Chapter 23- Decoy

251 8 0
                                    






Chapter 23- Decoy




~Levi's PoV




" Naniniwala ba kayo? "-Napatingin ako kay Darchelle nang nag salita sya matapos mag walkout ni Wendy. Mukhang na badtrip saamin dahil ayaw naming paniwalaan yung kinwento nya at idagdag pa na natapon sakanya yung tray na nag lalaman ng inorder nya. Susundan ko sana sya kaso alam kong sa CR ang punta nun dahil siguradong mag papalit sya ng uniform.



" Depende. Kapag nakakita na ako ng multo, maniniwala na ako. "-Simpleng sagot ni Ayaka.


" Tss. Kahit umaga ka nakakita? "-Singit ni Akihiro.


" Hindi naman kasi porque umaga ay hindi na lumilitaw yung mga multo. Malay mo madilim lang yung lugar kung saan sya nakapwesto kaya 'di sya nalusaw. "-Sagot ni Ayaka.


" So ice cream na pala ang multo ngayon? "-Natatawang pangbabara ni Akihiro sa naging sagot ni Ayaka.


" Bakit? May sinabi ba akong ice cream na ang mga multo ngayon? "-Tanong pa ni Ayaka. Sasagot pa sana si Akihiro nag sumingit si Dark. Okay na nga pala kami nitong lalake na'to. Hindi sya nag sorry saakin at hindi ko rin naman hinihingi ang sorry nya dahil wala syang kasalanan saakin. Isang simpleng hindi pag kakaintindihan lang ang nangyari nung nakaraan at kinalimutan nalang namin yun. Hindi na namin kaylangang mag dramahan pa para lang mag kaayos kami.


" Tama na Aki, kumain nalang kayo. "-Sabi ni Dark at tumahik naman si Aki pero saglit lang dahil nag ingay na naman ang loko. Ako? Ito hinihintay si Wendy na bumalik dito sa canteen.


Sa tingin ko, ayos naman na kami ni Wendy. Pinapansin naman nya ako kaso di na katulad nung dati. Minsan naman nahuhuli ko syang nakatingin saakin pero umiiwas. Hindi ako sanay, nakaka miss parin pala yung katarayan nya. Yung pagiging masungit nya saakin dahil lapit ako ng lapit sakanya. Yung mukha nyang di maipinta dahil naiirita saakin. Yung pag i-english nya na minsan ay mali-mali ay nakaka miss rin pala talaga. Kasi ngayon iba na. Hindi ako sanay sa Wendy ngayon.


Puta, bakit nga ba kami nag kaganito? Sino ba nag simula? Sa pag kaka alam ko ay sya. Nagalit sya saakin nang walang dahilan,walang malinaw na explanation at higit sa lahat ay wala akong ideya kung ano kinagalit nya. Tsaka ano bang girlfriend ang pinag sasasabi nya? Eh wala na! I mean, tumigil na ako sa pag lalaro ng feelings ng babae dahil mag titino naako kasi may babae na akong gusto.

Pero kung kaylan ako mag titino, saka naman sya lumalayo. Ang galing no? Nang gagago lang yung tadhana.



" Minsan magseryoso ka nga sa buhay mo. Try mo, hindi naman masama. "-Rinig kong sabi ni Dark.


" Mag seseryoso na nga. Eh kung kaylan naman ako titino saka naman nagiging malamig ang trato sakin ni Wendy. Seryoso naman ako sakanya, ayaw naman kasing maniwala."-Sagot ko na kinatigil nilang apat. Nag tinginan muna sila bago tumawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

BOOK 1: Guess Who? [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now