"Ano'ng kailangan niyo sa akin?!"Galit na tanong ko sa kanila nang tanggalin nila ang takip ko sa bibig.

"Wala kaming kailangan sa 'yo, pero si madam, meron." Sagot no'ng lalaking matangkad at makisig ang pangangatawan.

"Sinong madam?"

Biglang may babaeng lumabas mula sa gilid.

Siya ang stepsister ni Nadine na may gusto sa akin.

"Well, ako lang naman 'yung madam nila. Charles." Sabi ni Sandra saka lumapit sa akin.

"Ano'ng kailangan mo sa akin?" Tanong ko sa kaniya.

"Gusto ko lang naman na maghiwalay kayo ni Nadine.. At para maging tayo na." Walang pag-aalinlangang sagot nito. Nasisiraan na talaga siya ng bait. 

"Gan'yan ka ba talaga katanga? Hindi mo iniisip 'yung ibang tao na pwedeng masaktan sa ginugusto mo? Nahihibang ka na!" 

"Ano ang pakialam ko sa kanila? Ang importante sa 'kin, e, ang kaligayahan ko. Kaya, gusto kong hiwalayan mo si Nadine para sumaya na ako."  

"Hindi mo kami mapaghihiwalay ni Nadine." Matigas na sabi ko.  

"Talaga ba? Nakasisiguro ka ba?" Mukhang may pinaplano na naman siya. 

"George, ilabas mo na." Utos niya roon sa tauhan niya. May kinuha mula sa loob 'yung George at hinila niya iyon palabas.

Isang board na may nakadikit na pictures ni Nadine. 

"Give me your gun." Utos niya roon sa isa pang lalaki. 

Napaayos ako nang upo dahil natinag ako sa hawak niyang baril. 

"Makikipaghiwalay ka kay Nadine or else..." Nagbabantang sabi niya saka pinaputukan ang mga litrato ni Nadine na nakapaskil roon. "Kung hindi ka makikipagbreak sa kaniya.. Pwede siyang malagay sa panganib at bigla na lang maglaho sa mundong 'to. Kahit pa stepsister ko siya, hindi ako mag-aalinlangang gawin sa kaniya 'yon."

"'Wag na 'wag mong gagalawin si Nadine, sinasabi ko sa 'yo, baka kung ano'ng magawa ko sa 'yo."  Pagbabanta ko sa kaniya.

"Katulad nga nang sinabi ko, kaya kong gawin lahat." Pagdiin ni Sandra. 

Naglalaban ang puso't-isip ko. Ayokong hiwalayan si Nadine, pero mas lalong ayoko na masaktan siya.

"Gagawin ko ang gusto mo, 'wag mo lang gagalawin si Nadine." Desisyon ko.

"OMG! Totoo ba?!" Nasisiraan na talaga siya ng ulo! 

Sinabi niya lahat sa akin kung paano ang gagawin para magalit sa akin si Nadine para siya na mismo ang makipaghiwalay sa akin.

Tinawagan ni Sandra si Nadine para mahuli kami sa akto. 

Tutol na tutol ako pero wala akong magawa.. Mas mabuti pang masaktan ko siya nang ganito, kaysa si Sandra ang manakit sa kaniya. 

Makalipas ang ilang araw, dumating ang tatay ni Nadine galing sa ibang bansa. Naglakas-loob akong lumapit sa kaniya kahit na delikado. Ikwinento ko ang mga balak gawin ni Sandra sa kaisa-isa niyang anak. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko sa kaniya, kaya ang ginawa ng tatay ni Nadine, ipinadala si Sandra sa States para masiguradong ligtas ang anak niya. Doon na rin nalaman na may sakit sa pag-iisip si Sandra.  

End of Flashback.

Lumapit na ulit ako kay Nadine para magpaliwanag sa kaniya, para sabihin sa kaniya ang lahat. Pero kahit ano ang gawin ko, ayaw niyang makinig. Tinulungan na ako ng tatay niya, pero wala pa ring nangyari. 

Gusto niya ng ebidensya pero wala akong naipakita sa kaniya dahil nilinis agad ni Sandra 'yung mga trinabaho niya. Nakiusap ako na magsalita si Sandra kahit na nasa ibang bansa siya para aminin ang mga ginawa niya, pero ayaw niyang magsalita. 

Napaupo ako sa isang sulok, ikinuyos ang kamao. Gusto ko nang magising sa bangungot na 'to, na paggising ko ay kami pa rin ni Nadine. 

Kinuha ko ang telepono ko mula sa aking suit at idinial ang numero ni Nadine.

"The subscriber cannot be reached, please try again later." Paulit-ulit kong idinial ang number niya pero laging ganoon ang isinasagot sa akin. 

Ibinato ko ang telepono ko sa higaan ko. 

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

***
edited: 2021

When Ms. Panget Transforms Into Maganda | COMPLETEDWhere stories live. Discover now