Chapter 27- DIE

285 5 2
                                    





Chapter 27- DIE





~Darchelle's PoV





" Wala ba kayong mga balak mag salita? "-Sa gitna ng katahimikan na bumabalot saamin ay nag salita bigla si Akihiro. Sa mukha nya ngayon, seryoso sya at parang ibang Akihiro ang kasama namin ngayon.



Ang hirap paniwalaan na ang kilalang troublemaker ay ang unang gagawa ng paraan para lang makapag usap-usap kami. Walang ibang tao at walang iistorbo saamin dito dahil naka locked ang pinto mula dito sa labas ng rooftop. Ang lakas rin ng trip nya, paano na kami ngayon makakapasok kung tinapon nya yung susi sa baba?



" Ano bang dapat pag usapan? "-Tanong ni Dark.



" Bumilog namuna tayo bago umupo. Lapit kayo dito. "-Sabi ni Akihiro saka sya naupo sa lapag. Wala kaming choice kaya lumapit nalang kami sa gawi nya saka naupo narin sa lapag. Buti nalang naka PE ako ngayon kaya di ako nahirapan maupo. Ako, si Akihiro at si Dark lang ang naka PE uniform dito saamin ngayon. Remember? Mag kaka-klase kami. After kasi ng break time ay Mapeh na ang next subject namin at PE kami ngayon.



" Lumapit pa kayo ng konti. Bilog sabi ko at hindi oval. "-Kunot noong sabi ni Akihiro. Lumapit naman ako at ganun narin ang iba. Nakapabilog na kami ngayon ng pwesto at ang awkward.



Palihim akong tumingin sa kanila at parang gusto kong matawa dahil ganun rin ang ginagawa nila. Nagtitinginan tapos nag iiwasan. Parang mga tanga.



" So let's start. "-Sabi bigla ni Akihiro. May kinuha sya sa bulsa ng jogging pants nya at isang piraso ng lollipop. Tinanggal nya yung balat nung lollipop bago nya ito ilagay sa bibig nya.



" Gusto mo ba? "-Tanong nya saakin nang nakita nya akong nakatingin sakanya. Hindi pa man ako nakakasagot ay nag salita na sya.



" Bumili ka. "-Napailing nalang ako. Isip bata talaga 'tong si Akihiro.



" Oh ano na? Mag salita na kayo! Uy ikaw Dilim! Ikaw unang mag salita dahil ikaw ang nagsimula. "-Sabi ni Akihiro sabay turo kay Dark gamit ang lollipop nya.



" Wala naman akong sasabihin. "-Tipid nyang sagot. Ah so ganun?



" Bakit? Nakakuha kana ba ng ebidensya na mag papatunay na kami si 101E? Na isa saamin si 101E? Well congrats! "-Sarcastic na sabi ko saka ako pumalakpak.

BOOK 1: Guess Who? [ COMPLETED ]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن