KINABUKASAN...
NADINE'S POV
Today is my flight.
Aalis na ako sa Pilipinas at lilipad papuntang States kasama si James, para ma-operahan na ako.
Hindi na ako nagkaroon ng chance na maka-usap si Camille para masabi ko sa kaniya ang maaga kong pag-alis, dahil ang alam niya ay sa isang buwan pa. Siguro, pagdating ko nalang don saka ko siya ime-message.
"Nadine, let's go."aya sa akin ni James kaya tumayo na ako. Sana maging maayos ang lahat. Sana maghintay pa siya ng kahit kaunti, dahil babalik ako.
CAMILLE'S POV
Apat na oras lang ang naitulog ko, kaya hilong-hilo ako ngayon. Nakapaghanda na ako sa pagpasok. Bago pa man ako tuluyang makalabas ng kwarto ko, sinilip ko muna dahil baka nandiyan lang si Charles.
Sa kabutihang palad ay wala siya, kaya lumabas na ako at bumaba.
"Aalis na po kami."paalam namin nina Sophie. "Sige, mag-iingat kayo."sagot naman nila papa at Tito Benjie.
Sumakay na kami ng sasakyan, bago pa man kami tuluyang makapunta sa main gate, biglang may kumatok mula sa labas. Kaya ibinaba ni manong ang bintana.
"Manong, sasabay ako sa inyo. Pinapalinisan ko pa 'yong sasakyan ko."kung si Charles ang iniisip niyo. Tama kayo, siya nga. Kaya nagulat ako nang makita ko siya.
Binuksan ni Charles ang pintuan ng sasakyan sa may gawi namin ni Sophie. Ano, dito siya mauupo? Ba't hindi nalang sa harapan?
"Sophie, duon ka sa harap. Diyan ako."utos nito sa kapatid niya. Hindi nalang nagsalita si Sophie at sinunod ang kuya niya. Ngunit bago pa man siya makalipat ay pinigilan ko siya.
"Dito ka lang."mahinang sabi ko kay Sophie.
"Dali na, male-late na tayo."sambit ni Charles, wala ng nagawa si Sophie kundi ang lumipat. Hindi na ako tumutol pa.
"Usog."sambit ni Charles nang makapasok na siya dito sa loob. Kaya umusog kaagad ako sa may bintana. Naupo na siya at tuluyan na kaming umalis.
Nananadya ba siya? Eh kasalanan ko rin naman eh. Hays. Sa buong biyahe, para akong mannequin na nakaupo.
MILLISETH'S POV
I'm on my way na papunta sa classroom, nang may biglang kumausap sa akin na student.
"Ikaw po ba si Ms.Dixon?"tanong sa akin ng estudyanteng babae.
"Yes, why?"I answered.
"Pinapatawag ka po ni Ms. Anderson."sagot niya na ipinagtaka ko.
"Where is she?"tanong ko pa.
"Sa Principal's Office po."sagot niya.
Bakit naman kaya?
"Ahh, okay thank you."sabi ko. Naglakad na ako papunta sa Principal's Office.
PRINCIPAL'S OFFICE...
I knocked at the door.
"Come in."rinig kong sagot ni Ms. Anderson.
I opened the door and...
Bakit nandito ang parents ko? Tapos, nakatingin silang lahat sa akin.
Anong nagawa ko?
"Why?"takang tanong ko sa kanila.
"Ms. Dixon, have a seat. We will tell you everything."sabi ni Ms. Anderson.
Naupo na ako sa tabi ng parents ko, si daddy para akong sasakmalin.
At saka nagsimula nang magsalita si Ms. Anderson.
"Ms. Milliseth Dixon, napatunayan ni Ms. Ocampo na hindi siya ang kumuha ng mga gamit na nakalagay sa bag niya. At mayroon kaming matibay na ebidensya, na hindi talaga siya ang gumawa non. Dahil IKAW talaga ang kumuha ng mga iyon."paliwanag ni Ms. Anderson at idiniin pa talaga niya ang salitang ikaw.
Paano nila nalaman 'yon? Wala naman akong pinagsabihan ng plano ko. At alam kong sira ang cctv sa canteen, kaya walang makakaalam ng ginawa ko.
"Masususpend ka for one week. Sa ngayon ay 'yan palang ang ibinigay naming punishment for you, dahil unang beses pa lamang. At ayaw na namin na masundan pa."sabi pa ni Ms. Anderson.
"Sana, hindi na 'to maulit ulit. Dahil sa susunod pwede ka ng ma-expel."sabi naman ng principal, tapos lumabas na kami.
"I'm so disappointed in you."seryosong sabi ni daddy at nagpatiuna na sa paglalakad.
Next time nga aayusin ko na ang mga plano ko, para wala ng sabit.
SOPHIE'S POV
Andito ako sa may studio ng school, kasama si Quiana. We decided na dumito nalang muna, kasi vacant hour naman ngayon.
Sumasayaw kami ng OOH-AHH ng twice 'yong kpop girl group. Pampawala lang ng pagkabored.
SKY'S POV
Andito ako ngayon sa may 4th floor, dahil hinahanap ko ang kapatid ko na si Quiana.
Nakaagaw pansin sa akin ang tugtog na hindi ko maintindihan ang lenggwahe. Pinuntahan ko ang isang silid dito kung saan nanggagaling ang tugtog. At pagsilip ko...
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 32 ❤ KISS
Start from the beginning
