Lumabas ako upang hanapin si manong, ang driver na laging sumusundo sa amin. "Manong!"tawag ko rito upang agawin ang atensyon nito. Itinigil muna nito ang paglilinis ng sasakyan at lumapit sa akin. "Ano ho iyon ma'am?"tanong nito. "Pwedeniyo ho ba ako ibili ng tuyo? Mgasampungpiraso."pakisuyo ko rito at pumayag naman ito.
Bumalik na ako sa loob upang magluto ng champorado, at nang makabalik na si manong, ay niluto ko na agad ang tuyo. "Ano 'yan Ate Camille, ba't ganon ang amoy?"tanong nito habang nakatakip sa ilong. "Tuyo 'yan. Saka, ang bango-bango kaya niyan."sagot ko sa kaniya.
Inihanda ko na ito sa hapag-kainan nang matapos na itong maluto. "Subukan mong ulamin ang tuyosachamporado, masarap 'yan. Nakasisiguro ako."anyaya ko kay Sophie. Nuong una ay nag-aalangan pa ito, pero sinubukan niya rin. "Wah. It's so delicious."manghang sabi nito. "Sabi ko sayo eh."salita ko pa. Kumuha pa ito ng ilang piraso at kinain ng buo.
"Ano 'yang kinakain niyo?"tanong ni Charles. "Ba't ang baho."dagdag pa nito. Ang arte nito, parang babae. "Champorado saka tuyo."sagot ko at nagsimula naring kumain. Naupo narin siya at tahimik na kumain. Marami rin siyang tuyong nakain kahit na sinabihan niya ito ng mabaho. DON'T JUDGE THE FOOD BY IT'S SMELL. Haha.
Nang matapos kaming kumain, si Sophie na ang nagpresinta na maghugas ng lahat ng pinagkainan namin.
"Tulungan mo na ako."sambit ni Charles habang nakatayo sa unang baitang ng hagdan. "Ngayon na ba?"tanong ko. "Hindi, bukas pa."sarkastikong sagot nito. "Bukas pa pala eh."pagsakay ko sa sinabi nito at nagpatuloy sa paglalakad. "Tsk. Ngayon na."inis na sambit nito. Nauna na siyang umakyat at sumunod na lamang ako.
"Ilagay mo ang lahat ng gamit na makikita mong nakakalat sa walk-in closet ko."utos nito at iniabot sa akin ang isang malaking box na walang laman. Makautos 'to. "Opo sir."sagot ko nalang rito at dumiretso na sa walk-in closet niya. "Wow."manghang sabi ko dahil sa laki ng walk-in closet nito. Napakaraming mga cabinet at ilang naglalakihang salamin, malaking shoe rack kung saan mayroong napakaraming iba't-ibang klaseng sapatos, at isang pintuan sa may gilid na nakaagaw pansin sa akin.
Pinuntahan ko ito, dahil sa kuryosidad na namumuo sa akin. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at tuluyan na itong binuksan.
Napakaaliwas ng lugar na ito. Mukhang maraming alaala ang nabuo rito, iyon ang pakiramdam ko. Naupo ako sa isang single sofa dito, at kinuha ang isang photo album na nakapatong sa centre table, at binuksan ito.
Punong-puno ito ng litrato nina Charles at Nadine, mga masasayang alaala. Nakalagay pa nga sa unang pahina ay...IN A RELATIONSHIP (DAY 1). Hindi ko maitatangging mahal na mahal nila ang isa't-isa, sa litrato palang na ito, ay isa ng ebidensya.
Dalawang taon pala ang itinagal nila, at nasayang iyon nang dahil sa isang pagkakamali. Nakapanghihinayang. Bigla ko tuloy naalala ang nakaraan, isang masakit na nakaraan. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko sa aking mga pisngi.
"Camille."rinig kong tawag sa akin ni Charles mula sa labas, agad kong pinahiran ang luha ko. Isinara ko na ang photo album at ibinalik sa kinalalagyan nito. Lumabas na ako mula sa silid, at itinuloy na ang aking ginagawa.
Inilagay ko ang lahat ng gamit na nakakalat sa box. "Akala ko hindi ka pa nagsisimula eh."sambit nito nang pumasok rito sa loob At nang makita niyang ginagawa ko na ang ipinag-uutos niya, lumabas na siyang muli.
"Ano 'to?"mahinang sambit ko nang buksan ko ang isa sa mga drawers dito. Nasilayan ko ang isang pulang pahaba na maliit na box. Kinuha ko ito at binuksan.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Paniguradong para ito kay Nadine, napakaganda. Nang marinig kong may papasok rito sa loob, agad kong ibinulsa ang kwintas. "Hindi ka pa ba tapos?"tanong sa akin ni Charles. Umiling naman ako.
Napunta ang paningin nito sa may bandang bulsa ko, at taka nitong pinagmasdan. "Ano 'yan?"tanong niya habang nakaturo sa bulsa ko. Napansin kong nakalawit pala ang kwintas, hindi ko naipasok nang maayos. Inilabas ko nalang ito.
"Saan mo nakuha 'yan?"tanong niya at saka kinuha sa akin ang kwintas. "Dito sa loob ng walk-in closet mo."sagot ko nalang. "Basura na 'to, dapat dito itinatapon na."malamig nitong sambit at pahagis nitong itinapon ang kwintas sa basurahan. At saka lumabas, pabagsak na isinara ang pintuan.