CHAPTER 34 ❤ PRACTICE

Start from the beginning
                                        

Kinalikot ko ang cellphone ko at idinial ang numero ni Nadine. Ilang araw na siyang hindi pumapasok, ano na kaya ang nangyari sa kaniya? "The number you have dialled..."puro ganiyan ang sumasagot sa akin.

"Mr. Williams and Ms. Ocampo."tawag sa amin ng babaeng dance instructor. Itinago ko na ang telepono ko at tumayo na mula sa pagkakaupo.

Buti naman at naging ka-partner ko siya, atleast kahit sa performance ng section namin eh kami ang magkasama.

Nakita ko ang saya na nakabakas sa mga labi ni Sky. Nang tignan ko si Charles, parang nakakain ng sandamakmak na ampalaya. Anong nangyari don?

"Don't worry everyone, kung hindi niyo naging ka-pair ang kaklase niyong gusto niyo makapareha. Magpapalit-palit naman 'yan kaya 'wag kayong malungkot."nakangiting sabi pa nito. Lumiwanag naman ang mukha ng aking mga kaklase.

"Let's start."salita ng lalaking dance instructor at saka pumwesto na sa harapan.

CHARLES' POV

Nakakabanas! Si Camille nga 'yong pinili kong partner, pero hindi siya ang magiging ka-pair ko sa sayaw? Wth.

Oo, nababanas ako. Bakit anong masama? Tsk.

"1,2,3,4..."kitang-kita ko ang saya na nakabakas sa mukha ni Camille. Mukhang gustong-gusto niya ang ka-pares niya.

"Charles, okay ka lang ba?"tanong sa akin ni Odessa. Siya ang ka-pares ko ngayon. Wala akong ganang sumayaw.

"Oo."matipid kong sagot sa kaniya at nagpatuloy nalang sa pagsayaw.

"Change partners."utos ng dance instructor. Umikot-ikot ang mga babae, hanggang sa napunta sa akin si Camille. "Stop."sambit nito, kaya kung sino ang ka-pares namin ngayon sila na ang makakapares namin sa susunod na parte ng sayaw.

Taban-taban ko ang dalawang malalambot na kamay ni Camille.

May bumubulusok dito sa aking dibdib na hindi ko alam kung anong ibig sabihin. May nararamdaman ako na kung ano. Hindi ko ma-ipaliwanag.

"Magdikit kayo ng kaunti."utos ng babaeng dance instructor, at ipinakita pa kung paano namin gagawin. Aalalayan namin ang mga babae sa kanilang likuran, habang ang mga babae ay nakabend ng kaunti at nakataas ang kanang kamay.

Hindi namin alam kung paano gagawin. "Mr. Andrada and Ms. Ocampo?"tawag sa amin ng babaeng instructor saka kami nilapitan. "Hindi niyo pa ba nakuha kung paano?"tanong nito at umiling naman kami ni Camille.

Ipwinesto niya kaming dalawa kung paano. "Good. Kuha niyo na?"tanong pa nito.

"Opo."sagot ni Camille. Bumalik na ang babaeng dance instructor sa harapan at nagsimula kaming muli sa aming sayaw.

Iniiwasan namin na magkatama ang aming mga mata, masyado kaming naiilang sa isa't-isa.

CAMILLE'S POV

Masyadong nakakakaba ang steps ngayon, bakit ba kasi kailangan ng ganon? Nako naman.

Nakakailang, mas lalo akong nailang nang dahil sa hindi ko parin makalimutan ang nagawa ko kagabi kay Charles. Para tuloy nakikipagkarerahan ang puso ko, sobrang bilis ng tibok. Parang lalabas na ng katawan ko.

"Magtalikuran naman kayo."utos ng lalaking dance instructor. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa likuran ni Charles. "Girls, sumandal kayo."ang babaeng instructor. Unti-unti kong idinikit ang likuran ko. Sinimulan na naming igalaw ang aming mga kamay kung ano ang itinuro sa amin.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now