Chapter 02- The Troublemaker

1K 26 9
                                    














Chapter 02- The Troublemaker












~Darchelle's PoV














" Good morning, Darchelle, " bungad saakin ng classmate kong si Angel--ang aming President dito sa classroom. Nginitian ko naman sya bago batiin.




" Good Morning Angel, " bati ko rin sakanya bago ako dumeretso sa upuan ko. Nakita ko si Dark sa upuan nya habang hawak na naman nya ang manga nya. Hindi talaga lilipas ang araw na hindi ko sya nakikitang hindi nag babasa. Teka ang gulo ata ng sinabi ko.


" Dark, busy natin ha? " bati ko sa kanya nang naibaba ko na ang bag ko sa upuan ko. Sa likuran ko lang kasi sya naka upo.




" Obvious ba? " aniya pero sa hawak nyang manga lang sya nakatingin. Pag ka talaga hawak nya ang manga nya ay mawawalan ka ng gana syang kausapin dahil mahahalata mo na wala syang oras makipag usap sayo. Gaya nalang ngayon.


" Ano ba kasi yang binabasa mo? " pero  gaya ng inaasahan ko, tinuro lang nya yung harap ng libro kung saan naka lagay ang title nung binabasa nya. Okay fine sabi ko nga Detective Conan ang binabasa nya.


" Di ka ba nag sasawa dyan? Tsaka pwede mo naman syang panuorin sa mga website ah? "


" Mas maiintindihan ko kasi kapag binabasa ko, " nag kibit balikat na lang ako dahil wala akong maisip na sasabihin kaya nanahimik nalang ako at naupo.

Ang dami nya talagang collection ng manga lalo na Detective Conan at yung Hunter X Hunter. Galing Japan pa yung iba. Basta kapag anime ang pinag uusapan, asahan mong hindi mawawala si Dark dyan.

Tinignan ko ang wristwatch ko at mag aala sais palang pala. Masyado ba akong maagang pumasok?




" Oy Dark sama ka sa canteen? Bili tayo? "  tanong ko sa kanya. May ilang minuto pa bago mag bell at wala naman akong ibang gagawin, ayoko namang umupo mag damag habang inaantay tumunog ang bell.


" Ikaw na lang. Busy ako, " sabi nya habang di man lang ako tinignan. Sabi ko nga ako nalang.

Nag lakad na ako paalis sa loob ng classroom at tumungo sa canteen para bumili ng makakain. Nag almusal naman ako pero trip ko ngayong kumain eh. Tsaka gusto ko ng lugaw ngayon bat ba?

Nang nakarating ako sa canteen ay walang masyadong studyanteng nanduon. Bumili naman agad ako ng lugaw at sakto naman na kaluluto lang.


" Salamat po, " saka ko kinuha yung lugaw na sobrang init. Hindi na ako nag hanap ng mauupuan dahil bakante lahat ng lamesa at upuan sa canteen. Kung saan lang ako pinakamalapit ay duon na ako naupo. Nang naka upo na ako ay sinimulan ko ng kainin ang lugaw na binili ko. Kulay orange ang kulay ng lugaw at ito ang gusto ko. Kumain lang ako ng kumain hanngang sa napansin kong wala akong dalang tubig.

Tumayo ako at nag lakad paalis sa pwesto ko para bumili ng mineral water. Nang naka bili na ako ay agad naman akong bumalik sa pwesto ko kung saan nanduon ang lugaw na iniwanan ko. Pero laking gulat ko nalang ng nakita ko si San-Goku este si Akihiro sa pwesto ko at nakaupo habang kinakain ang lugaw ko. What the hell?!


" Oy Akihiro akin yan ha! " inis na sabi ko nung nakarating ako sakanya. Tumigil sya sa pag subo ng lugaw at tumingin sakin.


" Thanks, " aniya saka kinuha ang tubig na dala ko at binuksan saka ininom.

Dumako ang mata ko sa lugaw at napansin kong nangangalahati na yung laman. Teka, yung kutsara na ginamit nya...




" Don't tell me na naniniwala ka sa indirect kiss? " gulat akong napatingin sa kanya. Mind reader ba sya?

BOOK 1: Guess Who? [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now