Bumitaw na siya mula sa pagkakayakap sa akin.
"Ay sorry. Hindi ko intensyon na yakapin ka."paumanhin ni Camille. Pero hindi parin ako nagsasalita, nakatingin lang ako sa kaniya.
"Thank you ulit Charles."pasalamat ulit niya. Sa pagkakataong ito ay bumalik na ako sa huwisyo ko.
"Hindi sapat ang thank you lang."sa wakas, nakapagsalita narin ako.
"Ano na naman?"murmur niya.
"You should teach me how to forget all the things that I've been through with Nadine."sabi ko. Magsawa siyang pakinggang lagi ang mga bagay na iyan mula sa akin.
"Lagi nalang 'yan ang pangkundisyon mo. Oo nga pala, ikaw nga pala si Mister Usad."sagot nito sa akin.
"That's what I want, kaya wag ka ng umangal. Or else...."pabitin kong sabi.
"Anong gagawin mo?"tanong nito.
"Kung ayaw mo talaga, babawiin ko nalang kay Ms. Anderson ang lahat ng ipinakita ko sa kaniya. Sasabihin kong inutusan mo lang si Milliseth na gawin 'yon para siya ang mapagbintangan na may sala, at ikaw ang aaktong biktima. Pagkatapos, mapapatawag sila Tito Berto at sasabihin lahat ng ginawa mo. At masususpend ka pa."panakot ko sa kaniya.
"Sabi ko nga tutulungan na kita, dami mo pang sinabi eh."sagot ni Camille.
"Good, then let's go."sabi ko sa kaniya at nagpatiuna na sa paglabas ng detention room.
"Oy, saan tayo pupunta?"tanong ni Camille na nasa gilid ko habang naglalakad kami papunta sa parking lot.
"Malalaman mo din mamaya."sagot ko sa kaniya.
CAMILLE'S POV
Ano ba 'tong si Charles, laging tungkol sa pag-usad ang kundisyon niya. Buti nga nakalimutan na niya tungkol duon sa pinapabayaran niya eh. Isusumbat na naman sa akin 'yon. Tsaka, bakit ba gusto niya talagang kalimutan lahat ng memories nila ni Nadine? Pwede namang magstay 'yon forever eh. Diba? Naging masaya naman sila, bakit kailangan niya pang kalimutan?
"Camille!"tawag sa akin ni Lawrence na kasama si Sky, naghihintay dito sa parking lot. "Ano nang nangyari?"alalang tanong nila.
Abot-tenga ko silang nginitian, bakas sa kanilang mukha ang pagtataka. "Napatunayan na, na hindi ako ang kumuha ng mga 'yon. Inilagay lang sa bag ko."sabi ko sa kanila.
"Sino naman ba ang gumawa non?"tanong ni Sky. Diretso akong tumingin sa kaniya at nag-aalangan pa kung sasabihin ko o hindi.
"Si Milliseth."diretsa kong sagot. Kitang-kita sa kaniyang mukha ang pagkadismaya. "Pasensya na Camille, siraulo talaga ang babaeng 'yon."sabi ni Sky.
"Hindi dapat ikaw ang humingi ng sorry para sa kaniya. Saka okay na 'yon, tapos na, at iyon ang importante. Salamat dito kay Charles, dahil kung hindi sa kaniya, baka nasuspend na ako."paliwanag ko. Tumingin naman sila kay Charles. Maangas na binalikan ng tingin ni Charles ang dalawa.
"Paano, mauuna na kami. Kita nalang tayo bukas. May lakad pa kasi kami."paalam ko sa dalawa.
Sumakay na kami sa sasakyan ni Charles at pinaandar na niya ito.
Binagtas na namin ang daan, at nakarating kami sa amusement park.
"Bakit tayo nandito?"tanong ko kay Charles.
"Gusto ko lang magrefresh."sagot nito.
"Edi dapat ikaw nalang, sinama mo pa ako."sabi ko.
"Hindi naman siguro magiging masaya 'yon kung ako lang mag-isa diba?"sabi pa niya.
Oo nga naman, pero bakit kailangang ako pa?
"Tara na."aya ni Charles atsaka ako hinila. Gusto yatang pahabain ang braso ko.
Habang naglalakad kami...
"Ijo, ija."may lumapit sa aming isang babae at mukhang may edad na siya. At para siyang isang manghuhula.
"Pwede ko ba kayong hulaan?"tanong nung babae sa amin.
"Tsk. bilisan nyo lang ho."sagot ni Charles. Himala at pumayag siya.
"Akina ang mga kamay niyo."sabi nung babae sa amin kaya iniabot namin ito sa kaniya.
"Nakikita ko na magiging maganda ang samahan nyong dalawa. Magiging maganda ang future niyo. Magsasama kayo ng matagal, at bibiyayaan kayo ng limang anak."hula nito sa amin.
"The h*ell, ni hindi ko nga girlfriend 'yan eh."murmur ni Charles.
"Ija, pwedeng makahingi kahit pangkain lang."dagdag pa ng babae.
"Sige ho."sabi ko saka dumukot ng pera mula sa bulsa ko. Ibinigay ko na ito pagkatapos ay umalis na ito.
"Sabi na't manghihingi lang 'yon ng pera eh. T
Mga tao talaga ngayon kahit ano gagawin basta't magkapera lang."narinig kong sabi ni Charles.
"Hayaan mo na."sabi ko sa kaniya. "Ako naman ang nagbigay, hindi naman ikaw."dagdag ko pa. Daming reklamo eh.
Nahagilap ng mata ko ang isang carousel.
"Charles, duon muna tayo."aya ko kay Charles habang nakaturo sa carousel.
"Hays para kang bata. Pambata lang 'yan eh."singhal nito.
"Sigina."pilit ko.
CHARLES' POV
Hinila ako ni Camille papunta duon sa may carousel. Eto 'yong paboritong sakyan ni Nadine kapag pumupunta kami sa isang amusement park.
Hindi na ako umangal pa at pumila nalang kami. Nang pumila kami, inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang mga taong hindi ko inaasahan na naririto.
BINABASA MO ANG
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 30 ❤ TRUTH
Magsimula sa umpisa
