Chapter 04- 101E

626 15 9
                                    







Chapter 04- 101E




~Levi's PoV




" Seryoso ka Dark? Dito?! "-Gulat na tanong ko kay Dark. Poker face lang ang loko.


" Oo bakit? Problema mo? "-Tanong nya sakin.


" Oh Ayaka? Akala ko ba mag c-CR ka? "-Rinig kong tanong ni Darchelle.


" Ah hindi na, nawala na. Nahiya na syang lumabas, hehe. "-Saka sya ngumiwi. Napa iling nalang ako. Nasaan kami ngayon? Nasa labas lang naman ng CR ng mga babae. Wala akong ideya kung bakit basta sinundan lang namin si Dark mag lakad then ito na!


" Don't tell me na pati kayo papasok dyan? "-Tanong samin ni Darchelle. Binaling ko ang tingin ko kay Dark.


" Why not? "-Sabi naman nya saka nya inikot ang doorknob at agad na pumasok. Sira ulo! Tumingin ako sa kaliwa at kanan kung may ibang tao pero wala naman. Malamang mga nasa loob na sila ng kani-kanilang room at nag ka-klase na.


Nakita ko na sumunod na pumasok si Darchelle at si Ayaka kaya wala akong choice at sumunod nalang rin ako. Aba hoy! Kahit malandi akong lalake nakaka ilang pumasok sa mga banyo ng mga babae.



" Teka nga lang Dilim. Ano bang pumasok sa isip mo at pumasok tayo dito? "-Takhang tanong ko kay Dark. Ni lock ko na muna yung pinto dahil baka mamaya may biglang pumasok dito at makita kami.



" If you feel it, you need it. Everyplace have it."-Sabi nya saka sya humarap saakin.



" Kagaya ni Ayaka kanina. Naramdaman nyang nadudumi sya ta-tama? "-Nailang pa ang loko nung sinasabi nya yan. Pwede naman diretsahin ba natatae ha? Pa humble pa eh.


" Oh so ano ang connect?"-Tanong ni Darchelle.


" So kapag naramdaman mo, kaylangan mo. Lahat ng lugar ay mayroon nito. "-Sagot naman nya. Napakamot ako sa batok. Hindi ko gets! Bakit ba ayaw nya pang diretsuhin ang balak nyang sabihin? Tinagalog lang nya yung bugtong eh.


" Wait gets ko na. "-Biglang sabi ni Darchelle. Oh edi sya na naka gets!


" Same. Gets ko na din. "-Sabat pa ni Ayaka. Tsk, oh edi kayo na magaling!


" Ikaw Levi. Kapag naramdaman mong nadudumi or naiihi ka? Kaylangan mo ng banyo diba? Lahat ng lugar ay may CR. Then yung part na if you let it out, you feel comfortable. Meaning, kapag nilabas mo na yung something ay successful na? Tama ba ako? "-Nakangiting sabi ni Darchelle. Napatango nalang ako. Damn! Bakit di ko naisip yun?

BOOK 1: Guess Who? [ COMPLETED ]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt