CHAPTER 34 ❤ PRACTICE

Start from the beginning
                                        

"Kaliwa...kanan..."

"1,2,3,4..."

"Ikot..."

Lumipas ang tatlong oras at sa wakas ay natapos narin ang aming pag-eensayo.

"Camille mauna na ako ha."paalam ni Sky bitbit ang kaniyang bag.

"Sige, mag-iingat ka. Kita nalang tayo bukas."nakangiting sagot ko naman. Tumango nalang ito at umalis na.

"Sumabay ka na sa akin, umalis na sila manong."sambit ni Charles saka nagpatiuna na sa paglalakad.

"Sandali lang! Kukunin ko lang 'yong bag ko!"malakas na sabi ko dahil nasa labas na siya. Hindi na ito sumagot, kaya agad kong kinuha ang bag ko at nagtatakbo palabas, hinabol ko si Charles.

Sumakay na ito ng sasakyan niya, kaya sumakay narin ako. Nakabibinging katahimikan ang pumagitna sa aming dalawa, dahil nga sa nangyaring pag-eensayo kanina.

Sinimulan na ni Charles paandarin ang kaniyang sasakyan. "Mag-iingat po kayo sir."sambit ng guard sa amin bago pa man kami makalabas ng eskwelahan. Tinanguan lang siya ni Charles at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

Nang nasa kalagitnaan na kami ng daan...

"What the?"inis na sambit ni Charles.

"Anong nangyari?"takang tanong ko. Dahil biglang huminto ang sasakyan.

"Hindi ko alam."sagot nito saka bumaba at tinignan ang makina.

Sa kasamaang palad, nagkaroon ng diperensya ang makina ng sasakyan ni Charles.

"Sh*t."singhal niya pagkabalik sa loob ng sasakyan.

"Makakauwi pa ba tayo?"tanong ko sa kaniya.

Imbes na sumagot ito, kinuha niya ang kaniyang telepono. "Putsa naman, deadbat pa. Naiwan pa'y charger."inis na sambit nito at napahampas pa sa manubela.

Kinuha ko ang telepono ko. Sa kasamaang palad, deadbat rin. Paano na kami makakauwi niyan?

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at akmang lalabas.

"Saan ka pupunta?"tanong ni Charles.

"Maghahanap ng tindahan at tatawag ako sa bahay."sagot ko at tuluyan nang lumabas. Naglakad-lakad na ako upang maghanap ng tindahan. Napansin ko nalang na sumunod na pala si Charles, nasa likuran ko.

Buti nalang at may tindahan rito, hindi ganoong kalayuan. "Ate, patawag po."sambit ko sa tindera. "Sige ho."sagot nito kaya idinial ko na ang numero sa bahay.

"Andrada's residence."sagot ni Ate Celia kung hindi ako nagkakamali.

["Ate Celia, si Camille po ito."]

["O, ba't napatawag ka? Nasaan na kayo ni Sir Charles, madilim na."]

['Yon nga po ang problema, nasira ang makina ng sasakyan ni Charles. Hindi rin po kami makatawag dahil deadbat kami. Kaya po nakitawag nalang kami sa landline dito sa tindahan. Pakipuntahan naman kami dito.]

Nawala pa ng ilang saglit sa linya si Ate Celia...

[Magcommute nalang daw kayo pauwi rito, ipapakuha nalang ng papa niyo ang sasakyan. Pero hintayin niyo muna ang kukuha bago kayo umalis.]

[Sige po. Salamat.]

Naputol na ang linya.

"Magcommute nalang daw tayo, pero hintayin muna natin 'yong kukuha sa sasakyan mo."pagbibigay alam ko kay Charles. Hindi na siya nagsalita pa, nagpatiuna na sa paglalakad pabalik sa lugar kung saan tumirik ang kaniyang sasakyan.

"When tomorrow comes..."kumanta muna ako para malibang ako, habang nakasandal sa sasakyan ni Charles.

"'Wag mo ng ituloy 'yang pagkanta mo, baka ulanin pa tayo rito."singit ni Charles. Grabe naman 'to, ako ba lagi ang dahilan ng pag-ulan? Tumigil nalang ako sa pagkanta at wala ng sinabi pa.

Kalahating oras ang lumipas at dumating narin ang mga taga talyer. Nang makuha na ang sasakyan ay pumunta narin kami sa lugar kung saan may mga dumadaang jeep.

"Saan tayo sasakay?"tanong ni Charles.

"Sa jeep, bakit?"sagot ko.

"Bakit jeep pa? Magtaxi nalang."murmur nito. Arte naman nito, kalalaking tao pa naman.

Hindi na ako nagsalita pa, pinara ko na ang jeep na paparating.

"Sasakay ka o sasakay ka?"tanong ko sa kaniya. Napakamot nalang siya sa sentido niya at sumakay narin.

"Sasakay din pala, dami pang arte."mahinang sambit ko.

SKY'S POV

Hindi ako masyadong makapagconcentrate sa ginagawa namin kanina, dahil hindi ko maiwasang tignan sina Charles at Camille. Oo, medyo nagselos ako. Pero, ano nga bang titulo ko sa buhay ni Camille para magselos?

Isa pang bagay na hindi ko maintindihan. Nang isayaw ko si Sophie kanina ay may naramdaman din akong kung ano, ang hirap ipaliwanag.

Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now