. "Charles!"rinig kong tawag sa akin ng pamilyar na boses ni pandak. Si Lawrence. Lumingon ako sa gawi niya.
"Ano?"sagot ko sa kaniya. "Hinahanap ka na, malapit na tayong magperform."sambit nito. "Sige, susunod na ako."sagot ko rito. Tumalikod na siya at pumasok na muli sa loob. Tinignan ko ang gwapo kong mukha sa side mirror ng aking sasakyan. "Napakagwapo."mahinang sambit ko. Muling inayos ang sarili at pumasok na sa loob.
"Let's all welcome the Grade 10 students of Tanzanite Section!"pagpapakilala ni Ms. Bas sa amin. Nagpunta na ako sa tabi ni Odessa, at panandaliang sumulyap sa gawi nina Sky At Camille. Ang higpit ng hawak sa kamay ah? Ang sarap baliin. Tsk.
🎶 SWAY - MICHAEL BUBLE 🎶
(Play the video above, kung gusto ninyong iguhit sa inyong imahinasyon kung paano magsayaw ang klase nina Camille. Kasabay narin ng bawat saloobin nila na aking isusulat. XD)
Sinimulan na naming gawin ang bawat galaw na aming ini-ensayo sa buong linggo. Patuloy ako sa aking pagsayaw, ngunit ang aking mata ay hindi ko maialis kay Camille. Kung saan ito magtungo, duon din ang tungo ng paningin ko.
Hanggang sa dumating na sa puntong nagpalit na ng kapares, at ang nasa akin na ay si Camille.
Patuloy parin niyang iniiiwas ang kaniyang mata sa akin.
Hinigpitan ko ang paghawak ko sa kaniyang kamay, dahil maluwag ang kaniyang pagkakahawak at baka mabitiwan ko siya ng hindi sinasadya.
CAMILLE'S POV
Kanina pa ako nababagabag sa mga tinginan ni Charles, simula sa bahay hanggang ngayon na kami ay nagsasayaw na. Hindi ako makahawak ng mabuti dahil sa naiilang ako, ngunit siya ang gumawa nito para sa akin.
Ito na ang parte na pinakaayaw ko, ang paghawak sa beywang. Kumakalam ang laman ko, para akong sasabog sa sobrang pagkailang ko. Ang dibdib ko ay kumakabog ng sobra, parang gustong kumawala ng puso ko.
Kami ay nagtalikuran at naghawak ang mga kamay, at umikot papunta sa may harapan. At sa huling parte ay magkaharap at medyo magkalapit ang mga mukha, na diretsong nakatingin sa mata ng bawat isa.
Tiisin mo Camille, sandali nalang. 'Wag kang bibigay.
"Maraming salamat Tanzanite Section sa isang kapana-panabik na sayaw na inyong ipinakita!"pasasalamat ni Mr. Mark.
Pagkatapos naming magbow, naglakad na isa-isa pabalik sa aming mga upuan. Biglang bumigay ng panandalian ang mga binti ko.
"Ayos ka lang?"alalang tanong sa akin ni Charles, salamat sa kaniya at nasalo niya ako. Tumayo naman ako kaagad. "Oo. Ayos lang ako."utal kong sagot at nagpatiuna na sa paglalakad. Nakakainis 'tong binti ko, bakit ka bumigay? Eh nandon pa si Charles? Kinabahan ako bigla.
Nang makabalik ako sa aking upuan, uminom agad ako ng tubig upang mahimasmasan. "Mukhang napagod ka ng husto ah?"sambit ni Lawrence ng makalapit dito.
"Oo, nakakapagod nga."sagot ko nalang. Inabutan niya ako ng panyo niya. "Salamat."sabi ko rito saka ipinamunas sa noo kong malapad ang panyo niya.
Napadpad ang paningin ko sa gawi ni Charles, kausap niya ang mga kaibigan niyang lalaki. Ilang saglit pa ay may lumapit na dalawang babae at nagbeso sa kaniya.
Ang sarap hilahin ng mga braso nang mailayo kay Charles----ano ba 'tong sinasabi ko? Hindi ako 'to. Ano ba Camille.
Pilit kong iniiiwas ang paningin ko kay Charles at duon sa dalawang babae, ngunit hindi ko magawa. Kusa itong tumitingin sa kanila.
"Ang ganda nung dalawang girls ano?"biglang sambit ni Sophie sa likuran ko. Anong maganda don?
"Ah...oo."sagot ko nalang.
"Sana may mapili si kuya sa kanilang dalawa, para may bagong girlfriend na siya."biglang uminit ang tainga ko sa sinabi ni Sophie. Hindi ko alam kung bakit. Nabigla ako nang maikuyos ko ang kamay ko, ano bang nangyayari?
"Pupunta lang ako sa restroom."paalam ko kay Sophie at tumayo na saka dumiretso sa cr.
"Hooh."paghinga ko ng malalim habang nakaharap sa salamin. Sinampal-sampal ko ng mahina ang aking pisngi. "Ano bang nangyayari sayo? Hindi na kita maintindihan Camille."sambit ko sa sarili ko. Nag-ayos ako at muling nagbalik sa loob.
"Saan ka nanggaling?"tanong sa akin ni Charles na ngayon ay nakaupo na. "May pakialam ka?"biglang sagot ko rito. Ano ba, ba't ganiyan ka sumagot? "Ano kamo?"tanong pa nito dahil sa ingay ng musika. Salamat at malakas ang tugtog. "Sabi ko sa cr."medyo malakas kong sagot dito at saka naupo na.
Ilang saglit pa...
"Hi Charles."bati ng isang babae sa kaniya at nagkamayan sila. Nagngitian pa. Tsk. Patuloy lang silang nagkumustahan, para bang invisible lang ako dito, ganon ang dating ko sa kanila.
Tumayo na ako at pumunta kina Sophie. "Magsama kayong dalawa."mahinang sabi ko.
"O, anong nangyari?"tanong sa akin ni Sophie. "Nakaka-OP duon."sagot ko saka tumungga ng plunge. Hanggang plunge lang ang pwede rito.
Nagpatuloy ang programa, kasabay nito ang paglalim ng gabi. Hanggang sa ito ay natapos.
"Halika na."rinig kong sambit ng pamilyar na boses ni Charles. Iminulat ko ang mata ko at tumingin sa kaniya. Nakatulog pala ako. "Tapos na."dagdag pa nito. Tumayo na ako at nag-inat pa.
"Mauna ka na."mataray kong sambit dito. At nagpatiuna nga. Grabe.
Nang makalabas kami. "Aray!"inda ko dahil natapilok ako. Hinubad ko ang heels na suot-suot ko. Ang sakit ng paa ko at may paltos pa, dumudugo na. "Aish."inda ko dahil mahapdi.
Bigla nalang tumalungko sa harapan ko si Charles at sinuri ang paa ko.
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 36 ❤ BALL NIGHT
Start from the beginning
