CAMILLE'S POV
Alas-onse na ng gabi ngayon, pero hindi parin ako makatulog. May pasok pa bukas, hindi ko alam kung anong gagawin ko para makatulog. Hindi talaga mawala sa isip ko.
Kung kumain kaya ako? Mawala kaya 'tong nararamdaman ko ngayon? Sige nga, bababa muna ako.
Lumabas na ako ng kwarto, dim light nalang ang nakabukas.
Bumaba na ako, hindi ko na binuksan 'yong ilaw. Okay na 'yang dim light. Dahan-dahan akong naglakad hanggang makaabot ako sa kusina. Sa kasamaang palad, may nasagi ako.
Bumukas 'yung ilaw at...
😱
Si CHAAAAAAAARLES!
Tatakbo na sana ako, kaso hinawakan niya 'yong kaliwang braso ko.
NOOOOOOOO!
Iniharap niya ako sa kaniya...
"Bakit ba ganyan ka kumilos?"tanong niya sa akin, pero hindi ako umiimik. As if naman na hindi niya alam kung anong nangyari.
Isinandal niya ako sa may dingding at palapit ng palapit...
Pero nilagpasan niya ako.
HOOOH!
Kumuha si Charles ng tubig at ibinigay niya ito sa akin.
"S...salamat."nauutal kong sabi. Parang wala naring boses na lumalabas mula sa bibig ko. Ininom ko na ang tubig. Medyo umayos na ang pakiramdam ko.
"Ano okay ka na?"tanong ni Charles.
"O...oo."nauutal ko paring sagot.
"First time mo bang mahalikan?"diretsang tanong niya sa akin na ikinalaki ng mata ko. Nginisihan niya lang ako. Aba't nag-abala pa siyang tanungin ako ng ganiyan? Grabe. I can't believe it.
"Kahit hindi na pala itanong, halata naman eh."sabi pa niya at natawa siya.
Kainis 'to, porket ngayon lang ako nakaranas? Aba, gusto ba niyang gantihan ko siya?
Bagsak kong inilapag sa table ang isang baso ng tubig at...
Hinawakan ang dalawang pisngi ni Charles.
"O, anong gagawin mo?"takang tanong ni Charles na kumakawala sa mga bisig ko, ngunit hindi ko hinayaang makawala siya.
Hindi na ako sumagot at...
HINALIKAN KO SIYA, 'yong nakadampi lang pero medyo matagal.
CHARLES' POV
Nakalapat ngayon ang mga labi ni Camille sa labi ko at ngayon ay para akong nasemento sa kinatatayuan ko. Hindi ko inaasahan na gagawin niya ang bagay na 'to.
Bumitaw na siya saka tumalikod at umakyat na.
Ano bang dumapo sa kaniya at ginawa ang bagay na 'yon? Hindi parin nagsisink-in sa utak ko na siya mismo ang humalik sa akin. Aksidente lang naman 'yong kanina, hindi 'yon sadya. Alam niyo 'yan.
Ilang saglit pa at bumalik na ako sa aking huwisyo. Umakyat na ako at magpapahinga, paniguradong makakalimutan ko rin ang nangyari ngayong gabi.
CAMILLE'S POV
MY GOODNESS! Akalain mo nagawa ko 'yong bagay na 'yon? Hooh! Pinagpawisan ako don.
Nang makapasok ako sa kwarto ko, ini-lock ko kaagad ang pintuan at nagdive sa kama ko.
Pero infairness, ang lambot ng labi ni Charles. CAMILLE! ANO BA 'YANG SINASABI MO? HA?!
Ano kayang mangyayari bukas? Kinakabahan ako, lalo na at may nagawa ako kay Charles. Lalo tuloy akong hindi makakatulog nito. Magmumukha akong zombie bukas.
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 32 ❤ KISS
Start from the beginning
