Chapter 05- Friendshit

632 13 4
                                    



Chapter 05- Friendshit



~Someone's PoV



Nilibot ng mata ko ang paligid to make sure na walang tao or kung may makakakita saakin o wala. Mukang wala pa namang studyante na dumadating.

Tinignan ko ang wristwatch ko at five o'clock palang ng umaga. Sa pagkaka alam ko, maaga rin pumapasok si Mrs. Santos--ang namamahala sa guidance office. Bago ako pumasok ay kumatok ako ng tatlong beses saka ko hinawakan ang doorknob at inikot ito para mabuksan ang pinto. Sumilip ako ng bahagya at napangiti ako nang nakita ko sya.



" Good Morning Mrs. Santos. Pwede po ba akong pumasok? "-Magalang na bati at pagtanong ko sa kanya.


" Okay sige iha pasok ka. Ang aga mo naman yata? "-Takhang tanong nito. Pumasok na ako sa loob saka nag lakad palapit sa kanya.



" Ahm kasi may sasabihin po sana ako sainyo. "-Sagot ko sa kanya saka naupo sa isang upuan sa harap ng lamesa nya. Mukhang busy sya dahil ang daming papel na nag kalat sa desk nya. May kape rin na nakalagay sa isang tabi at mukang bagong timpla lang ito. Mapapadali yata ako nito.



" Ganun ba? Sige ano ba'yon? "-Tanong nito saka sya tumayo at tumalikod sakin. Tinignan ko kung ano yung ginagawa nya at may hinahalungkat pala sya lamesa kung saan marami ring folder na nag kalat. Magandang pag kakataon ito para gawin ang plano ko.



" Pa-pano nyo po masasabi na totoo ang mga kaibigan mo sa'yo? "-Agad kong kinuha ang maliit na bote sa bulsa ng palda ko at dali-dali ko itong binuksan. Nang nabuksan ko na ay sinigurado ko na munang hindi pa nakaharap dito si Mrs. Santos bago ko lagyan ang kape nya.



" Bakit mo naman naitanong iha? "-Tanong nito. Nang nalagyan ko na yung kape nya ay sinarado ko na yung bote saka ko binalik sa bulsa ko. Successful!



" Wala naman po. Kasi naman po diba? Iba na sa panahon ngayon. Mahirap ng magtiwala sa mga taong nakapaligid sayo. "-Sagot ko. Humarap na sya at naupo na sa upuan nya. May hawak syang folder nang naupo sya kaya malamang nakita nya na yung hinahanap nya.


" Tama ka dyan iha at yung tanong mo na yan ay ikaw lang rin ang makakasagot nyan. "-Sagot nya. Ako lang rin?


" Pero teka may problema ka ba sa mga kaibigan mo at naitanong mo yan? "-Takhang tanong nya. Kinuha nya ang tasa na may lamang kape saka sya dahan dahan humigop dito. Nice one Mrs Santos.


" Hmm wala naman po akong problema sa kanila, pero sila ang mag kaka problema dahil sakin. Sa katunayan hihingi nga po ako ng advice sa inyo kung paano mag tago ng masamang ugali. Natatakot po kasi ako na baka malaman nila agad na ako ang nag ta traydor sa kanila. "-Saka ako ngumiti sa kanya na kinakunot naman ng noo nya. Nakita ko na binuka nya ang bibig nya para mag salita pero hindi nya naituloy dahil bigla syang napa hawak sa dib-dib nya at napasandal sa inuupuan nya. Maya-maya lang ay tumirik na ang dalawang mata nya at may nag lalabasan narin sa bibig nya na parang mga bula.

BOOK 1: Guess Who? [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now