"Salamat ulit." Sinserong sambit niya habang nakatingin sa mga mata ko. Ako na mismo ang nagtanggal sa kamay niya na nakahawak sa akin. Medyo nagiging awkward na kasi ang feeling.

"Welcome." Sabi ko lang at nagtuloy na sa labas. 

Kinabukasan...

"Mauuna na po ako." Paalam ko kina Papa. 5:30 pa lang ng umaga, pero papasok na ako. May tryout kasi sa volleyball.

"Sandali!" Rinig kong sabi ni Charles kaya napatingin ako sa gawi niya. Mabilis siyang bumaba ng hagdan. "Hintayin mo ako, isasabay na kita." Salita niya at hindi na hinintay ang sagot ko. Nagmadali na siyang umakyat sa kwarto niya. 

Naupo na lang muna ako sa may sala at hinintay siya na matapos sa paghahanda. 

"Tara na." Aya niya nang makababa na siya. Nakasuot na siya ng uniporme at ang bango niya. Ano pa ba ang aasahan sa mga mayayaman?

"Hindi ka mag-uumagahan?" Tanong niya sa akin bago pa man kami makalabas. 

"Doon na lang ako kakain." Sagot ko at dumiretso sa sasakyan na laging ginagamit nina Sophie at Kitty. 

Akma na akong sasakay nang biglang magsalita si Charles.

"Sabi ko nga sa 'yo isasabay kita 'di ba?" Binuksan niya ang bintana ng sasakyan niya na katabi niya at doon siya dumungaw.

Oo nga pala, kaya ko nga pala siya hinintay dahil isasabay niya ako. 

"Kausapin mo ang kaibigan mo ha?" Sambit niya nang makasakay ako sa sasakyan niya. 

"Oo nga."

Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa school. 

"CAMILLE!" Malakas na tawag sa akin ni Odessa pagkababa na pagkababa ko ng sasakyan. 

"Oy." Nakangiting bati ko sa kaniya. 

"Wala ba talagang something sa inyong dalawa?" Itinuro niya si Charles gamit ang nguso niya. 

"Sa amin? May something?" Hindi makapaniwalang pag-ulit ko sa sinabi niya. Tumangu-tango lang siya. "Wala ah, nakisabay lang ako may something na agad?" Paliwanag ko at inaya na siya papuntang gymnasium. 

Nagkita kami ni Nadine sa may entrance ng gym kaya sabay na kaming pumunta sa locker room para magpalit ng jersey.

"Nadine, wala na ba talaga kayong chance ni Charles?" Biglang tanong ko sa kaniya habang nagse-stretching, napatigil siya sa ginagawa niya. 

"Wala na." Walang emosyon niyang sagot. 

"Pwede favor?" Tanong ko pa. Tumingin naman siya sa akin at hinintay ang sagot ko. Medyo kinakabahan ako sa itatanong ko pero go lang. Um-oo na ako kay Charles, e. 

"Kahit ngayon lang, pwede bang mag-usap kayo ni Charles? I-set aside mo muna 'yung galit mo sa kaniya at pakinggan mo siya. Pwede ba 'yon?"

"Ginamit ka pa talaga niya? Sabihin mo sa kaniya, ayokong marinig ang sasabihin niya." Mapait nitong sagot sa akin. Alanganin ko siyang nginitian. Mahirap talagang pilitin kapag ayaw. 

Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa namin at hindi na ulit nagsalita. Mukhang nabadtrip si Nadine!

Dalawang oras ang lumipas at natapos na ang tryout. Nakapagshower na kami at nagpalit na ng uniform.

"Bakit ka aalis?" Galit na sabi ng babae sa isang lalaki sa may hallway, kung hindi ako nagkakamali ay magkasintahan sila. Napatigil kami ni Nadine sa paglalakad at napako ang atensyon sa dalawa. 

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now