EPILOGUE

332 3 3
                                    



Sorry sa typos. Tinamad mag reread eh.





Epilogue



~Levi's PoV



" Tapusin na natin 'to. "-Walang emosyon kong sambit kay Noah na naka ngisi parin hanggang ngayon.



" Ang bait mo namang kaibigan. Talagang inirequest mo saakin na palayain sila at tayo ang mag harap ha? So sweet. Plus points yun kay Wendy. "-Sabi nito saakin.



" Ako naman talaga ang pakay mo diba? Ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat. Edi ako ang haharap sa'yo. "-Sagot ko sakanya. Napangiti ito saka sya tumango-tango. Nilibot ko ang paligid at nag babakasakali na makita ko kung saan nakalagay ang bomba na sinasabi nya pero hindi ko makita.



" Boss! Boss! Bakit tumatakas na yung mga---oww. "-Sabay kaming napalingon ni Noah sa isang lalaking pababa ng hagdan. Mukhang isa ito sa mga katulong o kasabwat ni Noah.



" Anyare boss? Bakit hinayaan mong tumakas yung mga kaibigan nyan? "-Tanong pa nito at saka sya lumapit kay Noah.

" Hayaan mo na sila. Tutal nasa harapan ko naman na yung taong may kasalanan kung bakit nagkanda leche leche ang buhay ko. "-Sabi nito habang nakatingin saakin.

" Ahh sabagay? Pero teka, yung bomba na ikinabit natin sa itaas ay nag bi-blink yung ilaw. Pinindot mo ba boss? "-Takhang tanong nito at nakatanggap sya ng batok mula kay Noah. So nasa itaas pala?

" Daldal mo gago! "-Inis na sabi nito at pinakita nya sa lalake yung hawak nyang remote na kulay itim.

" Pasensya na boss. May tama pa yata ako. "-Nakangiwing sabi nito kay Noah at napatingin sya saakin. Ngumiti ang gago at kumaway pa.

" Teka, nasaan si Bong? "-Tanong muli nung lalake at saka nya nilibot ang paligid at nung nakita nya yung lalaking walang malay sa sahig ay agad nya itong nilapitan. Yun siguro yung Bong na hinahanap nya.

" Noah, paalala lang. Tayong dalawa lang ang mag tutuos."-Paalala ko kay Noah. Hindi patas kung isasama nya yung dalawang puppet nya. Tatlo laban sa isa? Unfair yun.

" Pinag bigyan na kita sa ni-request mo kanina, ang swerte mo naman kung pag bibigyan ulit kita? "-Sabi nya saka sya nag lakad-lakad habang tinitignan yung remote na hawak nya.

" 7 minutes and 50 seconds. "-Sabi nito. Napasabunot ako sa buhok ko. Nakakakaba ang putek. Huminga ako ng malalim at tinignan muli si Noah nang nag salita sya.

" Mag lalaro tayo. "-Sabi nya at saka sya lumingon sa dalawang kasama nya. May malay na yung Bong at tinutulungan itong tumayo nung lalake kanina.

" Anong laro? "-Tanong ko.



" Dadaan kana muna sa dalawa bago saakin. "-Sabi nito. Hindi talaga sila marunong lumaban ng patas.

Kapag natalo ko yung dalawa, dapat may lakas pa ako para talunin si Noah. Kaylangan ko lang mag madali para hindi umabot sa punto na sasabog ang sirang bahay na'to kasama kami. Kapag oras na napabagsak ko silang tatlo, pag kakataon ko na para umalis at makaligtas. Wala akong alam kung paano patigilin ang natitirang oras sa remote na hawak ni Noah, kaya isang option lang natitira at iyon ay ang tumakbo oras na sila ay natalo ko.



BOOK 1: Guess Who? [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now