"Nang...hi...hi...na ako. Na...hi...hi...rap...an ak...ong..."hindi na natuloy ang kaniyang sinasabi, nawalan na siya ng malay.
"Nadine. Nadine."tawag ko sa kaniya habang tinatapik ang pisngi nito. At sa kasamaang palad...
"Ma---aray!"hindi natuloy ang sasabihin ko dahil biglang sumakit ang ulo ko. Hanggang sa...
BLANK.
CHARLES' POV
Naisipan kong bumaba na ulit, hindi ko kailangang magtago.
Nang makababa ako, naisipan kong pumunta sa garden at magpahangin. Nakaagaw pansin sa akin ang isang silid dito sa bahay na ipinagbabawal kong pumasok ang iba, maliban sa akin.
Bakit ganon, parang bukas ata? Pinuntahan ko ito at pumasok. At pagpasok ko...
Bakit nandito yung dalawang 'to? Ba't dito natutulog? Pero teka, parang hindi naman ganyan ang posisyon ng natutulog? Nakasubsob si Camille sa sahig, si Nadine naman nakatakip ang buhok sa mukha.
Nilapitan ko silang dalawa, at nakita kong pawis na pawis sila.
"Camille. Nadine."gising ko sa kanila, pero hindi sila nagigising.
Ginising ko ulit, pero wala parin.
Ano bang gagawin ko sa dalawang 'to? Hindi ko naman sila kayang dalhin pareho.
Lumabas muna ako at sakto, dumating na 'yong dalawang pugo.
"Hoy, kayong dalawa halikayo. Tulungan niyo ko dito."tawag ko sa kanila.
"Bakit? ano ba yon?"tanong nung Lawrence.
"Basta, sumunod nalang kayo."sagot ko. Binitiwan muna nila ang mga bitbit nila at sumunod na sa akin.
"O, bakit dyan natutulog yung dalawang yan?"sabi nung Lawrence.
"Oo nga."pagsang-ayon ni Sky.
"Aba'y ewan ko, nakita ko nalang 'yang dalawa na 'yan dito."sagot ko.
"Dalhin na natin sila sa taas, ako magbubuhat kay Camille."anyaya ni Sky tapos akma na niyang bubuhatin si Camille. Pero hinarang ko siya.
"Ako na kay Camille, ikaw na kay Nadine."sabi ko.
"Tsk."singhal ni Sky.
"May angal?"tanong ko.
"Wala."sagot nalang niya saka binuhat si Nadine. Ako naman, binuhat ko si Camille.
"Paano na ako? Sino bubuhatin ko?"singit ni Lawrence.
"Tumabi ka diyan, buhatin mo 'yong mga binili niyo."sagot ko sa kaniya.
"Wow."hindi makapaniwalang sabi ni Lawrence. Wala na siyang nagawa kundi buhatin nalang ang mga pinamili nila.
Iniakyat na namin sila Camille at Nadine saka inihiga sa kama.
"Kayo na bahala sa dalawa na 'yan."sabi ko saka bumaba na ulit at binalikan 'yong silid na pinanggalingan nila kanina.
Akma ko na itong ila-lock, ngunit may nakita akong bote ng gamot. Kaya pumasok ako upang tignan kung anong gamot ito. Pinulot ko ito at tinignan...
Teka, painkiller 'to ah. Bakit may ganto dito? At sinong gagamit nito, eh wala namang may sakit dito?
Nilagay ko ito sa bulsa ko at isinarado na ang pinto at pumunta kay Yaya Doris.
"Yaya, pakilagay nga sa medicine kit. Nakita ko lang 'to duon, baka may gagamit."sabi ko, pagkatapos ibinigay ko na ito at umakyat sa itaas.
NADINE'S POV
Naalimpungatan ako at nang tumagilid ako ay nakita ko si Camille na tulog. Naupo ako at tatayo na sana, kaso...
Sina Sky at Lawrence natutulog sa lapag. Natawa nalang ako at magkadantay pa silang dalawa. Kinapa ko ang bulsa ko...
Teka, nasaan na 'yong gamot ko? Hindi pwedeng mawala 'yon, pampaalis ng sakit ng nararamdaman ko 'yun eh. Tinignan ko ang bag ko at umaasang nanduon iyon, pero nabigo ako. Wala roon.
"Nadine, anong hinahanap mo?"tanong ni Camille na nakapikit pa ang isang mata at pilit pang binubuksan ang isa pa. Bumangon narin siya at naupo.
"'Yong painkiller ko."mahina kong sagot dahil baka magising sila Sky at Lawrence, malaman pa nila.
"Saan naman mapupunta 'yon?"takang tanong ni Camille.
Patay, baka naiwan ko 'yon sa baba.
"Titignan ko sa baba, baka duon ko lang naiwan."sabi ko.
"Samahan na kita."anyaya ni Camille.
"Hindi, ako nalang."tanggi ko saka lumabas na ng kwarto.
Pinuntahan ko ulit 'yong room kanina, bubuksan ko na sana kaso...
"Anong gagawin mo diyan sa loob?"rinig kong sabi ni Charles, kaya napatigil ako.
"Answer me, what are you going to do?"ulit pa niya.
"Ahh...ano kasi, baka 'yong handkerchief ko naiwan ko sa loob."pagsisinungaling ko.
"Wala akong nakitang panyo sa loob."sagot niya.
"Ahh, ganon ba."sabi ko, hindi parin ako humaharap sa kaniya. Umalis nalang ako. Tumakbo na ako paitaas.
Hala, nasaan na kaya 'yong gamot ko?
"Nakita mo na ba 'yong gamot mo?"tanong sa akin ni Camille na nasa labas na ng silid. Umiling ako bilang sagot ko.
"Paano na 'yan? Ano nang iinumin mo?"tanong pa niya sa akin.
"Bibili nalang ulit ako."sagot ko. Unti-unti nang nababawasan ang allowance ko nang dahil sa mga gamot ko at pagpapacheck-up ko. Okay lang 'yon, para naman sa kalusugan ko.
Di nagtagal ay nagising na ang dalawa, nanuod nalang kami ng movies sa kwarto ni Camille, kumain ng kung ano-ano. At nang malapit ng magdilim, napagpasiyahan kong umuwi na. Nagpasundo na ako kay James.
KINABUKASAN...
CAMILLE'S POV
Pumasok na ako, dahil kaya ko na. Tsaka, tama lang naman ng bola 'yon eh.
"Okay class, today may lilipat sa section natin. At siya ay ang anak ng owner ng school na ito. At alam kong kilala niyo na siya."panimula ni prof.
Hala, ngayon ko lang narinig 'yon ah. Anak ng owner ng school na ito? Sino kaya 'yon?
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
CHAPTER 28 ❤ PAINKILLER
Start from the beginning
