Chapter 21- Puzzlement

265 4 0
                                    





Chapter 21- Puzzlement





~Someone's PoV






Mabilis akong nag lalakad sa maputik na daan at hindi ko alam kung makakapunta ba ako sa dapat na puntahan ko. Hawak ko ang isang sandals na nakita ko sa kalsada na pag mamay ari ni Ate. Maliwanag ang buwan kaya kahit madilim, nakikita ko parin ang mga nasa paligid ko.

Nasaan kaya sya? Nasaan sila? Bakit ba kasi dito sila nag punta?



" AAAAHHHH!! "



Napahinto ako sa pag lalakad nang nakarinig ako ng sigaw ng isang babae. Sa tono ng boses nya, halatang takot na takot sya.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Bwisit! Sinabi ko na nga ba't may hindi maganda ang mangyayari ngayon.

Gamit ang cellphone na nasa bulsa ko, ginamit ko ito para mag bigay ng konting liwanag sa dinadaanan ko. Tanging brightness lang ng cellphone ko ang ginamit ko at hindi yung flashlight dahil 5% nalang ang battery nito.


Nag simula na ulit akong humakbang para mag lakad at hanapin sila. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko oras na may hindi magandang mangyari sakanya.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at mag na-9 na pala. Exactly 8 o'clock umalis kanina si Ate sa bahay kasama ang mga kaibigan nya. Isang birthday party ang pinuntahan nila at gabi talaga gaganapin ang party na'yon kaya nag dalawang isip talaga ako na payagan syang sumama. Hindi alam ni Mama na may lakad si Ate dahil alam namin na hindi ito papayag kaya sakin sya nag paalam. Balak pa nga nya akong isama pero hindi ako pumayag dahil ayokong masama mapagalitan ni Mama oras na malaman nya ito.


Pero dahil sa nalaman ko, sumunod ako sa kanila. Ang birthday party na pinuntahan nila ay hindi totoo. Bakit? Dahil naalala ko na ang buong klase nila ang imbitado sa party na'yon pero hindi pala, dahil sila lang ang tanging nakatanggap ng invitations about sa party. Salamat sa tatlong classmates ni ate na napag tangungan ko at sinabi saakin na wala silang natanggap na kahit anong invitations about sa birthday party na magaganap ngayon. Tanging sila Ate at ang mga kaibigan nga lang nya talaga ang nakatanggap ng invitations. Kaya nag taka na ako at di na ako nag dalawang isip na sundan sila dito.



Buti nalang nasabi ni ate saakin yung lugar kung saan dapat may party. Inisip ko na malaki at malawak ang dadatnan kong bahay pero nung puntahan ko yung lugar na naka sulat sa invitation ay isa itong malaking bukid at ito ang kinatatayuan ko ngayon. Madamo, maputik at maraming mga puno ng mangga.

Duon na ako kinabahan at dumoble pa ang kaba ko nung nakita ko ang isang sandals na pag mamay ari ni Ate.


BOOK 1: Guess Who? [ COMPLETED ]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن