CHAPTER 25 ♥ NEW STUDENT

Start from the beginning
                                        

"Hindi mo alam kung anong problema? Wow. Napakaignorante mo naman Ms.Dixon."nagpipigil ng galit na sabi ko sa kaniya. Ayaw ko rin naman na mapagbuhatan ko siya ng kamay. Umalis nalang ako.

Pupuntahan ko nalang si Camille.

Nang naglalakad ako sa hallway papunta sa kabilang section kung nasaan si Camille, nakita ko na kasama niya si Nadine, James, at isang lalaki? Pamilyar sa akin ang mukha niya.

Huminto ako sa paglalakad at napaisip saglit. Parang siya 'yong lalaki sa picture na ipinakita sa akin ni Milliseth.

Dumiretso sila Camille sa may canteen, ako naman sumunod nalang ako sa kanila.

CHARLES' POV

Mukhang ang saya-saya ni Camille ngayon ah? Dahil ba duon sa Lawrence na 'yon? At mukhang iyon ata ang kasama niya kahapon nuong umalis siya.

Napagpasiyahan kong sa canteen nalang kumain, at sakto nakita ko duon sina Camille kasama sina Nadine, James at 'yong Lawrence.

Napagpasiyahan kong makisalo sa kanila.
Well, sabi ko nga. Hindi na ako papaapekto, dahil nga unti-unti na akong umuusad.

"Can I join?"tanong ko sa kanila pagkalapag ng tray na taban ko. Napatigil sila sa pagkain at tumingin sa akin.

"What's the matter?"tanong ko sa kanila saka naupo.

"Dito ka talaga?"pagkukumpirma ni Camille.

"Oo naman."sagot ko. At sakto, ang upuan nalang na bakante ay nasa tabi ni Nadine sa may left side niya.

"Pwede ba akong maupo diyan?"tanong ko kay Nadine.

"S-sige."nauutal na sagot ni Nadine, pagkatapos naupo na ako.

Pagkaupo ko, kumain na ako. At napansin kong, nakatingin parin sila sa akin hanggang ngayon.

"O, bakit kayo nakatingin?"tanong ko sa kanila. Hindi na sila sumagot at kumain nalang rin.

CAMILLES' POV

Anong nakain ni Charles at naisipan na makisalo sa amin? Lalo na at kasama ko si Nadine, hindi tuloy makagalaw ng ayos.

Napansin ko si Sky, naglalakad papunta rito sa amin.

"Pwede bang makisalo sa inyo?"tanong nito. Kakaiba ang ekspresyon niya ngayon.

"Sige."agad kong sagot. Tapos, nausog nalang ako para may malagyan siya ng upuan. Agad na siyang naupo.

May babaeng paparating, parang namumukaan ko siya. Parang siya 'yong babae sa mall.

"Can I join?"nakangiting tanong nito sa amin.

"There's no space for you."makahulugang sabi ni Sky.

Bumusangot nalang 'yong babae at naglakad paalis. Ano naman kaya ang problema nila?

SKY'S POV

Sinadya ko talagang makihalubilo kina Camille para hindi na ako madikitan nung babaeng 'yon. Habang kami ay kumakain, biglang tumunog ang mga speakers. At naagaw nito ang atensyon namin.

"Good morning vveryone, I have an announcement so please listen carefully. I'll say it twice."panimula ni Ms.Anderson na nagsasalita ngayon sa may mic at lumalabas sa bawat speaker na nakadikit sa bawat corner ng school ang kaniyang tinig.

"All students who are interested to join the varsity, basketball and volleyball. Please go to the office of Coach Henry and sign-up. Thank you."dalawang beses inulit ni Ms.Anderson ang sinabi niya.

Pagkatapos non, ay nagring na ang bell. At ipinapahiwatig nito na oras na para bumalik sa aming mga silid-aralan.

CAMILLE'S POV

Parang gusto ko sumali sa varsity dito. Kasi, sa dati naming school kasali ako. Kaso nga lang, lagi naman akong pinagtitripan. Lagi akong binabato ng bola, tapos aasarin ako ng IMPAKTITA! IMPAKTITA! Hays, na-realize ko, na ganon pala ko kapangit dati. Grabe lang talaga.

Dumating na ang professor namin para sa subject ngayong hapon.

ARAL

ARAL

ARAL

KRIIIING!

Yes! Uwian na! Magpaparegister na ako, para makasali ako sa varsity.

"Nadine, pwede mo ba akong samahan?"tanong ko.

"Sure."sagot ni Nadine.

Kinuha ko na ang bag ko at akma na kaming lalabas pero.

"Girls, pwede ba ako sumabay sa inyo? Di ko pa kasi kabisado 'tong school."tanong ni Lawrence. Pumayag naman kami, kaya ngayon ay magkakasama na kami. Susunod nalang daw si James.

TOK^ TOK^ katok namin sa pintuan ng office ni Coach Henry.

"Come in."sabi ni Coach Henry.

"Hello sir, magsa sign-up lang po kami. Para po makasali kami sa varsity."sabi ko.

May kinuha si Coach sa drawer ng table niya na papel at ibinigay ito sa amin. At duon kami nagsign-up.

"Okay, Camille. Pumunta ka sa 4th floor, tapos pumasok ka sa may pangalawang door. Dahil doon ang volleyball court, para makilala mo na rin 'yong mga teammates mo. Ikaw naman Lawrence, sa may pangatlong door. Dahil doon ang basketball court."paliwanag ni Coach Henry.

"Okay po sir."sagot namin.

Pumunta na kami sa 4th floor at pumunta sa kaniya-kaniyang court namin.

CHARLES' POV

Dumiretso na kaagad ako sa fourth floor sa may basketball court at nagsimula nang magwarm-up. Hindi pa nagtatagal ay may pumasok dito na lalaki, kung hindi ako nagkakamali ay si Lawrence.

"Captain, may sasali oh."pagbibigay alam sa akin ni Chen.

Lumapit sa amin dito si Lawrence.

"Sino ang captain dito? Ano ang gagawin ko?"tanong sa amin nito.

"Ako. Pumunta ka sa shower room, may mga lockers duon. Humanap ka ng vacant na locker, duon mo ilagay ang gamit mo. Mayroon ding mga jersey na bago duon, kumuha ka ng isa."paliwanag ko sa kaniya. Sumunod naman kaagad siya.

Mukhang mabait naman, pero hindi parin ako matitinag.

MILLISETH'S POV

Aba't sasali din pala 'tong Camille na 'to. Kanina pa siya pinupuri ng mga ka teammates namin dito, dahil magaling siyang magvolleyball.

Masyadong mainit ang dugo ko sa kaniya, kanina kasama na naman niya si Sky. Saka, ano naman kung magaling siya? Akala ba niya magpapatalo ako sa kaniya?

Kumuha ako ng isang bola at bumuwelo at ibinato ito kay Camille pagkatapos ay nagtago ako. Nararapat lang 'yan para sa kaniya. Masyado siyang madikit kay SKY KO.

NADINE'S POV

"CAMILLE!"sigaw ko saka dali-daling nilapitan si Camille dahil binato siya ng bola at nawalan ng malay. Masyadong malakas ang pagkakabato ng bola sa kaniya.

Hindi ko nakita kung sino 'yong bumato eh. Pati yung mga ka teammates namin nilapitan siya.

Dali-dali akong pumunta sa kabilang pintuan kung nasaan ang basketball court.

"Lawrence! Si Camille nawalan ng malay!"sigaw ko. Natataranta na talaga ako eh. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Si Charles nakita ko 'yong reaksyon ng mukha niya at siya pa ang naunang tumakbo para puntahan si Camille sumunod naman sina Sky at Lawrence.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now