Wala pa akong ganang maghanap ng partner, dahil may iniisip parin akong kung ano ngayon.
"Camille partner tayo."
"Camille partner tayo."
Sabay na sabi nila Lawrence at Sky. "Hoy, pang-ilang sabi na namin 'to. 'Di ka nakikinig."sambit ni Lawrence sa akin. "Pasensya na."sagot ko sa kaniya.
"Ano ba kasing iniisip mo?"tanong ni Sky.
"'Yong ano...sagot sa math."pagsisinungaling ko.
"Nasobrahan naman ata 'yang pag-iisip mo, ano bang math equation 'yan?"sagot ni Lawrence at hiningi 'yong math kong libro.
"Ang hirap naman niyan. Saka hindi pa naman natin lesson 'yan ah?"sambit niya nang makita niya ang equation.
"Para advance, ganon."pagsisinungaling ko ulit. Nahagip ng mata ko si Charles na nasa gilid, nakatingin sa akin at ngingisi-ngisi. Siraulo talaga 'to, nang-aasar eh.
ARAL
ARAL
ARAL
ARAL
KRIIIIING!
"Class dismiss."huling sambit ng aming guro. Ang maganda dito sa Williams, kahit hindi pa tapos ang lesson at nagbell na, ititigil na. Hindi katulad sa iba na nage-extend pa.
"Sabay na tayo."sabi sa akin ni Sky. "Ako din."singit ni Lawrence.
"Sige."matipid kong sagot.
Naglalakad na kami papuntang canteen nang biglang tumunog ang phone ko...
From: Charles
Pumunta ka dito sa may rooftop, ngayon na. 120 seconds, at kapag lumampas ka, bayaran mo utang mo.
Sinasabi ko na nga ba eh, hindi lalampas ang araw ng hindi ako kakausapin ni Charles. Bakit ba naman kasi ngayon pa, eh ayaw ko nga siyang maharap eh.
"Mauna na kayo, may pupuntahan lang ako saglit."paalam ko sa kanila.
"Sige."sagot nila.
Naglakad na ako patungo sa rooftop.
"Anong kailangan mo sa akin?"tanong ko kay Charles pagkarating ko dito sa rooftop.
"Gusto kong ikaw ang maging ka-partner ko sa Ball Night."diretsang sabi nito nang makalapit ako sa kaniya.
Nananadya ba talaga siya? Alam naman niya na may hindi magandang nangyari kagabi eh. Nakakailang kaya.
"B...bakit ako?"nauutal kong tanong sa kaniya.
"Gusto ko ikaw eh. Is there any problem with that?"maangas niyang sabi.
"W-wala naman."sagot ko nalang.
"Be ready. 'Wag ka ng magdalawang isip pa. Dahil sa akin rin ang bagsak mo."huling sambit ni Charles saka bumaba na.
Hindi na ako umangal pa, wala din naman akong magagawa. Talo rin ako. Paano na 'yong dalawa? Eh mas nauna sila. Patay.
Bumaba na ako at pumunta sa canteen.
"O, saan ka ba pumunta?"tanong sa akin ni Sky nang makaupo na ako.
"Pagkain mo oh."bigay sa akin ni Lawrence.
"Salamat."sambit ko kay Lawrence. At saka ibinalik ang atensyon kay Sky. "Nagcr lang ako."pagsisinungaling ko. Pang-ilang kasinungalingan na ba 'tong nasasabi ko ngayon? Hays.
"Camille, pwede bang ikaw ang maging partner ko sa ball night?"tanong sa akin ni Sky. Ito na nga, paano ko sasabihin?
"Ako din, gusto kong ikaw ang maging partner ko."singit ni Lawrence.
"Ano kasi, may ka-partner na ako eh."sagot ko sa kanila na ikinabagsak ng mukha nila.
"Tayong dalawa nalang Sky."sambit ni Lawrence .
"Naunahan na tayo. Alam ko na kung sino, si Charles 'yan panigurado."sabi ni Sky saka lumagok ng juice.
"Sorry ah."paumanhin ko. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko magawang umangal ng lubos kay Charles. Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag.
CHARLES' POV
Alam ko kung bakit hindi siya makapag-aral ng ayos ngayon, dahil may bumabagabag sa kaniya. At iyon ay ang nangyari kagabi. Talagang hindi niya makakalimutan 'yon.
Isang Charles Andrada ba naman ang hinalikan niya, sino ba naman ang makakalimot ng oras na 'yon.
Natatawa ako kapag tinitignan ko si Camille kanina. Ginugulo-gulo niya ang buhok niya dahil hindi siya makapagconcentrate.
Siya rin ang naisip kong maging ka-partner. Wala lang, naisip ko lang. Walang reason.
SOPHIE'S POV
Pupunta na sana ako sa may parking lot, nang biglang may lumapit sa akin.
"Sophie."tawag sa akin ni KUYA SKY.
"B...bakit po?"nauutal kong sagot, dahil hindi ko parin makalimutan 'yong nangyari kanina. Ngayong tinitignan ko siya, parang wala na sa kaniya.
"May itatanong sana ako sayo..."
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 33 ❤ PARTNER
Start from the beginning
