CHAPTER 27 ❤ VISITORS

En başından başla
                                        

Naisipan kong bumaba ulit...

May dalawang PUGO na dumating, wala ng iba kundi sina Lawrence at Sky. Pinapunta ba 'yan ni Camille? Tsk, di man lang nagpaalam. Sabi ko bawal eh.

"Good morning sir, si Camille po bibisitahin sana namin."sabi ni Sky kay papa.

"Pwedeng-pwede mga ijo. Libre ang bahay namin para bisitahin niyo si Camille."sagot ni papa kina Sky.

"Thank you sir."pasasalamat ni Sky.

"Walang anuman, regards nalang sa papa mo."sagot ni papa kay Sky.

"Sige po."nakangiting sagot nito.

Merong dala-dalang prutas na isang basket at bulaklak sina Sky at Lawrence. Hindi naman malala ang nangyari kay Camille, may paganyan-ganyan pa. Tsk.

"Anak, samahan mo na sina Sky sa kwarto ni Camille."utos ni papa sa akin. Ako na naman?
Nautusan na naman ako, sana pala di na ako bumaba.

Sinenyasan ko sila na sumunod na, sumunod naman sila kaagad.

SKY'S POV

Napagpasyahan kong hindi nalang muna pumasok at bisitahin nalang si Camille. Ito namang si Lawrence, tumawag sa akin at sabi niya 'wag na daw kami pumasok. Bisitahin nalang namin si Camille. Eh ganon din naman ang gagawin ko kaya um-oo na ako.

Mas pipiliin kong hindi pumasok, kaysa maurat sa presensya ni Milliseth.

Sakto, pagbaba ko anduon na naman ang DAKILA KONG EX, hindi pa ba siya napapagod na kada araw lagi siyang pumupunta dito at nanghihingi ng pangalawang pagkakataon?

Ilang beses ko ng sinasabi sa kaniya na wala na talaga, pero ayaw parin niya tumigil. Minsan nga naaalibadbaran na ako sa kaniya eh. Madalas pala.

Dinaanan ko lang siya at umalis na.

Ngayon nandito na kami sa harap ng kwarto ni Camille.

"Kumatok nalang kayo."sabi ni Charles saka umalis na.

*TOK *TOK

"Sino 'yan?"tanong ni Camille na nasa loob ng silid.

"Mga gwapo mong kaibigan."sagot ko.

"Pasok kayo."sabi ni Camille. Kaya dumiretso na kami sa loob.

"Hays, ba't hibdi kayo pumasok?"pambungad na tanong sa amin ni Camille habang nakapamewang.

"Wala eh, gusto ka namin bisitahin."sagot ko saka inilapag ang dala-dala namin.

"Pasaway talaga kayo. Mamaya ako pa sisihin kung bakit hindi kayo pumapasok. Saka, dapat may makokopyahan ako ng notes."murmur ni Camille.

CAMILLE'S POV

Grabe 'tong mga taong ito. Baka ako pa maging dahilan ng pagbaba ng grades nila.

Hindi naman ganon kagrabe 'yong nangyari sa akin eh, di pa ako made-deadbats no.

"Gusto mo mamasyal tayong apat?"anyaya ni Lawrence.

"Kayo nalang, masakit pa ulo ko."sagot ko.

"Ako din, masama pakiramdam ko."sabi naman ni Nadine.

"Ouch! Ang sakit ng paa ko."pag-iinarte ni Sky. Luko-luko talaga 'tong si Sky.

"Edi ako na alone."nakabusangot na sabi ni Lawrence.

"HAHAHAHAHA!"pinagtawanan lang namin siya.

NADINE'S POV

"Bababa lang muna ako saglit."paalam ko kina Camille.

"Sige."sagot ni Camille.

Gusto kong libutin ulit 'tong bahay nila Charles, nakakamiss din kasi. 'Yong mga maids nila dito, naging ka-close ko narin.

Lumabas na ako ng silid at bumaba. Wala na 'yong mga tao dito, baka pumasok na sa trabaho.

Pumunta na ako sa kusina, at 'yon. Nakita ko si Manang Teresa na nagluluto.

"Nadine"tawag ni Manang Teresa sa akin nang makita niya ako.

"Manang Tere, kumusta na po?"nakangiti kong bati sa kaniya.

"Ito, malakas pa. Ikaw kumusta ka na?"sagot naman ni Manang Teresa.

"Eto po, maganda parin."sabi ko at natawa lang siya.

"Nadine, wala na ba talagang pag-asa na magkabalikan kayo ni Sir Charles."biglang tanong ni Manang Teresa na ikinaiba ng reaksyon ng mukha ko.

"Ay sorry, hindi ko sinasadya."paumanhin ni Manang Teresa

"Okay lang po."pilit na ngiting sagot ko. "Tulungan ko na kayo manang diyan, ano po ba niluluto niyo?"dugtong ko para maiba na ang usapan. Sinilip ko ang kaniyang ginagawa.

"'Yong paborito ni Sir Charles."sagot ni Manang Teresa.

Tutulong pa ba ako? Wala namang masama duon diba?

"Sige po, tulungan ko na kayo. Ano po bang gagawin?"sabi ko at nagsimula nang tumulong sa pagluto.

"Manang, nasaan ho 'yong-"nabitin ang sasabihin ni Charles nang makita niya ako rito.

"Ano ho 'yon sir?"tanong ni manang. Napako ang tingin ni Charles sa akin.

"W-wala ho."sagot nito at agad na bumalik sa itaas. Ang awkward parin ng feeling, kahit na medyo matagal na kaming hiwalay.

"Manang, babalik na ho ako sa itaas. Pasensya na ho."paumanhin ko at iniwan na ang aking ginagawa. Pumunta ako sa may garden at duon muna nagmuni-muni.

MILLISETH'S POV

I'm back again.

Kanina, nuong pumunta ako sa bahay nila Sky, Benaliwala lang niya ako, as always naman eh. Pero, I will not give-up. Even though na nasasaktan na ako. Tao parin naman ako, kahit ganito ang ugali ko. Nasasaktan parin ako. I'M A HUMAN. Remember that.

I dialled someone's number. "Meet me at ^^^^"sabi ko rito saka ibinaba na ang telepono at pumunta sa lugar kung saan kami magtatagpo.

"Give this to someone..."abot ko sa aking kausap. Sinabi ang buong detalye, saka kami naghiwalay ng landas.

CAMILLE'S POV

"HAHAHAHA!"sumasakit na ang tiyan ko kakatawa. Paano ba naman kasi, itong si Lawrence kung ano-ano ang ginagawa.

*TOK *TOK

"Ma'am Camille, may naghahanap po sa inyo sa labas."rinig kong sabi ni Yaya Doris mula sa labas.

Bumaba ako mula sa kama ko at binuksan ang pinto, saka bumaba na. Sumunod naman sa akin ang dalawa.

"Sino daw ho?"tanong ko habang naglalakad palabas kasabay si Yaya Doris.

"Ayaw ho ipasabi eh."sagot nito saka binuksan ang gate. Pagbukas ng gate, guard ang nakita namin.

"Nasaan ho 'yong sinasabi niyong naghahanap sa akin?"tanong ko at inilibot ang buong paningin sa kapaligiran.

"May kailangan pa raw ho siyang puntahan, kaya iabot ko nalang daw ho sa inyo."paliwanag ni manong guard saka iniabot sa akin ang bulaklak na nasa basket. Maganda ang pagkakaayos ng mga bulaklak.

"Salamat ho."sabi ko saka pumasok na ulit sa loob. Bumalik na kami sa kwarto ko. Nakaagaw pansin sa akin ang isang katamtaman na card, kaya kinuha ko ito at binasa.

"HI CAMILLE! KUMUSTA KA NA? MASAKIT PA BA? DESERVE MO 'YAN, PABIDA KA KASI EH."

"Langya, 'yan ata 'yong bumato sayo eh."malakas na sabi ni Lawrence. Kinumusta pa ako ano? Ang galing din. Salamat sayo at nagkaganito ako. Tsk. May pabulaklak pang nalalaman, maitim naman pala ang budhi.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin