Chapter 06- Okay?

470 12 7
                                    








Chapter 06- Okay?



~Ayaka's PoV



Isang matunog na sampal ang natanggap ko sa aking ina pag pasok ko palang sa loob ng bahay namin.



" Saan ka galing ha?! Wala naman pala kayong klase pero bakit ngayon ka lang?! Kung di pa kita tinawagan kanina, hindi ka pa uuwi?! "-Napayuko nalang ako dahil sa sermon ni Mama. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.



" Ano?! Bakit di ka makasagot?! Lumalandi ka ba ha?! "-Sigaw nya sa'kin sa nya hinawakan ang buhok ko.



" Wala ka na ngang naitutulong, may gana kapang mag lakwatsa?! Tapos ano?! Lumalandi ka na?! Tapos mag aasawa ka na ng maaga?! Aba kung ganun edi masaya, nang wala ng pabigat sakin! "-Saka nya binitawan ang buhok ko at hinampas pa ang noo ko. Kaasar, kaya ayoko pang umuwi sa bahay dahil yan lang naman ang laging bungad sakin ni Mama. Kahit wala akong ginagawang masama sakanya. Lagi nya akong sinasaktan. Hindi naman sya ganyan dati eh, namatay lang si Papa nung naka raang taon nag bago na sya. Ang alak ay ginagawa nya ng tubig at ang pag susugal naman ang libangan nya.


Akala ko tapos na nya akong pagalitan pero hindi pa pala. Gamit ang kaliwang kamay nya ay hinawakan nito ang mag kabilang pisngi ko at yung kanan naman nya ay pinanduduro nya sa'kin.



" Ikaw bata ka. Nasaan yung baon mo? Wala namang klase diba? Akana na yung pera. "-Sabi nito saakin. Iyan pa ang nakaka inis eh, lagi nya akong hinahanapan ng pera. Hindi nga sya ang nag papa aral sakin at nag bibigay ng baon ko sa araw-araw eh, pero kung maka hingi sya ng pera akala mo sakanya galing.


" Oh nasaan na? Wag mong sabihing wala?! "-Sigaw nya sakin kaya wala akong nagawa kundi kunin ang natirang pera ko kanina at ibinigay sa kanya.


" Isang daan lang?! Wala ka na ba dyan? "-Sabi nito saka nya ako binitawan at kinap-kapan sa bulsa pero wala na syang nakuha.



" Tsk bwisit nito. "-Sabi nya saka sya tumalikod. Akala ko aalis na pero lumingon uli sya saakin.



  " Huwag mong subukan na mag sumbong sa Tita mo ha?! Kundi yang muka mo na'yan? Sabog sakin yan! "-Pag babanta nya saakin bago sya tuluyang lumabas ng bahay. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Gusto kong umiyak pero ayoko naman dahil paniguradong aabutin ako kay Mama.  


Nag lakad ako papuntang kwarto at nag kulong dito.


BOOK 1: Guess Who? [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now