CHAPTER 26 ❤ GUARDIANS

Magsimula sa umpisa
                                        

"Sinabi ko bang pwede kang magpapunta ng bisita sa bahay namin?"sabi ko kay Camille habang nagda-drive at nakatutok ang tingin sa daan.

"Bakit, hindi ba pwede?"sabi ni Camille habang nakahawak parin sa ulo nya.

"Oo, bahay namin 'yon. Kaya kailangan mong magpaalam muna sa akin, bago ka magpapunta. Tsk."sagot ko sa kaniya.

"Psh."narinig kong sabi ni Camille.

"Is there any problem with that?"sabi ko.

"Wala."sagot nalang ni Camille.

Ayokong papuntahin 'yong dalawang ugok na 'yon sa bahay, lalo na 'yong Lawrence na 'yon.
Basta, ayoko silang papuntahin.

Ilang sandali pa ang nilakbay namin, at nakarating narin kami sa bahay.
Pagkababa ni Camille sa sasakyan ko, hindi ko inaasahan ang nangyari. Bigla siyang nawalan ng malay.

Kaya eto, no choice ako. Binuhat ko nalang kahit na labag sa kalooban ko. Buti nalang kamo at magaan lang, hindi ako nahirapan.

"Kuya! What happened to Ate Camille?"alalang tanong ni Sophie.

"Later I'll tell you, tulungan mo muna ako. Buksan mo 'yong door ng room niya para maipasok ko na siya sa loob."sagot ko kay Sophie.

Nagmadali namang umakyat si Sophie at dinala ko na paitaas si Camille at ipinasok sa kwarto niya at inihiga.

"Tell me na."sabi ni Sophie pagkalabas namin ng kwarto ni Camille. Edi ayun, ikwinento ko sa kaniya.

"Nakakapag-init ng dugo! Pag nalaman ko kung sino 'yon, papaluin ko talaga siya ng baseball bat."nanggagalaiting sabi ni Sophie.

"Tigil-tigilan mo nga 'yang pagkademonyita mo, ikaw lang mapapahamak niyan."suway ko sa kaniya.

"Charles, nasaan si Camille?"humahangos na tanong ni Tito Berto na kapapasok lang ng bahay. Dumungaw naman kami ni Sophie sa ibaba. "Nasa kwarto na po niya nagpapahinga."sagot ko. Ipinaalam ko kasi sa kaniya ang nangyari kay Camille, kaya nagmadali na siyang umuwi. Gayon din sila papa, nandito narin. Umakyat na rito sa taas si Tito Berto at tinignan si Camille.

Pumasok na muna ako sa kwarto ko upang makapagpalit at magpahinga sandali. Ilang sandali pa at naisipan kong lumabas na, dahil nagugutom ako.

Nang mapadaan ako sa may tapat ng pintuan ni Camille, para bang may nagtutulak sa akin na silipin siya. Tignan kung ayos lang ba siya.

Ewan ko ba, bakit ngayon may concern na ako kay Camille. Hindi ko alam. May nararamdaman akong hindi ko alam.

Dahan-dahan ko nang binuksan ang pintuan.

Parang nilalamig siya, kaya pumasok ako at hininaan 'yong aircon. Naisipan ko ring salatin ang noo niya.

Ang init masyado, nilalagnat si Camille. Bumaba ako at humingi ng towel at maliit na basin kay manang at nilagyan ito ng tubig.

"Para kanino 'yan ijo?"tanong ni manang. "May pupunasan lang ho ako sa kwarto ko."pagsisinungaling ko. "Ahh."sagot nalang niya.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon