"Eh ano?" Tanong pa niya.

"Maganda talaga boses ko!"

"'Yung totoo?" Tanong ulit niya.

"Oo nga! Kulit nito eh, edi 'wag kang maniwala." Singhal ko.

"Hindi lang talaga ako makapaniwala. Tsk. Tsk." Pang-aasar pa niya.

"Gusto mo bang sampulan pa kita? Ha? Napaka nito."

"'Wag na, baka bumagyo pa at mawalan ng pasok." Dagdag pa nito at pumasok na ulit sa loob. Kung pwede lang kita batuhin ng tsinelas, kanina ko pa ginawa!

"Hoy pangit, pinapatawag na tayo." Sambit nito nang makapasok ako sa loob.

"Pinapatawag lang, walang tayo. 'Wag ka ngang feeling d'yan." Inirapan ko siya at nilampasan na.

"Ipinatawag namin kayong tatlo, Charles, Sophie at Camille, dahil may sasabihin kami sa inyo para maging handa kayo." Panimula ni Tito Benjie, patuloy lang kaming nakikinig sa kaniya. "Mag-a-out of town kami ng mga Mama at Papa ninyo kasama ang mga bunso n'yong kapatid dahil sila ay one week na walang pasok. E kayo, may pasok kaya rito lang kayo." Paliwanag nito.

"But Papa, I want to go with you." Murmur ni Sophie.

"Sophie, you're big enough to act like that. Nandito naman ang Kuya Charles at Ate Camille mo kaya hindi ka mabobored." Paliwanag ni Tito Benjie kay Sophie.

"Okay fine, wala naman akong magagawa." Sabi na lang ni Sophie.

"Pero mga anak, I need you to promise me. Kahit may maids tayo rito, pananatilihin n'yo pa ring maayos ang bahay hanggang sa pagbalik namin." Dagdag pa ni Tito Benjie.

"Makakaasa po kayo." Sagot ko. May ilan pa siyang ipinaalala at pagkatapos noon ay naghapunan na kaming lahat, para maaga na silang makapaghanda sa pag-alis.

Nadine calling...

Kinuha ko agad ang telepono ko nang bigla itong mag-ring.

"Hello." Sagot ko.

Hindi ko kilala, number lang.

[Camille.] Sambit ng tumawag. Tinig ng isang lalaki at pamilyar ito sa akin.

"Sino ka po?" Tanong ko at napatutok pa sa noo kong pagkalapad.

[Si Sky 'to.] Sagot nito.

"Ikaw pala Sky. Saan mo pala nakuha ang number ko?"

[Hiningi ko kay Nadine.] May pag-aalangang sagot nito.

"Ahh. Bakit ka pala napatawag?"

[Uhm.. Are you free tomorrow after class?]

May pupuntahan ba ako bukas? Inisip ko muna kung may lakad ba ako.

Parang wala naman. 

[Camille? Are you still on the line?] Tanong ni Sky dahil hindi ako nagsasalita.

"Oo, libre ako bukas. Wala akong pupuntahan." Nakangiting sagot ko sa kaniya. As if naman na makikita niya na nakangiti ako. Ano ba, Camille!

[Talaga?] Rinig kong masayang sambit niya sa kabilang linya.

Ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya!

"Oo, saka friends naman tayo. Kaya walang problema." Sagot kong muli sa kaniya.

[Pupunta tayo sa mall after class, iti-treat kita. Anything you want. Katulad nga nang sinabi mo, friends tayo, kaya iti-treat kita.] Rinig sa boses niya ang pagkasabik.

"Kahit Zagu na lang, okay na ako ro'n." Sabi ko. Nakakahiya naman 'di ba? Maliban na lang kung super close naming dalawa, baka sulitin ko ang panlilibre niya.

[Bakit Zagu lang? Basta bukas iti-treat kita.]

"Sige, bahala na bukas."

[Wala nang atrasan ha?] Pahabol pa nito.

"Oo naman!" Masiglang sagot ko.

Hindi na nagtagal at natapos na ang pag-uusap namin. Nasasabik na ako para bukas! Ano kaya ang gagawin namin?

Ilang sandali pa at biglang may kumatok sa pinto.

"Sino po 'yan?" Magalang na tanong ko. Baka mamaya sina Papa pala 'yon.

"Buksan mo ang pinto." Sagot nito.

Kilala ko na agad siya.

Tumayo na agad ako para buksan ang pinto. Pagbukas ko, kalmadong Charles ang sumalubong sa akin.

"Ano'ng kailangan mo?"

"Pupunta tayo sa mall after class."Sagot niya.

Patay, paano na 'yan? Inaya rin ako ni Sky.

"'Di ka papayag?" Tinaasan niya ako ng kilay habang nakapasok sa magkabilang bulsa ang mga kamay niya.

"E, may lakad ako bukas. 'Di ako pwede." Pagbibigay alam ko sa kaniya. First come, first serve dapat. Mas nauna mag-aya si Sky!

"Edi i-cancel mo." Kalmadong sagot pa rin niya at tinalikuran agad ako.

"Hoy! 'Di nga pwede!" Malakas na sabi ko sa kaniya pero hindi niya ako pinakinggan.

Ano na ang gagawin ko n'yan!





CHARLES' POV

Tahimik na ang buong paligid dahil gabi na. Lumabas muna ako upang magpahangin, naupo sa isang bench dito sa labas at uminom ng beer in can.

Nilanghap ko ang sariwa at malamig na hangin.

Sana ganito na lang palagi, laging tahimik.

Sana hindi ko na lang nakilala ang dapat na hindi ko nakilala.

"Oy." Rinig kong sambit ng isang babae. Tumingin agad ako sa kaniya.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ko kay Camille nang maupo siya sa tabi ko, dala-dala niya ang gitara niya.

Imbis na sagutin ang tanong ko, bigla na lang siyang kumanta.

"What is that sad look in your eyes
Why are you crying
Tell me now, tell me now
Tell me, why you're feelin' this way
I hate to see you so down, oh baby
Is it your heart
Oh, that's breakin' all in pieces
Makin' you cry
Makin' you feel blue
Is there anything that I can do
Why don't you tell me where it hurts now, baby
And I'll do my best to make it better
Yes, I'll do my best to make those tears all go away
Just tell me where it hurts now, tell me
And I love you with a love so tender
Oh and if you let me stay
I'll love all of the hurt away.."

"Ano'ng kinakanta-kanta mo r'yan?" Tanong ko sa kaniya. Pinapatamaan ata ako eh. Loko rin 'to ah?

"Pahingi nga ako." Sabi niya na parang wala siyang ginawa. Ibinigay ko sa kaniya ang isa pang beer in can.

"Cheers." Sambit pa nito at saka namin pinagtama ang dalawang latang iniinuman namin.

***
edited: 2021

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora