Chapter 03- Riddle

763 20 17
                                    






Chapter 03- Riddle





~Ayaka's PoV




Mabilis akong tumatakbo palayo sa lugar kung saan nangyari ang lahat. Hingal na hingal na ako pero hindi ako pwedeng tumigil dahil siguradong maabutan nila ako. Kahit masakit na ang mga binti ko ay tinitiis ko para lang maka layo sa lugar na ito.

Nakaka inis, sana pala di nalang ako sumama.



" Ayaka! Wakeee uuup! Heey! "-Agad akong napadilat dahil sa boses ni Wendy at sa pag alog nya sa'kin. Napaginipan ko na naman pala yung nangyari nuon. Tapos na sya pero bakit di ako mapalagay?



" Puyat ka na naman ba? "-Tanong sakin ni Wendy. Nilibot ko ang paningin ko at nasa classroom pala kami.



" Oo eh. Uhm wala parin tayong teacher? Hindi dumating? "-Tanong ko dahil napansin kong may kanya kanyang sariling mundo ang mga kaklase ko.



" Yes, hindi sya dumating at 10 minutes nalang ay break time na. "-Sabi ni Wendy. Napa tango nalang ako. Gutom narin kasi ako eh.



" Nakaka inis si Levi no? Ang landi nya. Grabe parang linta."-Napalingon ako kay Wendy nung narinig ko syang bumulong. Naka tingin sya sa harapan kaya tumingin rin ako at nakita ko si Levi na may kausap na kaklase namin na babae.



" Para namang hindi ka na nasanay? "-Biro ko at umirap nalang sya. Ano kayang ginawa nito nung tulog ako?



" The reason why kita ginising para may karamay akong laiitin si Levi. You know what, ilang minutes akong nag tiis na tignan yang panget na'yan na may kalandian? It's so very very nakaka inis. "-Nahalata ko na inis na inis sya. Ang talim rin nga ng dalawang mata nya.



" Ikaw naman kasi eh. Ayaw mo pang sagutin si Levi. "-Sabi ko naman sa kanya. Bigla syang tumayo at pumamewang sakin. Okay?



" Bakit ko naman sya sasagutin?! Di nga sya nanliligaw eh! Kung manliligaw man sya eh busted din sya dahil napaka landi nya! "-Napapikit nalang ako dahil sa lakas ng boses nya. Napatingin tuloy sa gawi namin yung mga kaklase namin. Pati rin si Levi na busy sa ibang babae. Naka kunot ang noo nya at mukang nag tataka sa ginawa ni Wendy. Lumapit naman ito samin at nag tanong.



" Oh anyare sayo Wendy my loves? "-Tanong ni Levi. Hindi ko matukoy kung ano ba talaga ang tawag ni Levi kay Wendy. Matagal na kaming mag kakaibigan. Kaming lima nila Darchelle, Dark at itong dalawa na ito. Since nung Grade 9 kami at matagal narin na ganyan si Levi kay Wendy. Ewan ko ba sa kanilang dalawa.

BOOK 1: Guess Who? [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now