Chapter 28- Guess Who?

343 7 0
                                    






Chapter 28- Guess Who?




~Wendy's PoV




Unti-unti kong minulat ang dalawang mata ko nang nakaramdam ako ng init sa paligid. Feeling ko ang lagkit ko na dahil sa pawis na nag mula sa katawan ko.



Nagulat ako nang nakatali ako sa isang upuan at naka tape ang bibig ko. What the hell is this?




" Mmmm. "-Gusto kong sumigaw pero useless naman dahil may tape ang bibig ko. Ano bang nangyari? Nasaan ba ako?



Nilibot ko ang paligid ko pero wala akong gaanong makita dahil ang dilim. May liwanag naman akong nakikita mula sa mga butas ng pader at sa butas ng bubong sa itaas. Hindi ko maiwasang maluha dahil natatakot ako. Ang tahimik ng paligid. Mga huni lang ng ibon ang tanging naririnig ng dalawang tenga ko.


Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Bakit pa kasi ako napunta sa lugar na'to? Ano bang nagyari---ah shet! Naaalala ko na!


Nasa bahay kami kanina nila Darchelle. Hinihintay namin yung van na susundo saamin. Naalala kong nasa sala lang kaming lahat at nag ku-kwentuhan. Ang ingay rin namin dahil wala si Tita sa bahay. Tapos nagulat nalang kami nang nakarinig kami ng isang nabasag na gamit. Napatayo kami sa sofa at pinuntahan ang lugar kung saan namin narinig yung ingay. Nagulat kami nang nakakita kami ng dugo sa sahig. Ang daming dugo. Hindi ko na alam yung sunod na nangyari dahil may nag takip ng panyo sa bibig ko at nakaramdam ako ng hilo. Nakita ko rin na may nagtakip ng panyo kay Levi na katabi kong nakatayo nung mga time na'yon. Tapos wala na, yun lang ang naalala ko.


Pero naasaan sila? Nasaan ang mga kasama ko kanina?



" Hmmm. "-Napatingin ako sa kaliwa ko nang may narinig akong boses. Ibig sabihin, hindi lang ako nag iisa. Posible kayamg nandito rin sila?



" Mmmmm! Mmm! "-Kahit naka tape ang bibig ko ay nag try parin akong sumigaw.



" Mmmm! "-Nabuhaya ako ng loob nang may nag response sa ginawa ko. Oh my gosh, sino kaya 'to?



" Mmmmm! "-Sigaw ko ulit at ganun rin ang ginawa nung nasa kaliwa ko. Para kaming mga tanga, alam kong walang nakaka gets na 'Mmm' na ginawa namin.



" Oh mukhang may gising na. "-Napalingon ako sa harapan ko nang may narinig akong nag salita. Napapikit ako ng bahagya nang bigla nalang lumiwanag ng konti at binuksan pala nito ang ilaw. Mukhang malapit na mapundi ang ilaw na'to dahil hindi ito ganun kaliwanag kumpara sa mga ilaw namin sa bahay. Parang ang labo.

BOOK 1: Guess Who? [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now