Miss you Papa! 😔😞

-----

Dear Pa,

Tulungan mo naman po ako. Bukas na ang deadline nitong sinusulat ko pero hanggang ngayon isang salita pa lang ang nabubuo ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maibigay ang buong pokus ko rito.

Kapag ganito po ako dati, si luga ang takbuhan ko. Pero po kasi nahihiya akong sabihan siya, alam ko naman pong busy din ang isang yun. 

Di bale na nga lang po. Pasensya na rin Pa sa abala.

-----

Dear Pa, 

Gusto ko na pong umuwi. Tatlong taon na ang lumipas pero hindi ko po kasi alam kung makakayanan ko pa ang dalawang taon.

Marami naman po akong kaibigan dito, lagi naman po silang nandyan para sa akin kahit kung minsan nakakaasar nang kasama si Ian. 

Sobrang namimiss ko na po talaga si Mama.

-----

Dear Pa, 

Kung bakit siya tumawag ay hindi ko po alam. Alam niyo naman po kung sino ang tinutukoy ko.

Naku Papa, 'yang ginawa mong pag-promise kay luga, sobrang hindi maganda. Buti na nga lang po at nakalayo na ako, kahit papaano ay medyo naiiwasan ko na siya. Kung minsan, iniiwasan ko rin ang mga tawag niya o kaya naman ay kunwaring hindi ko natatanggap ang mga texts niya para lang wala na akong komunikasyon sa lugang iyon.

Pero hindi ko naman po ipagkaka-ila na nakakagaan ng loob ang mga sinabi niya sa akin kanina. 

-----

Dear Pa,

Ako lang po mag-isa umuwi. Iniwan ko na po sila Ian doon. Speaking of him, hinding-hindi ko po alam kung anong ipinaglalaban niya.

Porket ba hindi ako nakikisalo sa mga pagsasaya nila o kaya naman ay makipag-date sa iba ay hindi pa ako nakaka-move on? And what could be the reason to move on, anyway?

Itutulog ko na lang po ito baka sakaling makatulong sa pagkawala ng inis ko. Goodnight po...

-----

Dear Pa, 

Nandito po ako kay Ian ngayon. Kahit inis man ako sa kanya pero kailangan niya ako. Isa pa, siya ang laging nandiyan sa tabi ko nitong mga nakaraang araw kahit na ba napipilitan na lang iyon dahil kailangan naming magkunwari. O para lang hindi ako magmukhang kawawa dahil lahat sila masaya sa buhay pag-ibig nila at ako hindi.

Alam ko naman po kasi kung anong depression ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Buti nga po at nakatulog na siya, kanina pa po yan paikot-ikot sa kwarto niya.

Pinauwi ko na rin po muna si Sean. Alam ko pong kailangan nila itong pag-usapan pero sa sitwasyon ni Ian ngayon, paniguradong wala ring mangyayari.

-----

Dear Pa,

Graduation ko na po bukas. Sa wakas ay makakauwi na rin ako sa atin. Sayang nga lang po at hindi makakadalo si Mama sa espesyal na araw kong iyon.

Kinausap nga po pala ako ni Mrs. Scott, na-endorse niya na raw po ako sa may-ari nitong university para makapagturo ako rito pagka-graduate ko mismo. Hindi ko po alam kung tatanggapin ko iyon Pa lalo na't gusto ko ring bumawi kami ng oras ni Mama. Pero sayang din po kasi iyon...

-----

Dear Pa,

Iinom na naman sila. Maiiwan na naman ako sa isang tabi at magagalit na naman sa akin si Ian. Hindi ko rin po talaga alam Pa kung bakit ako ganito. Sa loob ng ilang taon kong minalagi rito, sabayan pa kung gaano ka-liberated ang mga naging kasama ko sa mga taong iyon, nanatili pa rin akong ganito.

BEST-Friend-Zoned (Book 2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें