CHAPTER 29 ❤ FALSELY ACCUSED

Start from the beginning
                                        

ARAL

ARAL

ARAL

ARAL

KRIIING!

Lunch time na.

"Ngayon, tatanungin kita. Bakit naisipan mong lumipat sa section namin?"nakatayong tanong ko kay Sky.

"Gusto kitang alagaan, lalo na ngayon. May damage 'yang ulo mo."kaswal na sagot niya.

"Mr. OWNER ng school na ito, hindi po malala ang nangyari sa akin. Kaya hindi ko na kailangan ng caregiver."sagot ko sa kaniya.

"Oo nga, 'di na niya kailangan ng caregiver. At kung sakali naman, may mag-aalaga sa kaniya. Kaming dalawa ni Lawrence."nagulat ako dahil biglang nagsalita si Charles, at inakbayan pa niya si Lawrence.

"Hindi ko na kailangan ng mag-aalaga sa akin. PERIOD. PADLUCK. NO ERASE."pagtatapos ko saka lumabas na at dumiretso sa may canteen.

"Nakakabagot, wala si Nadine."sabi ko habang iniikot-ikot ang pasta. Napansin kong may babaeng papalapit sa pwesto ko, at ito'y si Milliseth.

"Hi dear."bati ni Milliseth.

"Hello."nakangiting sagot ko naman.

"Can I join you?"tanong niya.

"Sige, wala naman akong kasama eh."sagot ko saka naupo na sa harapan ko. Nag-open siya ng topic na kinaaliwan naming dalawa, kaya ayun nagkwentuhan kami.

Ilang saglit pa...

"Excuse lang ha, may tumatawag sa akin."paalam niya nang biglang tumunog ang telepono niya.

"Sige."sagot ko.

Nang matapos na ako sa pagkain, saka naman siya bumalik.

"Camille, sabi ni Sky pumunta ka raw sa rooftop."sabi ni Milliseth saka siya naupo.

"Bakit daw?"takang tanong ko.

"I don't know."kibit-balikat niya.

"Sige, pupunta na ako. See you around."paalam ko saka umalis na.

Bakit naman kaya?

Naglalakad na ako papunta sa rooftop ng makasalubong ko sina Sky at Lawrence.

"O, akala ko nasa rooftop ka Sky?"takang tanong ko sa kaniya.

"Huh? Anong gagawin ko duon?"takang sagot naman niya.

"Eh sabi ni Milliseth, pinapapunta mo raw ako don."naguguluhang sagot ko. Napakamot nalang ako sa sentido ko.

"Wala akong sinasabi, saka hindi ako tumawag sa kaniya. Hindi ko nga siya kinakausap eh."sabi pa niya.

Hala?

Bumalik na ako sa loob ng cafeteria at binalikan kung saan ako kumain kanina. Wala na si Milliseth roon. Nahagip naman ng mata ko ang mini sling bag ko sa table. "Nakalimutan ko 'to ah."mahinang sabi ko pa.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now