"Aray." Mahinang sambit ko at napahawak sa sentido ko. Bakit naman biglang sumakit ang ulo ko?
"Are you okay?" Alalang tanong ni Nadine.
"Okay lang ako." Paniniguro ko sa kaniya at inayos na ang sarili ko. Uminom na lang ako ng tubig.
"Are you sure?" Tanong pa ulit niya. Nakangiti akong tumango para hindi na siya mag-alala.
Aral
Aral
Aral
Aral
KRIIING!
"Sabay na tayo mag-lunch." Aya ko kay Nadine.
"Next time na lang, Camille. Sorry, may usapan kasi kami ni James eh. Sorry talaga." Sagot niya sa akin nang maisukbit ang bag niya sa balikat niya.
"Ano ka ba okay lang." Mabilis niya akong niyakap at nagmadali na siya sa pag-alis.
So, ako na lang mag-isa ang magla-lunch. Solo flight na naman ako.
"Ano na'ng sabi?" Biglang sulpot ni Charles sa tabi ko.
"Ayaw niya, e." Pagkibit balikat ko. Pansin kong bumagsak ang dalawang balikat niya. Ayokong pilitin si Nadine kung ayaw niya.
Nauna na akong maglakad sa kaniya.
"Saan ka pupunta!" Pahabol na tanong niya.
"Magla-lunch!" Sagot ko nang hindi siya nililingon.
"Sabay na tayo, samahan mo ako." Sabi niya nang sumabay sa paglalakad ko. Tumango na lang ako.
Don Henrico's...
"Ano'ng kakainin ko?" Mahinang tanong ko kay Charles. Ngayon pa lang kasi ako nakapunta rito.
"Kahit ano'ng gusto mo." Kaswal niyang sagot. Naghanap agad ako sa menu ng pwede kong kainin. Buti na lang may picture kaya hindi ako nahirapan.
"Calamari Friti, Calzone, Crab Fettuccini, and Three Cheese Pizza." Sabi ko roon sa waiter at napansin kong napatawa si Charles. Nagkibit balikat lang ako. Kahit ano raw, e.
"Grand Emperor Pasta and Petite Mozzarella Sticks." Ang kay Charles naman.
Nagsimula na kaming kumain nang dalhin na rito ang pagkain. Grabe ang sarap!
"May bayad 'yan." Biglang sambit ni Charles kaya napatigil ako sa pag-kain.
"Ba't may bayad? Ikaw nag-aya sa akin dito, e!"
"May sinabi ba 'kong ililibre kita? Wala naman 'di ba?"
Hindi na ulit ako nakaangal dahil wala naman talaga siyang sinabi. Ako lang pala nag-feeling na libre 'to.
"Simple lang naman ang bayad, e." Panimula niya saka pinagkrus ang dalawang braso. "Tutulungan mo 'kong kalimutan si Nadine. 'Yun lang."
"Huh? Pa'no naman 'yon? Ano'ng gagawin ko? Bayaran na lang kita ng pera. 'Wag na 'yan!"
"O sige, ikaw bahala." Inabot niya sa akin 'yung bill. "Ano'ng sasabihin mo kay Tito Alberto na ganiyan kalaki ang ginastos mo?"
Napakamot na lang ako sa sentido ko. "Pwede ba hulugan 'to?"
"Tanong mo ro'n sa waiter kung pwede mo hulugan." Ngumisi siya.
Nakakainis naman 'tong si Charles! Hindi na sana niya ako inaya rito!
"Sige na nga, payag na 'ko sa gusto mo." Napilitan na lang ako. "Basta sabihin mo sa akin kung ano ang gagawin ko."
Hindi pa ako nalalagay sa posisyon niya, kaya hindi ko alam kung magiging madali ang lahat. Bahala na si Batman.
Pagkatapos bayaran ni Charles 'yung bill, bumalik na agad kami sa school.
Aral
Aral
Aral
KRIIING!
Hinintay kong dumating si Nadine, pero hindi siya pumasok ngayong hapon. Ano kaya'ng nangyari sa kaniya?
Mag-isa na lang akong lumabas ng room. Ang boring ng hapon ko dahil wala akong kausap, wala si Nadine.
Naglalakad na ako papuntang parking nang harangin ako ng isang sasakyan.
"Sakay na. May pupuntahan tayo." Utos ni Charles nang ibaba niya ang bintana ng sasakyan niya.
"Saan na naman?" Tanong ko sa kaniya.
"'Wag nang magtanong, sumakay ka na lang. Wala na sina Sophie, umuwi na, kaya wala ka nang masasakyan."
Nag-isip pa ako sandali bago napagpasyahan na sumakay sa sasakyan niya.
Isa't kalahating oras ang itinagal ng biyahe namin bago kami nakarating sa lugar na sinasabi ni Charles.
"Wah." Langhap ko sa sariwang hangin.
Nandito kami ngayon sa tabing-dagat, nakaupo kami sa buhanginan.
"Ang ganda ano?" Sambit ni Charles habang nakatingin sa matiwasay na dagat.
"Mas maganda ako." Pagbibiro ko.
"Parang hindi naman." Tutol niya agad kaya inirapan ko siya. Hindi na lang makisakay, e!
"Dito tayo!"
Sabay kaming napatingin ni Charles sa babaeng nagsalita.
Kung kanina, kalmado pa ang itsura ni Charles, ngayon hindi na. Nakita kasi niya sina Nadine at James na magkasama.
***
edited: 2021
YOU ARE READING
When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETED
Teen FictionDate created: September 2016 ©Bianczx
Chapter 15
Start from the beginning
