CHAPTER 18 ♥ MOVE ON THINGY

Magsimula sa umpisa
                                        

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Ano pa nga ba at inakbayan na naman ako katulad ng kanina. "Charles, 'yong kamay mo."mahinang sambit ko. "What's the matter? Friends naman tayo diba? Wala naman sigurong malisya. Maliban nalang kung merong ibig sabihin nito para sayo."sagot nito saka ngumisi. Ang lakas talaga ng topak nito pagtinamaan eh.

"San mo gusto kumain?"pagbabago nito ng usapan. "Sa..."nag-iisip pa ako kung saan masarap kumain. Inilibot ko ang paningin ko.

"Antagal, bilisan mo nagugutom na ako."murmur ni Charles. "Hoy, baka mamaya idagdag mo na naman 'to sa mga kinain ko?"tanong ko sa kaniya. Lalaki ang utang na loob ko sa kaniya. Napaka talaga. "Ngayon, libre na 'to."sagot nito. Hindi ko nalang dadamihan ang pagkain ko, para makasigurado.

"Diba, gusto mo nang makausad?"pagbabago ko. Biglang nagbago ang ekspresyon niya saka tinanggal ang kamay na nakaakbay sa akin.

Bakit? May nasabi ba ako?

"Duon tayo sa McDo."sabi ko kay Charles saka hinila siya papunta sa may Mcdo. Pagkapasok namin naghanap kami ng vacant seat kaso wala kaming makita. Sakto, napadpad ang tingin ko kina Nadine at James, eh parang maluwag pa sa kanila. Dadalawa naman sila, kaya hinila ko duon si Charles.

"Nadine!"tawag ko. Napatingin naman si Nadine. "Camille...C-charles."utal na sabi ni Nadine pagkalapit namin sa table nila.

"Pwede bang diyan nalang kami, kasi wala ng vacant seat eh."tanong ko. "S-sige."sagot nito.

Naupo si Charles sa tabi ni James.

"Diyan ka na muna Charles, oorder lang ako ng pagkain natin. Treat ko."sabi ko nalang at pumunta na sa counter. Treat ko na, gusto kong makita ang reaksyon nila sa isa't-isa.

CHARLES' POV

Napaka-awkward ng atmospira sa pagitan naming tatlo. Bwisit din naman kasi si Camille eh. Pwede namang sa iba nalang kami maupo.

Ito ko ngayon, pirming nakaupo. Ni isa sa aming tatlo ay walang kumikilos o kaya naman ay nagsasalita. Hanggang sa dumating na si Camille.

"Kumain na tayo."sambit ni Camille saka inilapag ang tray ng pagkain. "Camille, mauuna na kami."biglang sambit ni James at tumayo na. Sumunod naman si Nadine.

"Osige, mag-iingat kayo ha. Kitakits nalang sa Monday."sagot ni Camille kay James. Nagtanguan nalang kami at umalis na sila.

"O, kumain ka na."anyaya sa akin ni Camille. Inis ko naman siyang tinignan. "Planado mo ba 'to? Ha? Kaya dito tayo kumain?"tanong ko sa kaniya.

"Hindi. Malay ko bang nandito sila, kumain na nga lang tayo."sagot niya saka kumagat ng burger. Nagsimula nalang rin akong kumain.

"Tara, samahan mo ako. Bibili tayo ng pintura saka paintings na pang lagay sa kwarto ko."sabi ko sa kaniya pagkatapos naming kumain.

"Akala ko ba, nakabili ka na kanina?"tanong pa niya. "Edi sana kung nakabili na ako, dala-dala ko na ngayon 'yon. Tsk."sagot ko sa kaniya. "Pwede namang inilagay mo na muna sa kotse mo. Ano? May sasabihin ka pa?"pilosopo nito. Wala na akong maisagot.

Pumunta na kami sa department store at bumili ng mga kailangan kong bilhin. Siya ang pinamili ko ng lahat kasi wala naman akong alam sa pagpili ng mga wallpapers.

Nabili na namin ang lahat ng kailangan naming bilhin, kaya ngayon ay naglalakad na kami papunta ng parking lot. Bumili muna kami ng Kettle Corn sandali. Hanggang sa may nadaanan kaming store ng mga teddy bears.

"Wait lang Charles."hinto sa akin ni Camille. "Bakit?"takang tanong ko.

"Titignan ko muna yung mga teddy bears sa loob, wala namang pasok bukas eh. Kahit gabihin tayo."sagot nito. Kaya itinabi muna namin 'yong pushcart na dala-dala namin at saka pumasok sa loob.

"Ang cutie naman nito."komento ni Camille habang hawak-hawak 'yong kulay pink na teddy bear.

"komento ni Camille habang hawak-hawak 'yong kulay pink na teddy bear

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tapos tinignan niya 'yong price.

"Ah...Charles. Pwede bang pahiram muna ng 2,500? Ibabalik ko kaagad. Hindi ko lang talaga matiis na hindi siya bilhin."pakiusap ni Camille.

Dinukot ko ang wallet ko sa bulsa at kumuha ng 2,500.00. Saka 'to iniabot sa kaniya.

"O, wag mo na bayaran."sabi ko. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya ito tanggapin. Problema nito?

"Talaga? Hindi mo pababayaran?"naniniguro pa. "Baka gusto mo? Pwede mo namang bayaran."sagot ko at agad niyang kinuha ang pera. "Sabi ko nga, bigay mo nalang."sambit oa niya. Hindi nalang magpasalamat eh.

"Basta, tatandaan mo. Ikaw ang tutulong sa akin para makausad ako. Alam kong paulit-ulit ako, dahil gusto kong makawala na sa hawla na 'to."makahulugang sabi ko sa kaniya nang makalabas na kami.

"Sa abot nang makakaya ko. Pero, sa totoo lang. Wala talaga akong kaalam-alam kung paano mag move-on."salita niya habang nagtutulak ng cart.

SKY'S POV

Tapos na ang pag-uusap namin ng ex ko, hinahanap ko si Camille. Hindi ko naman siya macontact dahil wala pang sim 'yon.

Hanggang sa makagawi ako sa may bandang parking lot, nakita kong magkasama sila ni Charles. Kapag ang tao talaga iniiwan, may ibang pinupuntahan.

Dumiretso nalang ako sa sasakyan ko at umuwi. Sa Monday nalang siguro kami magkita.

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon