CHAPTER 35 ❤ RAIN

Start from the beginning
                                        

Nadine Monterro sent you a message.

Nataranta ako nang makita kong si Nadine ang nagmessage sa akin, agad ko itong binuksan at binasa.

"Camille, hindi na ako nakapagpaalam sayo ng personal kasi hindi kita maka-usap dahil nga nag-absent ako. Kaya, ito na lang 'yong way para makausap kita. Hindi ako nakapasok ng ilang araw dahil nagpacheck-up ako dahil sa mga nangyari sa akin the past few days, na kakaiba sa una na nararanasan ko. So, nung nagpacheck-up ako sabi ni doc, stage 4 na ang cancer ko. Kaya kailangan ko ng magpa-opera as soon as possible. Pero, hindi sure na 100% ay magiging successful ito. Kaya ngayon ay nandito na ako States at nagre-ready na for the operation. I hope na magkikita pa tayo. Iingatan mo ang sarili mo palagi, at kung sakali man na hindi na talaga ako makabalik. Kung magtanong sila kung nasaan ako, pakisabi na nagmigrate na ako rito sa States. Kahit ipang buwan palang tayong magkaibigan, hindi ka mawawala sa puso at isipan ko."

Napa-iyak nalang ako habang binabasa ang message sa akin ni Nadine. Naaawa ako kay Nadine, dahil napakabata pa niya para tamaan ng ganong sakit. Dapat ini-enjoy niya muna 'yong mga oras na bata pa siya. Inaasahan ko din na magkikita pa kami, at pag nagkita kami wala na siyang sakit.

CHARLES' POV

Bababa sana ako, kaso nang makatapat ako sa kwarto ni Camille, nakita kong nakaawang ang pintuan niya. At naririnig kong umiiyak siya, bakit kaya?

Sinilip ko ito. Taban-taban niya ang kaniyang telepono at parang may tinitignan rito, iyon kaya ang dahilan kung bakit tumatangis siya? Lumalabas na naman ang kuryosidad ko.

"Hoy kuya."gulat akong napatingin sa likod nang biglang magsalita si Sophie.

"'Wag kang maingay."suway ko sa kaniya.

"Ano ba kasing sinisilip mo diyan? Mamboboso ka na ba ngayon?"tanong nito.

"Gaga, hindi."sagot ko sa kaniya at nakisilip rin. Napagdesisyunan kong bumaba nalang, ang gulo kasi ni Sophie eh.

THIRD PERSON'S POV

Lumipas ang maulang gabi at dumaan ang mga araw, patuloy paring umiiwas si Camille kay Charles sa abot nang kaniyang makakaya. Ngunit patuloy parin silang pinagtatagpo ng tadhana.

Hanggang sa dumating na ang araw na kanilang pinakahihintay.

"I want all of you to get some rest and prepare everything, for you to be able to shine for tonight's ball. Kaya, maaari na kayong umuwi ng maaga. Class dismiss."huling panalita ng kanilang propesor, at saka nagsiuwian na ang lahat.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now