Bakit naman kaya sinabi 'yon ni Milliseth?
Milliseth's Point of View
"You want some pizza?"tanong ko kay Vanessa.
"Anong nangyari sayo at mukhang good mood ka?"tanong niya sa akin.
"I just accomplished something."nakangiting sagot ko at nilanghap ang sariwang hangin dito sa may rooftop.
HAAAY, napakarefreshing naman. Ang nakakabanas lang ngayong araw na 'to, ay lumipat si Sky sa kabilang section kung nasaan yung Camille na 'yon.
Ginayuma ba niya si Sky, at sinusundan nalang siya palagi? The hell.
And one thing, Nakakainis din nung lilipat din sana ako eh hindi na pwede. Dahil madami na sila duon. Hindi ko na makakasama si Sky.
CAMILLE'S POV
"Attention everyone, those who have seen a five thousand peso bill, Iphone 7 and Rolex watch, please bring it to the faculty room. Thank you."anunsyo ni Ms. Anderson sa pamamagitan ng speaker para marinig ng lahat.
Grabe, bakit naman kaya nawala 'yong ganong mga bagay? Dapat duon iniingatan.
Bumalik na ako sa classroom dahil magsisimula na ang klase.
"I have an announcement, magkakaroon ng inspection today. Narinig niyo naman siguro ang sinabi ni Ms. Anderson. Baka isa sa inyo ang kumuha ng mga gamit na nabanggit kanina. It's better kung aamin na kayo kaagad. Hindi ganoon kalala ang parusa."paliwanag ng aming propesor, walang nagsasalita kahit isa.
Nagsimula nang mag-inspect ang ilang teacher, Isa-isa nang binuksan ang aming mga bag.
"Akina ang mini bag mo."hingi ng isang propesor nang matignan na niya ang backpack ko.
Ibinigay ko naman ito, dahil alam kong wala akong ginagawang masama.
Gulat ako nang ilabas niya mula sa bag ko ang 5,000 peso bill, rolex watch, at Iphone 7. Hala, paano naman magkakaroon ng ganyan sa bag ko?
"What's your surname?"seryosong tanong sa akin ng teacher habang taban-taban ang mga bagay.
"O...ocampo po."kinakabahan na sagot ko.
"Ms. Ocampo, see you in detention."salita nito at saka lumabas na.
Nagsimula nang magbulungan ang buong klase, hiyang-hiya ako. Hindi ko naman talaga kinuha 'yon eh.
"Ang ganda niya sana eh. Ganon naman pala siya. Sayang."
"Oo nga. Hinahangaan ko pa naman siya."
"Hindi ako makapaniwala na nagawa niya ang ganoong bagay."
'Yan ang narinig kong mga komento nila. Naupo nalang ako sa upuan ko at umubaob, pasikretong umiyak.
Wala akong kinukuha, wala akong ninanakaw. Paano napunta 'yon sa bag ko? Ano 'yon, MAGIC?
"Alam kong hindi mo 'yon magagawa."bulong ni Sky saka hinahagod-hagod ang likuran ko.
"Mag-iimbestiga tayo Camille."sabi naman ni Lawrence.
Tumigil na ako sa pag-iyak at nagpatuloy na sa pag-aaral at nang mag-uwian na...
"Camille, pumunta ka na daw sa Detention Room sabi ni Ms. Anderson."sabi nung isa naming kaklase. Huminga ako ng malalim at tinatagan ang loob.
"Samahan ka na namin."anyaya ni Lawrence. Ngunit tumanggi ako. Hindi na sila nagpumilit pa at naglakad na ako papunta sa Detention Room. Haharapin ko ng walang takot si Ms. Anderson, sasabihin ko ang katotohanan na wala naman akong ginagawang masama.
Detention Room...
*TOK *TOK
"Come in."sagot ni Ms. Anderson mula sa loob.
Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at tuluyan nang pumasok.
"Ikaw na pala 'yan Ms. Ocampo, let's start..."pambungad na salita niya at saka ako pinaupo.
"Ms. Ocampo. I want you to tell me the truth. Just admit everything that you did."seryosong sabi ni Ms. Anderson. Bago pa man ako makasagot ay muli siyang nagsalita. "Anong naisip mo at kinuha mo ang mga mamahaling gamit ng isa sa mga estudyante dito sa Williams? I know that you can afford those expensive things, hindi mo na kailangan pang gawin 'yon."salita pa niya.
"Wala naman po talaga akong kinukuha, hindi ko nga po alam kung bakit napunta sa bag ko 'yon eh."paliwanag ko.
"Ms. Ocampo, don't deny it. Nakita na sa bag mo. Sana umamin ka na para hindi maging malala ang punishment mo."pagpupumilit nitong aminin ko ang kasalanang hindi ko kailanman ginawa.
Bawat luhang namumuo sa mga mata ko ay agad kong pinapahiran, upang hindi ito tuluyang kumawala sa mga mata ko.
*TOK *TOK
"Sino 'yan?"tanong ni Ms. Anderson mula sa tao sa labas.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si...
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 29 ❤ FALSELY ACCUSED
Start from the beginning
